Chapter Two

499 3 0
                                    

Chloe POV

Mali yata ang desisyon ko ng pagikot. Hindi ko kasi nagustuhan kung sino yung taong nakita ko.

Napatitig ako sa kanila.. Feeling ko hindi gumagalaw ang oras.. Hindi kasi ako makagalaw ni walang kahit anong lumalabas sa bibig ko maski hangin.. Kahit alam kong maingay ang paligid wala akong naririnig basta ang alam ko lang may mga karayom na tumutusok sa puso ko.

Nabasag lang ang katahimikang yon ng may biglang nagsalita

"Look. Alam ko na magugulat ka pero hindi ko alam na ganyan ang magiging reaction mo. Akala ko sasabunutan mo ako hinanda ko pa naman ang sarili ko at ang buhok ko. See at wala akong ginawang pag-aayos sa buhok ko. Hahaha pero ang akward ng reactio mo. Boring!"

Hindi sa wala akong reaction pero wala akong lakas hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ang mga tuhod ko umiinit ang mga gilid ng mata ko at alam ko sa oras na to babagsak na babagsak na ang tubig na iniingatan ko.

"Chloe.." Naramdaman kong may humawak sa kamay ko tinignan ko kung sino ang humawak si... si... Theo..

"Chloe, mali ka ng iniisip.. Were just.." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya halata naman kasing hindi na niya alam ang iduduktong

"Making out love?" Out in the blue moon yun ang sinabi ko.. magsasalita pa siya pero hindi ko na siya hinayaan.

"Theo, nakita ko na.. Nakita ng sariling mga mata ko, hindi tsismis hindi rumor! Nasaksihan ko mismo pero itatanggi mo pa? Sino niloko mo?" Hindi ko na nga naiwasang hindi mapakawalan ang mga tubig na nagkakawala sa gilid ng mga mata ko

"No Hon.. Hindi ganon.." Hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa kanang kamay ko

"To see is to believe. I don't need any explaination kasi nakita ko naman na. Wala ng dapat pang ipaliwanag doon." Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa kamay ko kahit nasasaktan na ako

Aalis na ako ng marinig ko ulit nagsalita si Sabrina""Wag mo na siyang habulin. Hindi niya deserved." At pumalakpak siya "Pero, okay ang drama niyo ha? Best actress goes to.. Bum ba ram dam dam... Chloe Sison!" At tumawa siya ng parang nangaasar

Oo wala akong lakas para sabunutan o saktan ang dalawang tao na nasa harapan ko ngayon, baka pag ginawa ko pa kasing sugurin siya at pagsasabunutan ako pa ang umuwing talunan. Baka hindi pa ako ang ipagtanggol ni Theo at hindi ko kayang mangyari yon.

Tama na ang mga nasaksihan ko ngayong gabi, hindi na kakayanin ng puso ko na may masaksihan at matuklasan pang iba.. masakit na sobrang sakit hindi ko aakalaing magagawa sakin to ng taong pinagkakatiwalaan ko at minahal ko ng sobra.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ni Sabrina alam kong gusto niya lang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tumakbo ako at alam kong hindi sumunod si Theo sa akin.. Ni hindi ko nga narinig sa kanya ang mga salitang gusto kong marinig at alam kong mas pinili niya si Sabrina kesa sa akin.

Hindi ko na namalayan kung saan ako dinala ng paa ko. Nakita ko nalang na nasa highway na ako at marami ng sasakyan.

Sinubukan kong tumawid ngunit muntik na akong masagasan minura pa ako ng driver at kung magpapakamatay daw ako wag ko siyang idamay.

Hindi na tumigil ang mga tubig na tumutulo sa mata ko, daing pa ang dalang ulan ng bagyo kung magsibagsakan

Pumara nalang ako ng taxi nahihiya narin kasi ako, pinagtitinginan na ako ng mga tao

"Saan po tayo miss?" Tanong ni manong driver sa akin na siguro nagtataka kung bakit tila pinagsakloban ng langit at lupa ang mukha ko

"Malapit na bar." Yun nalang ang sinabi ko sa kanya at binigyan ng pera

Accidentaly One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon