Chapter Three

551 4 1
                                    

Chloe POV

Andito ako ngayon sa bar. Malapit lang naman ang bar sa venue ng Grand ball namin kaya tuwang tuwa si Manong driver na lumabas nalang ako agad at hindi nahinintay pa ang sukli.

Dirediretso lang ako sa stool ng Bar kung saan ako umupo at inalok agad ng drinks ng bartender.

"What do you want mam?" At nagbow sakin si kuyang bartender.

"Hard drinks." Umalis na si Kuya.

Andito ako ngayon sa Circle Bar, isa pag mamayaring bar ni Reid. Hindi ko namalayan na dito pala ako dinala ng Taxi driver nilibot ko kasi ang paningin ko at ngayon ko lang narealize na dito pala ako napadpad.

Ilang saglit pa ay naibigay na sakin ni Kuyang bartender ang Alak at shotglass. Hindi na ako umorder ng kahit anong pagkain all i want is malasing at hindi lumantak ng lumantak!

Mahilig akong mag-bar hopping that's why magaling akong uminom.

Nagiging madaldal na ako at nakakalimutan ko na yata ang problema nitong puso ko.

"That fucking guy! I know he loves me. He let me believe na mahal niya ako, alam ko totoo siya! Tatlong taon ang relasyon namin alam ko.. Hindi niya ako niloloko.." Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakasabi ko para may makarinig noon maingay naman kasi sa bar

Inom inom inom inom. Yan lang ang ginawagawa ko ngayon nakikita ko na nagsasayawan ang mga tao pero wala yata akong lakas para makipag sayaw o tumayo manlang dito sa kinauupuan ko.

Hindi man halata sa pagkatao kong nasasaktan talaga ako pero dito sa puso ko alam ko, alam na alam ko na nasasaktan ako.

Naramdaman kong may humawak sa may tagiliran ko at pumaikot sa beywang ko hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam ko na balak niya ay landiin ako.

Well, im no longer in a relationship naman so hindi maling makipag flirt ako at maging slut kahit ngayong araw lang.

"Need a company?" Tanong ng lalaki habang hinihimas himas ang bewang ko

"Yeah. Sure." Hinila ko siya papalapit sa akin at akmang hahalikan ng bigla naman siyang bumuwal

Medyo hilo narin naman ako dahil pangalawa ko ng bote ng Chivas itong iniinom ko. Hindi ko alam kung ano nangyare sa lalaking to at bigla bigla nalang bumuwal.

"Stay aways from here!" Ma-awtoridad na boses ang umalingawngaw sa loob ng bar and i know who he is

"Reid! Why are you here?" Pero hindi ako nasagot ni Reid kasi bigla nalang may sumuntok sa kanya

"Boyfriend?" Tanong ng lalaking kaninang gustong makiag-flirt sa akin. "I thought she's free and single. She said she is alone~" May sasabihin pa yata siya pero hindi na niya naituloy pagkat ginantihan na siya ng suntok ni Reid

Gaganti pa sana yung lalaki kaso hinila na siya ng mga bouncer. At dahil kay Reid itong bar he has the power to do want he wanted.

"Let's go home." Alam ko na kahit masyado ng nasty ang paningin ko ay galit siya halatang halata sa boses niya na galit siya.

"Why? I'm having fun here. Look!" Itinaas ko ang baso ko at inalok siya "Just have a toast!"

Inagaw ni Reid ang baso at itinapon kung saan. Napasimangot naman ako sa inasto niya.

"Okay. I surrender. Hindi naman ako uubra sayo!"

Padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumakad papalabas ng bar. Dumiretso ako sa parking lot para sumakay sa kotse kahit na susuray suray ang paglalakad ko.

Naramdaman ko nalang na may humapit sa bewang ko.

"Lasing kana. Wala ang kotse mo ano hinahanap mo?" Napa-smirk siya pagkatapos niya iyong sabhin at parang natatawa siya

"Kotse mo." Palusot ko nalang ng hindi nalang mapahiya

"Kanina mo pa nakita ang kotse ko, nasa pinaka dulo kana nga ng parking lot, Come." Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya papunta sa kotse niya

binuksan na niya ang kotse niya at pumasok na ako sa loob.

"Mukhang may story telling mamaya." Nakita kong nakangiti siya pero pagupo ko ngayon ko lanhg naramdaman ang sobrang pagkahilo may sinasabi pa siya pero hindi ko na narinig yon.

~

Reid POV

Napatingin ako kay Chloe at alam ko na nakaidlip na ito, hindi ko man sabihin pero awang awa ako sa kanya at tungkol nga pala sa Theo na yon. Naiganti ko na siya hindi nga lang ganti na alam kong iakakagaan ng kalooban niya pero atleast alam ko na ngayon hindi na makagalaw ung sa sobrang kabugbugan.

Ako si Reid, bestfriend ko si Chloe kababata ko siya at kilalang kilala ko siya. Hindi siya yung tipo ng tao na mahilig sa away hindi rin siya ang tipo ng taong shinishare ang problema.

Pero iba siya sakin open siya sa lahat ng bagay pagdating sa akin, masyado lang siguro siyang nasaktan kaya hindi na ako naalala na itext o tawagan manalang kanina.

Nakita ko siya na papalabas ng vebue na tumatakbo. Alam ko na na may problema hindi naman kasi to mag-rurun away girl ng ganon ganon nalang.

Pinasundan ko siya kay kuya Brandon bodyguard ko na makulit ayaw umalis pero naisip ko may pakinabang din pala siya minsan kahit na nakakairita.

Pumunta muna ako CR kung saan nanggaling si Chloe, at guess hindi ko akalain ang nakita ko i saw Theo and Chloe's half sister kissing and almost making out love.

Paano ko nasabi? Nakataas naman na kasi ang cocktail dress ng Half evil sister ni Chloe while Theo's hands carress her breast. What the Fvcking scene.

Kung ako si Chloe baka pinasabugan ko na ng granada to e. Nakita na ni Chloe hidni pa siya tumigil, i know Chloe saw this scene kaya tumakbo i know she can't argue with her sister even if she's so evil.

Lumakad ako ng papalapit sa dalawang naglalampungan na hindi na nahiya hindi nila namamalayan na nakalapit ako kaya laking gulat ng hayop na lalaking to ng bigla nalang siyang tumilapon.

"What the!" Sigaw niya

"Para kay Chloe." Sabi ko ng napakapresko. Nilayasan ko na sila pero bago ako lumayas binilinan ko pa siya. "Oh, before i forgot.. Get a room.. Idiot.."

Lumakad na ako palayo sa kanila at tinext ang mga taong bubugbog kay Theo, hindi deserve ng katawan ko at kamay ko na magasgas para lang sa makapal niyang pagmumukha.

Habang nag-flaflashback ang isipan ko nakakita ko ng isang convinient store at napagpasyahan kong bumli ng makakain ni Chloe at gamot narin.

Ilang sandali lang ang itinagal ko sa store at pumasok na ulit sa kotse. Tulog na tulog parin ang prinsesa

~

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa building kung saan matatagpuan ang condo unit namin. Napagpasyahan ko ng gisingin si Chloe pero pag tingin ko gising na pala siya.

"Reid, asan na tayo?" Pupungas pungas pa siya at alam kong medyo nahihilo pa

"Labas na, dito na tayo sa building natin."

Umayos na siya at lumabas. Sabay kaming pumasok sa elevator hindi siya nagsasalita that's why ako na ang bumasag sa katahimikan

"Round 2? I know nabitin ka sa bar." Kinindatan ko siya and i saw her smiling this girl. The brave girl.

"Sure, but i'll take shower muna then you better prepair yummy foods! Para mahaba haba ang inuman natin!" Tumawa pa siya this brave girl alam ko na ayaw niya lang ipahalata na nasasaktan siya.

Accidentaly One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon