Prologue:
Bakit sa iba, ang daling sabihin ng salitang i love you? pero kapag ikaw na kaharap ko .. tameme na ako... iyong di makatingin sa iyo ng deretso , kinakabahan kapag kausap mo , kinikilig kapag nginitian mo...kuntento na lang akong pasulyap- sulyap sayo... ewan ko kung mahal mo ako pero ako alam ko mahal kita... sabi nga sa quote na nabasa ko... nakakapagod man na mahalin ka , wag kang mag- alala kasi wala akong balak magpahinga..
Sabi ng iba, isa raw akong luka- luka, martyr sa pag- ibig at isang tanga ..madalas tanong nila may balak ba raw akong magpabaril sa luneta?
Para sakin kapag nagmahal ka, di niya obligasyon na mahalin ka rin nya... swerte mo kung magtugma ang nararandaman nyo sa isa' isa.
Mabuti na raw iyong nagmahal at nasaktan kaysa sa hindi sumubok magmahal kailanman....
Hay...pag- ibig bakit ikaw lagi problema ng sambayanan. ang hirap mong maintindihan... madalas pang iniiwan ang mga pusong naming sugatan... ginugulo ang tahimik naming buhay para pakiligin pero sa bandang dulo ay saktan.
Sa kabila non , heto kami walang kadala- dala at patuloy pa ring nagmamahal . nagbabakasakaling matagpuan ang tunay na tinadhana sa amin ng maykapal.
BINABASA MO ANG
Paano bang sabihing Mahal Kita?" by jeannie manalo
RandomSabi nila, minsan lang raw dumating sa buhay ng tao ang isang tunay at wagas na pag- ibig. Nasa atin raw kung isusuko ito o ipaglalaban natin... kaya ba nating maghintay? hanggang saan ang kaya nating masaktan... Paano ba sabihin sa taong mahal mo...