Mayroon din naman masugid na nanliligaw sa akin.. si Marco, ang hearthrob sa school namin noong college kami ni Dj . Magaling sa basketball at tinitilian ng mga kababaihan. lahat nga inggit noong malaman nilang ako ang nililigawan ni marco. ang mga kaibigan ko kinikilig maliban sa akin.
" gurl, ano pang hahanapin mo kay papa marco, nasa kanya na lahat" sabi ng bestfriend kong si janna
" kaso di ko naman pwedeng turuan puso ko janna , alam mo naman kung sino mahal ko di ba? "
" hay naku best, mahal mo nga siya, ang tanong mahal ka kaya nya?"
" ewan ko best, basta alam ko sa kanya lang ako masaya"
" pabaril na kaya kita sa luneta para matauhan ka"
Si janna ang nagsisilbing tulay para i back up at ilakad ang pag- ibig sa akin ni marco. hindi naman nasayang effort ni janna kasi silang dalawa ni marco ang nagkatuluyan. happy ako sa bestfriend ko kasi sa simula pa lang alam kong siya talaga ang may crush kay marco.randam ko kung gaano siya nasaktan noong nalaman niya na ako ang gusto ni marco.
Kami ni Dj ang abay sa kanilang kasal. ako ang nakasalo ng bulaklak at si Dj naman nakakuha ng garter , kaya panay kantiyaw nila na kami na raw susunod na ikakasal.
Ang bulong ko" wish ko lang... so help me God"
BINABASA MO ANG
Paano bang sabihing Mahal Kita?" by jeannie manalo
RandomSabi nila, minsan lang raw dumating sa buhay ng tao ang isang tunay at wagas na pag- ibig. Nasa atin raw kung isusuko ito o ipaglalaban natin... kaya ba nating maghintay? hanggang saan ang kaya nating masaktan... Paano ba sabihin sa taong mahal mo...