Sa bawat kwento ng pag- ibig,
di nawawala iyong mga kontrabida. sa lovestory namin ni Dj , iyan ang papel ni Layda... ang babaeng haliparot.
" hi Dj" laging bati nya sabay pacute.
maganda sana siya kung hindi lang nuknukan ng arte, sobrang kapal ng make up at laging kapos sa tela ang mga isinusuot. Dagdag mo pa ang pagkalinta nya at kapag dumikit kay Dj ay daig pa ang sawa kung makapulupot. kahit nanay ni Dj ay asar sa kanya.
" oy Dj , wag na wag kong mabalitaan na yang laydang yan gf mo, parang japayuki... mukhang pokpok "
" grabe ka naman nay, ang hard mo, ganoon lang siya talaga pero di iyon pokpok"
sa isip- isip ko, aba at pinagtanggol pa ang kerengkeng na iyon , pag- untugin ko kaya silang dalawa.
" syota mo na ba yon bro? tigas pagtatanggol mo sa kanya kay nanay"
" pinagtanggol lang, syota agad? ikaw nga madalas kitang ipagtanggol di naman kita syota"
" bakit sa akin napunta usapan? si layda mo topic at hindi ako?"
" ewan ko sa inyo, pareho kayo ni nanay madumi isip"
" madumi isip? nagtanong lang kung kayo ni layda madumi na agad isip, sasagot ka lang naman dapat ng oo o hindi dami mo nang sinabi"
" hindi nga kami"
" eh di hindi...tapos ang kwento, masyado kang pikon."
Nandon kami sa ganong eksena nang biglang dumating ang haliparot.
" hi Dj, nagluto ako ng kare- kare, naalala ko paborito mo ito kaya dinalan kita"
" salamat layda, di ka na sana nag-abala"
" wala yon, ikaw pa malakas ka sakin"
Hindi ko matake ang landian ng dalawang ito makaalis na baka masuka pa ako.
" Dj uwi na ako, yng hinihiram kong libro wag mong kakalimutan"
" dito ka na kumain, mukhang masarap itong kare- kareng dala ni layda"
" thank you na lang , busog pa ako, sa bahay na lang ako kakain"
DJ POV....
" bat kaya biglang umalis yon? nagselos kaya o naasar sa sagot ko kanina? kakainis naman at iniwan akong mag- isa sa laydang ito, di na naman ako tatantanan nito."
Sofia POV....
Sadya kayang manhid ang mokong na yon ? di man lang nahahalata na nakakasakit siya ng damdamin? at ang haliparot na laydang iyon sarap sabunutan... may paluto- luto pa ng kare- kare para kay DJ ko ... di hamak kayang mas masarap akong magluto kaysa sa kanya."
BINABASA MO ANG
Paano bang sabihing Mahal Kita?" by jeannie manalo
RandomSabi nila, minsan lang raw dumating sa buhay ng tao ang isang tunay at wagas na pag- ibig. Nasa atin raw kung isusuko ito o ipaglalaban natin... kaya ba nating maghintay? hanggang saan ang kaya nating masaktan... Paano ba sabihin sa taong mahal mo...