Dear Mahal,
Dumating nga pala si papa galing America, kung hindi mo kasi natatanong medyo mayaman kasi kami. Sabagay wala ka nga palang paki sa akin.Yun nga, pagdating ni papa aba parang may pista sa bahay! Ang daming pagkain kahit na 6 lang kaming salo-salo. Hindi kasi sumasalo sa amin ang mga kasambahay kahit na niyaya sila ni mama, nahihiya daw.
May 3 nga pala akong kapatid, sila kuya Knight, kuya Mage, at si Genesis ang bunso. So bale ako lang ang nagiisang babae sa aming magkakapatid. Nakakainis nga na ang gwa-gwapo ng mga kapatid ko, isama mo pa ang mukhang nasa early 20's na papa ko. At ang diyosa kong mama. Ako lang talaga ang naiiba.
Ang sabi naman ni mama, maganda naman daw ako magayos lang daw ako. Ano ba kasing problema nila sa messy bun at walang kolarete na mukha? Napapagalitan na nga ako ni mama dahil vans ang ginagamit kong bag eh ang dami-dami ko daw na channel signature bags sa closet ko. Sabi naman ni papa bakit daw ang luwag-luwag daw ng uniform ko at ang haba, sabi ko naman eh mas comportable at ayaw ko naman ng sobrang iksi.
Kaya siguro di mo ako napapansin dahil hindi ako tulad ng ibang babae noh?
Pero kahit ganoon mahal pa rin kita at maghihintay parin ako, wag lang masyadong matagal ah napapagod din ako.
Nagmamahal,
Lhorraine
BINABASA MO ANG
Mahal kita, Mahal mo ba ako?
Teen FictionAng sabi nila pagmahal mo ang isang tao sapat na rason na daw yun para ilaglaban ang taong yun. Pero may nakaligtaan sila, ang minamahal mo ba ay karapat dapat na ipaglaban, ang mahal mo ba gusto kang ipaglaban? Why fight for something not worth fi...