Dear Mahal,
Hindi naman sa sinisisi kita ah pero parang ganoon na rin eh. Paano ba naman kasi simula ng malaman ni Mint na gusto kita at ng hindi ako pumayag na ibigay sa kaniya ang no. Ni kuya tinatarayan niya na ako! Ang laki ng pinagbago ni Mint simula ng ligawan mo siya.Sigurado din ako na alam mo na, na ang head cheerleader this year ay si Mint. Nagulat nga ako kanina dahil hindi niya ako pinansin at dumiretsho siya kila Trixy! Kaya ayun sumama na lang ako sa mga nerds.
Alam mo mahal di ko gets ba't sila pinandidirian? Ang babait kaya nila tapos alam mo yun di sila plastic. At matanong nga mahal ganoon ba mga type mo? Yung plastic? Iibahin ko na ba ang sarili ko?
Pero hindi e, ang sabi sa akin nila mommy dapat pag nagmahal ako hanapin ko yung tao namamahalin ako kung sino ako hindi kung sinong IDEAL niya. Hay mai-inlove ka din sa isang Lhorraine Yehana Abadiano. Pero bilisbilisan mo mahal ah kagigil ka na e, sarap mong pakasalan charot ahaha. Love you as always and forever mahal, kahit wala naman talagang forever.
Nagmamahal,
Lhorraine
BINABASA MO ANG
Mahal kita, Mahal mo ba ako?
Teen FictionAng sabi nila pagmahal mo ang isang tao sapat na rason na daw yun para ilaglaban ang taong yun. Pero may nakaligtaan sila, ang minamahal mo ba ay karapat dapat na ipaglaban, ang mahal mo ba gusto kang ipaglaban? Why fight for something not worth fi...