Kabanata 1: Si Akisha at Jian

138 19 5
                                    

Kabanata 1: Si Akisha at Jian


Naunang pumunta sa kanyang silid-aralan si Jiana Marie Natividad o mas kilala sa tawag na "Jian" ng kanyang mga kaibigan.

Mabuti nalang at hindi siya nahuli sa klase dahil terror pa naman din ang kanyang guro sa asignaturang ito. Ang History o Araling Panlipunan. Lahat ng estudyante na nakikinig kay Ginang Leal ay inaantok na, bagama't may kaedaran na si Gng. Leal ay gustong-gusto niya parin magturo.

Nabuhayan ang mga estudyante nang sinabi niya na 'class dimiss.' at nagpaalam naman ang kanyang estudyante kabilang nadoon si Jian at Akisha. Nakatulog naman sa klase si Jian habang si Akisha naman ay patuloy sa pagsulat ng mga inaral nila sa History.

May dalawa pang natitirang asignatura at pagkatapos noon ay pwede na silang umuwi sakanilang mga bahay kung wala na silang gagawin sa kanilang eskwelahan.

Magkaklase si Jian at Akisha samantalang ang dalawa naman nilang kaibigan na si Leyla at Mira ay magkaklase rin, nasa ikalimang palapag ang silid nila Akisha ang silid naman nina Leyla ay nasa ika-apat na palapag nang gusali ng eskwelahan nila.

"Kish! Tapos kana, pahiram naman ako ng notes mo." tumabi si Jian kay Akisha na busy sa pagsusulat na inaral nila kanina.

"Eh! Kung nagsulat kana ngayon edi sana kanina ka pa tapos, diba?!"

"Akisha, dali na pahiram bukas ko rin naman ibabalik iyang kwaderno mo eh." pagpupumilit ni Jian kay Akisha.

Walang ginawa si Akisha kundi ibigay ang kanyang kwaderno sa araling panlipuan kay Jian na pasaway at ang ginawa lang ay matulog sa klase ni Ginang Leal. Masaya namang inilagay ni Jian yung kwaderno na hiniram niya kay Akisha.

Si Jian ang tipikal na estudyante na makikita mo na kapag boring ang turo ng guro o yung asignatura na iyon ay tutulugan niya talaga pero kung pagdating naman sa recitation at pagsasagot sa pisara ay kayang-kaya iyan ni jian matalino si jian ikumpara mo naman sa mga estudyanteng aral, baon, pasok lang alam.

Ganun rin si akisha, pinaka mataas ang rango niya sa klase at sa seksiyon nila. Siya rin ang numero-uno pagdating sa mga pagligsahan sa kanilang eskwelahan. Katulad nalang ng quiz bee, wastong pagbabaybay at iba pang mga paligsahan sa kanilang paaralan.

Nasa quadrangle na ang mga estudyante para sa magaganap na pagpupulong para sa mga estudyante ng San Lucas High School.

Dahil sa unang pasukan ng mga estudyante at ngayon lang nagsimula ang kanilang pagpasok sa kanilang paaralan at hindi parin nasasabi kung ano ang mga patakaran ng San Lucas High School matagal na rin nagaaral dito ang apat na magkakaibigan simula elementarya nandidito na sila.

Nagtipa ng mensahe si Mira sakanyang cellphone para magkita-kita sila sa quadrangle dahil marami narin ang mga estudyante na nagsisibabaan at wala narin silang mauupuan.

Kaagad naman nagreply si Jian at sinabi na anduroon pa raw sila ni Akisha sa kanilang silid at nagkaklase ang alam ng dalawa nilang kaibigan na dissmissed na lahat ng mga klase ngayon dahil sa ganap na pagpupulong ng mga estudyante.

Mabuti na lang may mga naireserba ang dalawa para kina Akisha at Jian. Nasa bandang unahan ang kanilang puwesto talaga namang kitang-kita nila at rinig na rinig ang mga taong nagsasalita sa entablado.

Umupo na sila Leyla at Mira sa harapan dumating narin ang dalawa pa nilang kaibigan sila Jian. Na halata mong hingal na hingal sa kababa sa hagdan dahil lahat ng estudyante ay nasa ibaba na para sa magaganap na pagpupulong.

Nagsimula na ang programa at ang iba naman ay halatang masaya dahil sa anunsyo ng kanilang pinakamamahal na principal na si Bb. Estrella Sablado siya ang bagong principal ng San Lucas High School. Nasa dalawampu't anim na si binibining estrella, wala pang balak mag-asawa---ayaw niya kasi kailangan niyang alagaan ang kanyang nanay na may sakit tsaka mahal niya ang kanyang trabaho. Maganda at mabait na principal si Bb. Estrella.

"Goodmorning to my beloved students, I am the principal of this school.....Ms. Estrella Jean Ramos." bati niya sa lahat ng estudyante na nanduroon na nakikinig sakanya. Ang mga lalaki naman sa bandang gawi ay napatitig kay Bb. Estrella dahil siguro sa kagandahan nito.

Tinalakay din rito ang mga panuntunan at regulasyon ng kanilang paaralan kabilang narin ang halalan sa mga tatakbo bilang presidente at bise presidente. Gaganapin iyon sa sususnod na pagpupulong mukhang naganahan ang mga estudyante ng may kumanta at sumayaw sa harap ng entablado.

Naging masaya naman ang pagpupulong na ito, akala ng magkakaibgan kung para saan na naman itong pagpupulong na ito nung nakaraang taon raw kasi ay nawalan ng gana ang mga estudyante dahil hindi naging masyadong interesado ang mga estudyante sa pinagsasabi ng mga kapwa nila estudyante na may katungkulan.

Maya-maya lang ay nagyaya si Mira na bumili ng pagkain sinamahan siya ni Jian dahil gutom nari  ito at hindi nakakain ng maayos. Naiwan naman ang dalawa na seryosong nakikinig sa entablado. Kung pagdating sa patalinuhan ang paguusapan si Leyla at Akisha ang mahilig sa mga akademya, sila ang gustong-gusto sumali at makipaligsahan rito.

Sa cafeteria...

"Bes! Huwag na kaya tayong bumalik doon, nakakaboring kasi eh tas di ko pa alam kung anong pinag-uusapan nila." sambit ni Jian.

"Hoy! Manahimik ka nga diyan, gusto ko nga ring umalis doon kaya lang hindi puwede kasi nga baka sabihin naman ni Akisha satin bakit hindi tayo nakikinig o! diba nakakahiya kaya kung ako sayo bumalik na tayo doon." - Mira.

"Tsk! Sige na nga. Ikaw rin matalino ka kaya alam mo yun ako kasi hindi eh."

"Ano kaba lahat tayo matatalino may iba't-ibang pagiisip at paraan nga lang tayong mga tao. Ikaw matalino ka at kaya mong ipakita sa iba iyon."

Bumalik na ang dalawa bitbit ang pagkain na binili nila dalawang sitchirya at dalawang juice drink, dalawang biscuit at tubig. Para kay Leyla at Akisha ang dalawang biscuit at tubig na binili nila.

"O! Mga frenny, ito na po ang inyong pagkain." nakangiting ibinigay ni Jian ang pagkain nung dalawa. Nakikinig sila ng mabuti sa pagpupulong na ganap ngayon.

Nang natapos iyon sabay-sabay silang lumabas ng kanilang paaralan at nakisakay sa kotse ni Akisha ipinagbabawal ng magulang ni akisha na siya ang magdrive dahil nga sa bata pa ito at wala pa sa tamang edad kaya nagpakuha nalang sila ng magmamaneho ng kotse.

Nakarating na sila sakanya-kanya nilang destinasyon, nagpaalam narin sila sa isa't-isa 'panibagong araw na naman para bukas' sabi ni akisha sa kanyang sarili.

Ang Magkakaibigan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon