Kabanata 2: Ang Estrangherong Lalaki

91 20 3
                                    

Kabanata 2: Ang Estrangherong Lalaki.


Nagpaikot ang mga opisyal ng klase ng mga papel na listahan ng mga kinatawan ng bawat estudyante para sa paligsahan ng pagsusulit sa darating na ikalawang buwan ng oktubre.

Kumpleto ang magkakaibigan na naglalakad ngayon sa pasilyo ng kanilang eskwelahan nagmumukha silang mga modelo ng isang mamahalin na tatak ng damit.

Wala silang pakialam kahit pinagtitingnan na sila ng mga kapwa nilang estudyante na prenteng-prenteng naglalakad sa gitna ng pasilyo ng kanilang paaralan. Akala mo nga may fashion show na magaganap!

May mga grupo ng mga kalalakihan na kaagad umagaw sa kanilang atensiyon iyon sila Kieffer ang mga varsity player ng basketball sakanilang paaralan. Lumapit ang mga ito sa kanila, pinaligiran sila at nakipagkilala ang mga ito sa kanila.

"Hi girls." nakangiting bati ni Kieffer sakanila

Inisnaban ng apat ang pagbati ni Kieffer sakanila. Wala silang interes sa mga lalaki lalo na't mahalaga sakanila ang kanilang pagaaral.

"Let's go." matabang na sabi ni Akisha habang papalayo doon sa mga lalaking iyon.

"Hey! Don't you still remember me?" tanong ni Kieffer sakanya.

"No." walang reaksiyon na sabi nito sa lalaki.

Si Kieffer Ezron Gueno ay sikat sa kanilang paaralan dahil sa angking galing sa basketball tinagurian siyang MVP ng basketball team at captain leader.

Hindi maalala ni Akisha ang nangyari dahil nga sa kalasingan nung nasa party sila ng isa nilang kaklase na si Alynna. Lasing na lasing ito 'kung mamalasin ka nga naman' ang sabi ni Akisha sakanyang sarili. Nasukahan niya yung mayabang na lalaki na kanina pa siya inis na inis sa ugali nito akala mo naman kasi kung sino.

Di naman talaga siya sa umiinom e! Niyaya lang talaga siya ng mga kaibigan dahil lahat sila ay imbitado. Ang hindi alam ni Akisha na may inuman-inuman na magaganap noon ang akala niya ay simpleng handaan lang yun pala ay magarbong handaan at kung 'party' nga bang tinatawag iyon.

Binuhat siya ng lalaking nasukahan niya, walang pang-itaas ito. At seryosong nakatingin ito sa nilalakaran nila habang siya ay buhat-buhat na parang bagong kasal. Idinala siya nito sa kwarto malapit roon sa swimming pool di alam ni akisha ang gagawin kaya imbis na magingay pa siya ay itinikom nalang niya ang kanyang bibig.

Ang Magkakaibigan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon