Chapter 4

42 0 0
                                        


Pagkatapos naming pumasok sa kwarto ay unti unti na akong nahihilo. Inihiga ako ni Avy sa kama at nakita ko ang napakaamo niyang mukha na tila nangungusap sa akin ngunit nararamdaman ko na nawawalan na ako ng malay at unti unti ng pumikit ang mga mata ko at isang boses lang ang narinig ko..
" I love you Ion"

Malapit ng sumilip ang araw ng ako ay magising walang saplot sa katawan. Nagulat ako ng makita kong katabi ko na si Avy na tila wala ring damit kaya agad akong bumangon upang magdamit. At nagising na rin si Avy na parang tuwang tuwa sa nangyare.

" Good morning Mr. Sion Marley Ferrer " nakakakatakot niyang tugon..
" What happen?" Tanong ko.
" Hindi mo ba nagustuhan performance ko baby Sion?
" What the?" Naiinis kong sagot..
Agad akong umalis dahil nagulat ako sa nangyare.. Hindi pwede to mahal ko pa si Zephy.

After 2 months napapansin kong hindi na nakakasama ni Mae si Zephy kaya pinuntahan ko ito sa Library para tanungin at hanapin si Zephy..

"Mae, can we talk?" Mahinahong kong tugon sa kanya..
" Ano yun? Itatanong mo ba si Avy? Well, hindi ko alam" mapride nitong sagot..
" No, narito ako para itanong kung bakit hindi na napasok si Zephy!"
" E ano bang pake mo ha! May inaasikaso lang siya" pagalit niyang tugon..
" Mae, ano ba!? Gusto kong kausapin si Zephy dahil narealize kong mahal ko siya." Pagalit ko ring sagot..
" Nasasabi mo lang ba yan dahil narealize mo kung gaano ka worthless dahil hindi mo sya ipinaglaban?" Tugon niya..

" Oo, tama ka baka yun na nga!"
" Gusto mong malaman?" Tugon niya..
Nang tipong sasabihin na ni Mae ay biglang dumating si Avy na seryoso ang mukha...
" Ion, buntis ako at ikaw ang ama" pagalit niyang tugon..
" what!? Buntis ka?" Gulat na gulat kong tugon..
"Oo, sino pa ba? E ikaw lang naman ang nakipagsex sa akin nung birthday ni Camille right?sagot nito...

Nagulat ako sa mga sinabi ni Avy kay Ion, What buntis siya at si Ion ang ama?..
" Yan ba ang sinasabi mong seryoso at nagsisisi na Ion? Ang makipagsex sa iba at nabuntis mo pa!?" Mangiyak iyak kong sagot..
" Wala akong matandaan Mae, hindi ko alam.." nangangatal niyang sagot
" Hindi mo alam ano to? Bigla na lang pumasok yang boggart mo sa chipipay niya ganun ba!?" Galit na galit kong tugon.

" Well, Ion panagutan mo to at pakasalan moko dahil kung hindi.. Ipapakulong kita"
Singit ni Avy..
" Tama na Avy! Well pananagutan ko yan pero hindi kita kayang pakasalan" pagalit na sagot ni Ion..
" Wag na wag mo ng subukan  kausapin si Zephy para makipag ayos dahil pag nalaman niya to hindi ka lang makakatulong" pagalit kong sagot kay Ion at sabay alis ko...
" Mae, sandali!"

Agad akong pumuntang hospital para kausapin si Zephy about dito, Oo alam kong mahirap to for her pero ayokong magsinungaling sa kanya..

"Zephy!" Sagot ko..
" Hay! Mae ano kumusta ang school? Bakit mukha kang nag iyak..Are you okay??" Nag aalala niyang tugon sa akin..
" Okay lang ako, Nastress lang" patawa kong sagot..

Dahan dahan siyang bumangon mula sa kinahihigaan niya na tila hinang hina..
" oh, dahan dahan" sagot ko..
" Ano bang problema?" Sagot niya..
" Buntis si Avy at si Ion ang ama" mangiyak iyak kong sagot...
" What? That's good, masaya ako para sa kanila" masayang tugon ni Zephy..
Nakita ko man ang ngiti sa labi niya pero nakita ko rin ang unti unting pagpatak ng luha sa mga mata niya na parang hindi tanggap ang mga nasabi ko..
" Zephy okay ka lang ba?" Tanong ko..
" Oo naman! Im happy lalo na kay Ion" sagot niya habang pinapawi ang luha..
" Nakausap ko kanina si Ion, Mahal ka pa niya e" sagot ko..

Nang marining kong sinabi ni Mae na mahal pa ako ni Ion ay tila lumakas ang tibok ng puso ko sa sobrang saya..
" Mahal?" Sagot ko..
" oo, muntik ko pa ngang sabihin sa kanya na may sakit ka e" tugon ni Mae..
Gustong gusto kong sabihin kay Mae na " Bakit hindi mo sinabi edi sana baka nandito siya para alagaan ako" pero sumagi rin sa isip ko na magkakapamilya na siya kaya dapat maging masaya na lang ako for him..

Simula ng malaman ni Ion na nabuntis niya si Avy ay hindi na ito pumapasok kaya mas lalong naapektuhan ang mababa niyang grades at nagdesisyunan kong puntahan siya..

" Bro! What happen? Bat ang kalat? Tsaka bat nakakalat tong Violin mo?" Tanong ko sa kanya..

Walang sagot sa akin si Ion at patuloy syang naglalaro ng computer game..
" Ion ano ba!! Ayusin mo naman ang sarili mo? " pagalit kong sabi sa kanya.
"Para san pa? Mark! Nabuntis ko si Avy pero mahal ko pa si Zephy!" Pasigaw niyang tugon na tila umiiyak na habang inihagis ang hawak niyang mouse...
" Ion, kung mahal mo talaga si Zephy patunayan mo hindi yang naglulugmok ka para sa wala" sagot ko.
" Paano? Magkakapamilya na ako diko na alam gagawin ko!"
Naiiyak niyang sagot sa akin..
Napayakap ako sa kanya at tinap ang likod niya. Pagkatapos kong yakapin siya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya dahil alam kong hirap na hirap na siya..
" Bro! May kailangan kang malaman nakausap ko si Mae kanina at sinabi niya sa akin ang lahat lahat". Ang nakakatensyon kong sagot kay Ion..

UNTIL SHE WAS GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon