Napatunghay ako sa sinabi ni Mark sa akin.
" Ano yun? Tanong ko sa kanya..
"May leukemia si Zephy at terminal case na" malumanay niyang sagot..
"Ano!?" Pasigaw kong sagot
" Inamin sa akin ni Mae dahil di na niya mapigilan na itago pa sayo kaya pinasabi niya na sabihin sayo to dahil mahal na mahal ka ni Zephy" tugon niya..Tila gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko. Napasuntok na lang ako sa pader dahil hindi ko matanggap.
"PUTANG INA Mark!! Yung mahal ko may sakit tas ako ano? Sinaktan ko siya at nakagawa pa ng kasalanan sa kanya!?" Hagulhol kong sagot"Kaya ayusin mo na ang sarili mo Ion. Wag mong hayaang mahuli pa ang lahat puntahan mo na siya" tugon niya..
" Asan siya ngayon" naiiyak niyang sagot..
" Nasa Drs. Hospital sa may Cubao 2nd Street siya" mabilis na tugon ni Mark..
Agad akong nagmadali na nagbihis at pumunta agad ako sa Drs. Hospital. Habang nasa daan ako ay patuloy na tumutulo ang mga luha ko, hindi ko lubos maisip na magagawa ko ito sa kanya at paulit ulit kong tinatanong sa isip ko kung bakit nangyare lahat ito.Nakarating na ako sa hospital at agad kong itinanong ang room ni Zephy, nag elevator ako papuntang 3rd floor at nalaman kong room 286 siya...
"Tok,tok,tok"
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Zephy, hinang hina,namumutla at tila hirap na hirap na sa sakit niya. Nakita ko din si Tita Sophie at agad akong nagmano sa kanya..
" Tita, sorry po" mangiya iyak kong sabi sa kanya..
" Wala kang kasalanan anak!" Tugon niya habang hinahaplos ang balikat ko..
" patawarin niyo po ako sana mapatawad niyo ako" sagot ko sa kanya..
" tama na iyan nangyare na eh" tugon niya..
Umupo ako sa tabi ni Zephy at hinawakan ko ang kamay niya." kumusta na po siya?"mahinahon kong tanong..
" Well, ganun parin mas lalong nagiging active ang sakit niya pero nakatulog sya ngayon dahil pinagpahinga siya ng doctor, Anak lalabas muna ako para makabili ng pagkain"
" sige po tita" mahinahon kong tugonHindi ko maalis ang mahigpit kong pagkakahawak sa kamay niya at hindi ko lubos maisip na mangyayare lahat to.. Gustong gusto ko syang sumbatan pero nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya..
Maya maya ay nagising na siya at tila gulat na gulat sa nakita niya..
" A... Anong ginagawa mo dito" mangiyak iyak niyang tanong..
" Nandito ako para alagaan ka"
Mahinahon kong sagot..
" im sorry,Ion" nag iiyak niyang tugon habang hinahaplos ang mukha ko..
" Bat ka nagsinungaling sa akin?" Tugon ko..
" Dahil ayokong mahirapan ka pag nalaman mo dahil mawawala din naman ako e at makakanap ka ng mas better sa akin" naiiyak niyang tugon.." sa tingin mo gagawin ko yun? Alam mong mahal na mahal kita. Wala ka bang tiwala sa akin?" Sagot ko..
" hindi naman sa ganun gusto ko lang na maging masaya ka bago ako mawala at natupad yun. Kaya masaya na ako ngayon" hagulhul niyang tugon na tila nahihirapan ng huminga." Wag mong sabihin niyan! Hindi ka mawawala andito lang ako."
" Sorry Ion, sorry" her pleasingly answer.
" Pero bakit moko pinagpalit?""Im sorry Ion, im really sorry hindi totoong may lalaki ako" tugon niya
At mas lalong tumigil ang mundo ko ng marinig ko yun, parang binibiak ang puso ko shit.
" Bakit? So wala kang iba!?"
" Sinabi ko lang yun para di kana mahirapan pa at wala na akong choice dahil mahal na mahal kita, nung gabing nagbreak tayo dun ko rin nalaman na Terminal Case na ako sa leukemia kaya wala akong nagawa.." naghihikbi niyang sagot..
" Shitt... Antanga ko bakit di man lang kita pinaglaban ang hina ko fuck" pagalit kong sagot habang umiiyak at sabay suntok ko sa sarili..
Pinigilan ko ang pagsuntok ni Ion sa sarili niya, dahan dahan akong bumangon upang pakalamahin siya.
" tama na Ion, ako naman may kasalanan e at walang mali sayo ang importante masaya ka na at magiging tatay ka na" nakangiti kong sagot habang pinapahid ang luha pero deep inside sobrang sakit.." hindi!! Hayaan mong bumawi ako sa pagkukulang ko sayo" tugon niya at sabay yakap niya at halik sa noo ko
Halos araw-araw akong pinupuntahan at inaalagaan ni Ion. Naramdaman ko ang pagmamahal niya at pagkalinga sa akin. Bawat araw ay sinusulit ko na kasama ko siya, sobrang saya namin na parang wala ng makakapigil pa..
" Hahaha" sabay na pagtawa namin ni Ion habang nanonood ng funny movies..
" time to take medicine!" Tugon ni Ion habang tumitingin sa relo niya.
Nang tipong iaabot niya ang gamot at biglang may tumawag sa kanya.
" Love, sagutin ko lang to ha?"
" sige , go" malambing kong tugon.
Dali dali kong kinuha ang cp ko at nakita kong tumatawag si Mark.
" Bro!"
"Hello? Ion? Pede ka ba ngayon?"
" bakit? Nandito ako sa hospital e"
" Pumunta ka muna dito sa CLR Building na malapit sa court na pinaglalaruan natin ng basketball" naghihikahos niyang tugon.
" ah sige sige" tugon ko..
Nagpaalam ako kay Zephy na pupuntahan ko si Mark at agad naman siyang pumayag at hiniling niya na dalhan ko sya ng paborito naming sisig upang sabay kaming kumain.Pumunta na ako sa lugar kung saan sinabi ni mark at nakita ko siya..
" Bro bakit anong problema?"
Tugon ko.
"Kailangan mong malaman na hindi totoong ikaw ang ama ng dinadala ni Avy dahil nakita ko sya ngayon lang kasama ang boyfriend niya habang hinalkan siya sa labi"
" what?"
" yes bro! Sinabi sakin ng friend niya at hindi totoong may nangyare sa inyo hinubadan ka lang niya dahil gustong gusto ka niya...
Agad namang nakita ko si Avy kaya nilapitan ko siya..
" Hoy! Sinungaling ka Avy. Bat mo ginawa yun ha?"
" bakit? Tanggap na ba ni Zephy na magpakasal ka sakin" tugon niya na parang nagmamayabang pa..
"Bitch! Napakawalanghiya mo! Tandaan mo ito wag na wag mo na akong lalapitan at kakausapin sinira mo ang buhay namin ni Zephy" pagalit kong sabi sabay alis..Agad akong bumili ng Sisig dahil biglang tumawag si Mae na pumunta ako sa hospital at nagmadali akong sumakay ng motor...
Pagdating ko ay nagmamadali ang mga nurses at doctor papunta sa kwarto ni Zephy,kaya nabitawan ko na ang dala kong sisig at agad akong tumakbo papunta don.
" Anak" naiiyak na tugon ni tita.
" anong nangyare?" Tugon ko..
" Ion si Zephy" tugon ni Mae..
Agad akong lumapit kay Zephy at hinawakan ang kamay niya. Tila hinang hina na siya parang may gustong sabihin..
"Ma... Mahal na mahal kita Ion" nauutal na imik ni Zephy..
"Mahal na mahal din kita Zephy!" At dahan dahan ng bumitaw ang pagkakahawak niya sa kamay ko at duon na ako nagsimulang magwala sa kakaiyak..
" No...no..no Zephy wag" tugon ko habang niyayakap ko siya....
At iyon na ang pinakaworse na nangyare sa buhay ko, tila gumuho ang mundo ko , wala na ang babaeng pinapangarap ko, ang babaeng papakasalan ko sobrang sakit ng nangyare at hindi ko matanggap.
Hindi ko iniwan si Zephy hanggang sa huling hantungan ng buhay niya at alam ko hanggang ngayon ay nandyan lang siya para bantayan ako. Inayos ko ang pag aaral ko at sarili ko para sa kanya at ipinangako ko sa kanya na siya lang ang mamahalin ko habang buhay.

BINABASA MO ANG
UNTIL SHE WAS GONE
Roman pour AdolescentsAng istoryang ito ay patungkol sa kung hanggang saan mo ilalaban ang pagmamahal mo sa kabila ng mga balakid sa inyong pag- iibigan. Tunghayan ang pagmamahalan ni Zephy at Ion, kung gaano nila kamahal ang isat- isa at malalaman kung susuko na ba o...