(Note: Kung may kanta kayong, Take Her To The Moon by Moira Dela Tore.
Paki Play po iyon From This Chapter to Last Chapter😊😊)"MIKA!! "
Nabigla ako nang bigla nalang siyang natumba, natataranta akong tinawag sila Tito at Tita. Tinawagan ang ambulance at isinugod sa Hospital si Mika.
"Mika kaya mo yan, laban lang ah?? "
- nangingiyak kong sabi sa kanya habang itinatakbo siya sa Emergency Room.Tumigil ako sa pagtakbo at umupo sa isang tabi. Nakayuko't naguguluhan sa nangyayari. Maaring natataranta lang talaga ako. Tumingin ako sa kisame, kusang tumulo ang luha.
"Lord, please lang. "
"Di ko kayang wala siya, sa kanya na umiikot ang mundo ko. Lord please lang. Please" - hagulhol ko ng malakas.
Natagalan ako sa pag aanatay sa labas at tila kanina pa natataranta ang mga nurse sa paligid papasok sa Emergency Room..
Tumayo ako at inabangan na lumabas ang Doctor.
"Doc"
Umiling iling ang Doctor.
"I'm sorry" - malungkot na sabi ng Doctor pumasok ako sa loob.
"Mika Eillah Fernandez, Time of Death 6:30 pm"
Tila para bang gumuho ang mundo ko nang makita kong nakahiga ang taong pinaka mamahal ko na wala ng malay.
Napaluhod ako.
"M-Mika? Sabi mo lalaban ka? Paano na yung pangarap nating dalawa? Mika naman gumising ka" - inalog alog ko siya umaasang magigising pa siya.
"Sean wala na siya Sean" - Tita Bella.
"Hindi, buhay siya!! " -
"Sean tanggapin mo nalang na wala na siya!Wala na siya! " - sigaw ni Tito Anuzo habang umiiyak. Umatras ako.
"Hindi"
May 22, 2015
*Rain Drops*
"Hi"
"Kumusta ka na dyan? Masaya ka ba?
Pasensya ka na ahh? matagal tagal akong hindi naka dalaw sayo. De bale this week sisiaguraduhin kong araw araw akong dadalaw sayo at kukumustahin ka. " - sabay ngiti ko, tumingin ako sa langit at ngumiti."I Love You, Mika Eillah Fernandez"

BINABASA MO ANG
Bakit Ka Single?
Short StoryA short story of a guy who is single for about 3 years. Why?,Kase pinangako niya na hinding hindi siya hahanap ng iba kundi si Mika lamang. 'Bakit Ka Single?' -Beexle.