Memory 15

248 10 0
                                    

Ellie's POV

"Babe bilisan mo jan!" Sigaw ko kay Shawn.

Pagkalabas ni Shawn ng cottage ay hindi ko maiwasang matulala...







Nagji-gym ba siya? Work out? Pwede na siyang maging model. Imagine? Anim pandesal lang naman ang taglay niya.

"You're drooling." Sabi niya.

Bumalik na ako sa huwisyo dahil baka ano nanamang sabihin niya.

"Bahala ka nga jan!" Sabi ko at tumakbo na papunta sa dagat.

Waaaa!!! Ang sarap ng hangin!!!

Habang ninanamnam ang masarap na hangin ng dalampasigan ay naramdaman kong may bumalot sa bewang ko.

"Masyado kang sexy babe. Ayaw kong pinagtitinginan ka ng mga lalaki." Bulong niya mula sa likod ko.

Napaka protective naman ng boyfriend ko. Kasalanan ko bang sexy ako?

"Asus! Hindi nila makukuha yan HAHA. Ligo na tayo?" Sabi ko at hinila siya papuntang tubig.

Grabe!! Ang lamig ng tubig! Pero ang ganda!! Crystal clear.

"Anong balak mo sa bakasyon?" Tanong niya.

Nandito kami ngayon sa may restaurant malapit sa resort. 'Don sana kami kakain kaso masyadong maraming tao.

"Siguro magpapaturo nalang din muna ako na magluto." Sabi ko.

Marunong naman akong mag-bake kaso pagdating sa pagluluto ay baka makasunog pa ako.

"Aba! Nagpa-practice ka na talaga para sa future natin ah." Sabi niya.

Parang sure na sure na siya na ako ang mapapangasawa niya. Ako rin naman eh, gusto ko na siya na ang huli kong mamahalin na lalaki maliban kay Dad.

"Kami kasi may practice ng basketball para sa finals." Sabi niya.

"Really? Galingan mo ah." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Habang kumakain ay bigla namang may pumasok na pamilyar na babae.

"Ah Shawn? Diba yung ex mo yun?" Tanong ko at tinuro yung babae na nasa entrance.

Saktong paglingon ni Shawn ay napatingin naman si Francine.

"Shawn hey!" Sabi niya at lumapit sa amin.

"Francine hi." Sabi ni Shawn at hinalikan naman siya ni Francine sa pisngi.

To be honest, kahit sa pisngi lang yun nasasaktan padin ako.

Habang kumakain ako ay todo kwentuhan naman silang dalawa. Kung titignan mo silang dalawa...







Mas mukha pang girlfriend si Francine kesa sa akin.

"Ah babe? Punta muna ako sa cottage." Sabi ko at tumayo na.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at umalis na ako. Mukhang nag-eenjoy naman siya kasama si Francine.


*********##########*********


Magga-gabi na pero wala parin si Shawn. Saan na kaya napadpad yung lalaking yun.

Lumabas ako ng cottage at nagikot-ikot para hanapin si Shawn. Kaso...







Nung nahanap ko siya...







Nasaktan lang ako...







Nakita ko si Shawn na nakikipag halikan kay Francine.

Alam niyo yung feeling na parang sinaksak ng ilang beses yung puso ko ng paulit-ulit.

Tatalikod na sana ako pero nakita ako ni Shawn.

"Babe!" Sigaw niya at akmang lalapit na sa akin pero tumakbo na ako pabalik sa cottage.

Agad-agad akong nag-impake ng gamit. Lintek naman na luha 'to sumasabay pa sa problema ko. Paglabas ko ng pinto ay naabutan ko si Shawn.

"Babe please...let me explain." Sabi niya.

"Explain? No need Shawn! Sapat na yung nakita ko!" Sigaw ko at akmabg aalis na ako ng yakapin niya ako mula sa likod.

Ano bang nagawa ko? Umalis lang naman ako tapos pagbalik ko makikita ko siyang nakikipag-halikan 'don sa haliparot niyang ex.

"Bitawan mo ako." Mahinahon kong sabi.

Hindi pwedeng ipakita ko sa kanya na mahina ako.

"No. Hanggat di mo ako pinapakinggan ay hindi kita papakawalan." Sabi niya habang umiiyak.

Sh*t! Alam niyo naman na ayaw na ayaw kong umiiyak si Shawn ng dahil sa akin pero anong magagawa ko kung nasaktan na ako?

Si Shawn ang kahinaan ko pero hindi naman pwedeng palagpasin ko ito ngayon. Siguro kailangan ko lang ng oras para makapag isip-isip

"Bitawan mo ako! Ano ba!!" Wala akong pakelam kahit pagtinginan na kami ng mga dumadaan.

"Kapag hindi mo ako binitawan...hindi mo na ako makikita ulit." Pagbabanta ko sa kanya.

Unti-unti niyang kinalas ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman dali-dali na akong umalis.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pang muli. Dahil alam kong sa oras na lingunin ko siya baka tumakbo lang ako pabalik sa kanya.


A Second Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon