Memory 11

217 8 0
                                    

Ellie's POV

Umaga nanaman at may pasok nanaman. And obviously...hindi ako nakatulog kakaisip kung anong gagawin ko at iniisip ko yung sinabi ni Shawn.

"Good morning Ellie." Bungad sa akin ni Shawn pagdating ko sa school.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakaf ko at hindi siya pinansin. Aba! Ang lakas ng loob niyang iwasan ako tapos ngayon papansinin niya ako?

Pero bakit ganon yung kalahati ng utak ko sinasabing pansin ko siya? Aish! Basta Ellie go with the flow.

"Ang laki ng eye bagso ngayon ah  mukhang napuyat ka ata Ellie babes." Pang-iinsulto niya.

"Napuyat ka ba kakareview kagabi para sa quiz?" Tanong niya.

WWHHHAATTT???!!! May quiz kami?? Bakit parang wala akong maalala. Waa!! Kung ano-anong kasing iniisip ko.

Tinignan ko nalang siya at ngumiti ng pilit pagkatapos ay dumiretso na sa room.

*********##########********

Buti nalang at madali lang makapg review. Kaya naman nasagutan ko lahat ng nasa quiz.

"Okay class, Ms. Salarzon got the perfect score. Give her a round of applause!" Our Prof. announced.

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.

"And oh! Our second to the highest, Mr. Vergara, isa lang ang mali niya." Sabi ng Prof.

Nagpalakpakan din ang mga kaklase ko.

"Wait...ang dali lang ng sagot dito ah, bakit di mo sinagutan?" Tanong ng Prof. namin.

"Ma'am... I actually didn't write the answer para si Ms. Salarzon ang maka-perfect." Pagpapaliwanag ni Shawn.

Umingay nanaman ang buong klase at walang tigil sa pagtili ang iba.

Kinuha ko ang bag ko at nag-excuse kay ma'am na magsi-cr lang ako.

Habang naglalakad sa hallway ay may humila sa akin dahilan para mauntog ako sa dibdib niya.

"I miss you." Sabi ni Shawn.

Niyakap niya ako ng mahigpit at ngayon ay rinig na rinig ko na yung tibok ng puso niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at sinabing...

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

Hahawakan na niya sana ako kaso umiwas ako.

"Hindi! Gusto kong malaman kung ano ba talagang gusto mong mangyari?" Sigaw ko.

Kasi kahit ako naguguluhan na sa mga nagyayari.

"Ano?! Iiwasan mo ako tapos ngayon ganyan yung mga sasabihin mo?? That's bullsh*t!" Sigaw ko.

Nagbabadya ng lumabas ang mga luha ko pero pinipigilan ko yun.

"What?! Magsalita ka! Jusko naman Shawn! Nagmumukha na akong tanga dito!" Sigaw ko ulit.

Bakit ganon?? Hindi man lang ba niya ipapaliwanag sa akin kung bakit ganon?

"Gusto mong malaman yung totoo?? Iniwasan kita para makapag-isip isip ako at ngayon na may desicion na ako gusto kong..." Hindi ko na siya pinatuloy at nagsalita na ako.

"Tama na please...itigil na natin 'tong pangpapanggap natin. Please." Sabi ko at hindi na napigilan ang pag-iyak.

Okay! Ngayon ko na ilalabas lahat!

"Siguro panahon na para malaman mo ang totoo..." Pag-uumpisan ko

"Shawn...gusto kita! Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero isa lang ang alam ko. Gusto kita baka nga mahal na kita eh pero alam kong hindi mo naman ako gusto. Ayos lang naman sa akin basta nasabi ko na sayo yung nararamdaman ko." Sabi ko.

Maglalakad na sana ako palayo ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

Sh*t!! Miss na miss ko na siya.

"Ellie..." Pag-uumpisa niya.

"Gusto kong itigil ang fake relationship natin at gawing totoo dahil ayaw ko ng masaktan ka dahil mahal kita." Sabi niya.

Naramdaman kong may pumatak sa balikat ko at alam kong umiiyak na siya ngayon. Ang sama ko ba? Kasi sinasaktan ko yung taong mahal ko.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at niyakap ko din siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or matutuwa ako ng todo todo.

"Magsisimula tayo ng panibago ah." Sabi ni Shawn.

Tumango ako bilang sagot at hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Yiieeee!!" Sigawan ng mga kaklase ko na naka palibot sa amin.

Ito na ata ang pinaka masayang nagyari sa akin.




A Second Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon