Memory 6

239 9 0
                                    

Ellie's POV

Yes naman! Ngayon ang graduation namin pero hindi pa ako nakakaisip ng kukunin kong course.

"Sweetheart nandito na si Shawn!" Sabi ni Mom.

Nasanay na ako na laging nandito si Shawn sa bahay. Medyo magaan nadin ang loob ko sa kanya.

And on going padin yung fake relationship namin. Kaso ewan ko ba sa nararamdaman ko minsan hindi ko na maintindihan.

"5 minutes!" Sigaw ko.

Excited naman kasi! Ang sabi 8:30 ang start like duh 7:00 palang. Di naman ako na inform na may award pala ang most punctual.

*********##########*********

"You look gorgeous today." Sabi ni Shawn.

"Ngayon lang talaga?" Tanong ko.

Ganyan na ang tratuhan namin ngayon. Ewan ko pero ang gaan na talaga ng pakiramdam ko kapag kausap ko siya. Siguro dahil matagal tagal na din kaming nagkakasama.

"Syempre sa lahat ng oras. Kaya nga ako nahulog..." Sabi niya pero hindi ko narinig yung last sentence na sinabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Wala sabi ko punta na tayo 'don." Sabi niya.

Excited talaga. Hindi ba pwedeng may picture muna?

"Teka nga! Picture muna tayo." Sabi ko.

Pumunta na kami sa venue at naghintay na mag start.

*********##########*********

"Our valedictorian for this school year! Miss Ellie Rei Salarzon!" Sabi ni Mrs. Galera

"Miss Ellie please come up to the stage for your speech." Dagdag niya pa.

Nagpalakpakan sila at ako naman ay pumunta na sa stage.

"Good morning teachers and school mates! Hoo! This is it! Actually hindi ako nakapag ready ng speech ko." Sabi ko at nagtawanan naman sila.

"So, ito na nga...super thankful ako kasi sa wakas nakapag tapos na tayo ng high school. Syempre panibagong stress nanaman tayo kapag college. Pero ayos lang yan! Keri natin 'to." Sabi ko.

Grabe! Nakakakaba naman ito.

"And syempre super thankful din ako sa mga teachers na nagturo sa amin ng ilang taon. Sa mga parents namin na patuloy nagbibigay ng allowance." At nagtawanan nanaman sila.

A Second Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon