BALIK TANAW SA NAKARAAN

122 1 0
                                    

BALIK TANAW SA NAKARAAN 

NI: MARK LOUIE DULAY

Panglima si david sa limang magkakapatid na anak nina Mang Daniel at Aleng Nora. Bata palamang si david ay sinanay na ito ng kanyang mga magulang sa trabahong bukid sapagkat hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan, hindi na ito nagdalawang isip na sundin ang utos ng kanyang mga magulang sapagkat batid nito ang hirap ng kanyang Ama't ina sa pagtataguyod ng kanilang buhay. Nasa ikatlong taon na si david sa sekondarya pinagsisikapan nitong matapos ang kanyang pag-aaral sa sekondarya upang matuntuntong na siya sa koleheyo na siya niyang pinaniniwalaang mag-aangat sa estado ng kanilang pamumuhay, pagkatapos ng klase nito sa hapon ay nagtitinda siya ng basahan sa kalye upang may baon ito kinabukasan, lahat ng trabaho na kaya niya ay kanyang ginawa upang makatulong sa naghihikahos na pamilya, hindi tulad ng ibang kabataan ngayon na walang inatupag kundi ang maglaro at tumambay kasama ang mga barkada si david ay sinasamantala ang mga mga pagkakataon upang paghandaan ang kinabukasan. 

Makalipas ang dalawang taon, natapos na nito ang sekondarya isa ito sakanyang pinakamasayang araw subalit batid nito na pagkatapos ng araw na iyon isa nanamang malaking pagsubok ang nag-aabang sakanya, sapagkat malabong makapag-aral ito sa kolehiyo dahil narin sa kakapusan ng pera. Subalit hindi ito ang naging dahilan upang sumuko siya mga pangarap niya sa buhay, nagpaalam ito sakanyang mga magulang na pupunta sa kabihasnan upang maghanap ng trabaho subalit tutol ang kaniyang mga magulang sa kanyang binabalak. Labis-labis ang pagdaramdam ni david sa naging tugon nga kanyang Ama't ina sa tingin nito'y sarili niyang mga magulang ang pumutol sa kanyang mga pangarap. 

Dalang buwan pa ang lilipas magsisimula na ang patalaan ng mga mag-aaral sa kolehiyo kay muling nag-isip si david ng paraan. Isang gabi nagbalak itong lumayas na lamang sa kanilang tahanan upang mangibang bayan at maghanap ng trabaho at maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. dala-dala ang kaunting ipon at munting pangarap para sakanyang pamilya nagtungo si david sa isang malayong siyudad, nagtiwala na lamang ito sa Panginoon at sa kanyang sarili na kayang niyang harapin ang mga pagsubok sa kaniyang buhay, sa kanyang pag alis tanging isang sulat lamang ang kaniyang iniwan......

Nay-Tay, 

Sana mapatawad niyo po ako sa aking nagawang desisyon, siguro pag binabasa niyo po ang liham kong ito ay nasa malayo at maayos na akong lugar, alam ko po na naging makasarili po ako sa pagdedesisyon para sa aking sarili at alam kop o na naging isa akong masamang anak dahil sinuway ko kayo, wala na po kasi akong maisip na paraan kundi ang lisanin muna kayo sandali upang maghanap ng isang magandang trabaho, naging marupok man po ako sa mga panahong ito pero batid ko pong darating yaong araw na ako po ang magiging lakas niyo. Sana po hindi niyo ako makakalimutan, mahal na mahal kop o kayo. 

-David 

Tila mababaliw na si aleng nora matapos nitong basahin ang lihan ng kanyang anak, walang tigil naman si mang Daniel sa pagpapatahan sakanyang asawa, sa mga araw na iyon ng kanilang pangungulila walang nagawa ang kaniyang magulang at kapatid kundi ang magpakatatag at ipagdasal ang ikabubuti ng kanilang anak. 

Agad namang nakahanap si david ng kaniyang trabaho sa isang kilalang kainan sa maynila, maayos ang kaniyang kinikita doon at nagkakasya naman ito sa kanyang pang-araw-araw, nakapag-ipon narin ito ng kaniyang pang matrikula, sumapit na ang patalaan ng mga mag-aaral hindi siya nagsayang ng oras at agad siyang nagtungo sa iang pampublikong unibersidad sa maynila, kumuha siya ng kursong Engineering sapagkat mula pagkabata'y nakahiligan na niya ang pagguhit ng mga desenyo ng bahay, makalipas ang limang buwan hindi inaasahan ni david na matatanggal ito sa kanyang trabaho at isa ito sa mga pinakamahirap niyang pagsubok sa siyudad sapagkat hindi nito alam kung paano pa siya makakapaghanap ng trabaho habang nag-aaral, nagtanong tanong na lamang ito sa kanyang mga kaibigan at niyaya siya sa isang resto bar bilang isang service crew marami pang trabaho ang napagdaanan bago ito naging permanenteng guwardya sa isang banko, gabi ang kaniyang duty kaya hindi gaanong naapektohan ang kaniyang pag-aaral. 

Nagdaan pa ang araw at taon na halos puno ng pagsubok at pangungulila sa kaniyang mahal sa buhay ang kaniyang naranasan, nasa ikalimang taon na si david ng kaniyang pag-aaral at iyon na ang huling taon sa unibersidad, malaki na ang ipinagbago ni david isa na siyang ganap na binata, sa taon niyang dalawampot lima ay maaaninag mo sakanyang galaw at pananamit ang isang napakadesente at kagalang-galang na tao, naimpluwensyahan narin kasi ito ng pormang taga siyudad. 

Makalipas ang isang taon nagtapos na ito sakanyang pag-aaral "Inay itay, natupad ko nap o ang mga pangarap ko, magbabalik na po ako sainyo." Ito na lamang ang mga salitang nasambit ni david habang siya ay nagmamartsang mag-isa sa intablado sapagkat wala naman itong kamag-anak sa siyudad upang samahan siya sakanyang pagtatgapos. 

Agad naman siyang pumasa sa board exam, at si david ay isa na ngang ganap na enhenyero pagkatapos ng kaniyang pagsusulit ay may nag alok kaagad sakaniya ng isang malaking proyekto at malaking halaga na rin ang kaniyang kikitain, dahil sa kasbikan nitong makauwi na sa kaniyang probinsyang pinagmula ay agad niyang tinapos ang kanyang trabaho, dahil sa kaniyang pagsisikap nagkaroon na ito ng kaniyang sariling sasakyan at nakabili na rin ito ng kaniyang sariling bahay sa maynila. 

Hindi niya mapigilan ang pagpatak ng kaniyang luha habang tinatahak niya ang daan pabalik sa kaniyang pamilya, sabik na sabik na itong makitang muli ang kaniyang mga mahal sa buhay, mula sa bintana ng kaniyang sasakyan natanaw niya ang isang munting kubo, munting kubo kung saan ito ang umaruga at nagmahal sakaniya noon panandalian nanaman niyang naalala ang mga araw na kasama niya ang kaniyang pamilya at muling pumatak ang luha nito, mas lalo pa itong napaluha at lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib ng Masilayan niya ang isang matandang babae palabas sa pintuan ng munting kubo at bakas sa kaniyang edad ang panghihina iyon ang kaniyang ina, hindi na niya mapigilan ang kaniyang kasabikan at agad siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at mabilis itong tumakbo patungo sa kaniyang ina at niyakap niya ito.. "Inay, nadito na po ako.. nagbalik nap o ako inay." Ito na lamang nasambit ni david sapagkat mas lumakas na ang kaniyang iyak. "Anak ko.... David.... Ikaw nab a iyan?? Anak ko!! Nagbalik ka na.." nagyakapan ang mag-ina ng mahigpit na mhigpit, mula sa hindi kalayuan nasilayan ni david ang isang matandang lalaki na may hawak-hawak na gamit sa pang-araro, iyon ang kaniyang ama kasama nito ang mga kapatid ni david. Muli nanamang bumuhos ang mga luha nito habang mabilis ang takbo patungo sa kaniyang ama "itay.......itay nandito na po ako, di da pinangako ko sainyo na magbabalik ako, nandito nap o ako itay." Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ama "Oo anak alam kong magbabalik ka, at hindi kami nagsawang hintayin ang pagbabalik mo,"  

Nagtungo sa loob ng munting kubo ang muling nabuong pamilya at doon pinagpatuloy ang pagbabalik tanaw sa nakaraan.

BALIK TANAW SA NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon