Janna's POV
Tumakbo ako pabalik sa mansyon. Sumalubong naman sakin si Khenzo.
"Langya yun ah! Okay ka lang? Nag-away ba kayo?" alalang tanong ni Khenzo saken.
Napabuntong-hininga ako.
"Bahala siya sa pesteng buhay niya! Tara na nga.." aya ko. Tumango naman siya.
"How dare you, Janna!" biglang singit ni bruha at sinampal ako. Aba, pagpapatalo ba ako? Hell no.
"ARAAAYY!! SH*T!" sigaw niya nang sabunotan ko siya ng bongga.
"Xia-Janna pala..Tama na yan.." awat ni Khenzo. Tumigil naman ako agad. Nakakapagpigil pa ako.
"Walang hiya ka, Janna! You ugly freaking bitch! Slut! Mang-aagaw! Malandi!"
Hmm, sinusubokan talaga ako ng babaeng to ah. Then fine! Mararanasan na niya ngayon kung gaano ako ka demonyita.
"Excuse me lang okay?! Tawagin mo na akong panget wag lang yung salitang naglalarawan sa'yo! Slut? Ikaw yung slut! Tingnan mo yang suot mo. Diba ganyan naman manamit ang mga sluts? Mang-aagaw? Sino ba ang inaagaw ko? Wala naman ah! Resulta lang yan ng pagka-insecure mo! O baka, sadyang ayaw lang talaga ni Drake sa'yo kaya mo yan nasabi." mataray kong sabi sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mata at akmang susugorin na naman niya ako pero biglang dumating si Drake.
"What's going on?" seryoso niyang tanong.
"D-Drake.." gulat na sabi ni bruha. Tumakbo naman siya papunta kay payatot at niyakap. FVCK! Lord, kunin niyo na po tong bruha na toh! Nakakainis!
"Honey, inaaway niya ako..Huhuhuhuhu."
-__-
Ano siya 4 years old?
Nagulat nalang ako nang tinanggal ni Drake ang pagkakahawak ni bruha sa kanya. Ewan, pero bigla akong natawa sa isip ko.
Lumapit si Drake saken at....
Hinila na naman ako. -_- Okay lang yan. Immune na ako dyan. Psh.
"Hoy, Drake! Saan mo na naman ba dadalhin ang DATE ko?!" sigaw ni Khenzo at in-emphasize pa niya ang word na date.
Tumigil saglit si Drake at lumingon kay Khenzo.
"No one's going on a date with her except me."
O____O
No one's going on a date with her except me..
Except me...
Except me...
>//////////////< Shet. Kinikilig yung internal organs ko!
"H-Hoy Drake.. Pano si Xandra?" bulong ko. Tiningnan lang niya ako ng masama kaya umiwas nalang ako ng tingin. Nakakatakot na ang lalaking toh. Topak eh!

BINABASA MO ANG
Falling for the Gangster [On-Hold]
RomanceGustong tumakas si Xianel sa kanyang madilim na nakaraan.. Ang akala niya, sa ganoong paraan ay makakatakas na siya sa pagiging isang leader ng isang gang..Pero nagkamali siya.. It was really a wrong move! She worked as a maid for the Jang Family. N...