SEPHRAINE'S POV"Sephraine anong oras na. Tanghali na. Gumising ka na jan. Napaka tamad mo talaga!" Ang Sigaw ng aking stepmother na gumising sa akin na halos umusok sa ilong sa galit.
"Opo tita. Papunta na po" nagmamadalikong tugon sa kanya para hindi sya lalong magalit sakin.
Habang nagmamadali akong naglalakad pababa sa hagdanan ay
"bugggssshhh" isang bag na puno ng tubal na damit ang tumama sa aking muka na nag patumba sa akin.
"Labhan mo muna yan bago ka pumasok sa school" utos ng aking stepmother sa akin habang mag kasalubong ang kilay at halos umuusok ang ilong ang galit.
Isa isa kong dinampot ang mga damit na nagkalat sa sahig at agad dinala ito sa labahan at nilabhan ito.
"Nako alas otso na pala! Late na naman ako!"
Agad akong naligo at pandalas na gumayak upang makapasok na agad. Sinakbit ko na agad ang aking bag at sinakyan ang aking bisekleta at umalis.
"Sephraine Kylie Villanueva late ka nanaman? I'll talk to you later okay?" Ang boses na bumungad sakin sa pag pasok ko sa classsroom.
"Yes maam"
Kinausap ako ng aming teacher at ipinaliwanag ko na kaya ako late ay dahil may iniutos pasakin ang aking ina. At naintindihan nya naman ito.
Maghapon nanaman akong mag isa, walang kausap at nasa isang sulok lang ng aming room
"Hoy Sephraine" sabay bato sakin ng papel.
Nag tawanan ang aking mga kaklase sa ginawa ng spice girls. At ginaya nila ito
Ang spice girls ay ang grupo ng aking mga kaklaseng babae na araw araw nambubully sa akin. Araw araw nila akong ipinapahiya. Sikat na sikat sila sa buong campus namin sila ang hot chix sa buong Joanias University.
"Panget umalis ka nga jan. Mahirap ka di ka nababagay dito alis" ang araw araw na panlalait nila saakin.
"Hindi ba kayo nag sasawa sa ginagawa nyo sakin?"
"Hindi" sabay sabay silang nagtawanan at itinulak ako kaya napaupo ako at lalo nilang pag tawanan.
Umiiyak akong tumakbo at kinuha ang aking bike at nagmadaling umuwi at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang aking unan at duon humagulhol ako.
"Bakit nila ako ginaganito? Bakit napaka unfair ng mundo sakin? Mama bakit mo ako iniwan? At lalo pa akong humagulhol at hindi ko namalayan na sa sobrang bigat ng aking pakiramdam ay nakatulog na pala ako.
Sa pag tulog ko ay nanaginip ako at duon nakita kong muli si Mama. Miss na miss ko na si mama kaya nung makita ko sya ay niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit at akoy naapaiyak. Nag kwentuhan kami ni mama. Nag kamustahan at nag bonding.
"Mama bakit ganito? Ang unfair nila sakin" lungkot na lungkot kong tanong sa kanya.
"Mama bumalik ka na po" iyak
At nung mag sasalita si Mama ay biglang
"Sephraine tanghali na magluto ka na" ang utos sakin ng aking stepmother.
Tumayo na ako at dumiretso sa kusina at nagluto. Habang nagluluto ako ay pinilit kong alalahanin ang sinabi skain ni mama.
Hindi malinaw ang pagkakasabi nito dahil naalimpungatan ako sa pagtawag sakin ng stepmother ko.
"Nandyan na sya" yan lang ang mga malinaw na salita ko narinig ko na sinabi niya sakin. Hindi ko ito maintindihan. Marahil may ibig sabihin si mama kung bakit nya ito sinabi.
"Sephrainyyyyy" boses ito ng pinsan ko. Si Alison
"Alisonn" sabay takbo at yakap sa kanya. Namiss ko ang si Alison dahil sya lang ang taong nakakaintindi sakin.
"Tara shopping aayusan kita. Ako ang bahala sayo. Wag kang mag alala ipag papaalam kita kay Mommy"
"Sige maliligo na ako antayin mo ako sa kwarto"
Excited na excited ako kaya dali dali akong naligo at nagbihis.
"Tara na Sephrainy"
Enjoy na enjoy ko ang buong araw na ito. Dinala nya ako sa ibat ibang parlor at ipinaayos ang matigas at magulong buhok. Ipinaayos nya lahat at namili kami ng damit.
"Wow Sephrainy you look so gorgeous" gulat na gulat nyang sabi sakin matapos ang aming makeover.
"Ano ka ba ngayon lang to. Bukas wala na ulit hahaha"
"Maganda ka naman e. Try mo kaseng mag ayos"
Gumagabi na kaya kumain na kami at umuwi na din.
"Maraming salamat Alison"
"Always welcome Sephraine Kylie o sya dito nako sasakay ha may pasok na ako bukas e. Ingat ka pag uwi"
At umuwi na kami. Napaka saya ko ngayong araw na parang di ko na alala kahit isa sa mga problema ko. Napaka saya ko talaga ngayon.
Sa sobrang pagod ko buong araw ay nakatulog na ako.
"Kring kring kring" tunog ng aking alarm. Huminga ako ng malalim at gumayak para pumasok.
Saktong sakto lang ang dating ko at lahat ng mga kaklase ko ay nagulat dahil ibang iba ako sa nakasanayan nilang itsura ko.
"Wowwwww" gulat na gulat na bati sskin ng mga kaklase ko.
Napangiti ako at medyo nag blush sa naging reaksyon nila at pati ang spice girls ay nagulat. Dumiretso na ako sa aking upuan at umupo na ulit ako sa aking upuan. At nakinig sa klase namin.
"Pak" Isang sampal galing kay Samantha at at sinundan pa ng kanyang mga kaibigan ang tumama sa aking muka.
"Ang arte arte mo na porket marunong ka nang mag ayos. Kami pa ding spice girls ang pinakamaganda sa buong Joanias University" Sabay irap nya sakin at talikod at umalis na
Ipinahiya nila ako sa buong campus kaya tumakbo ako haang umiiyak. Kinuha ang aking bike at pumunta sa tabing dagat at duon humagulhol at nag sisigaw.
"Brrooom brooom" isng tunog ng motor ang tumigil sa may likod ko. Nakahelmet, naka pantalon, naka boots at naka leather jacket ang sakay nito at dahan dahang bumaba at tinanggal ang kanyang helmet at"Shit"
![](https://img.wattpad.com/cover/165647008-288-k574961.jpg)
YOU ARE READING
L'Amore Eterno Di un Demone
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang demonyo na napadpad sa mundong ibabaw at umibig sa isang binibini hanggang sa kanyang kamatayan.