CHAPTER 4

3 1 0
                                    

SEPHRAINE'S POV

Bago palang si Kaizer dito sa University pero sikat na sikat na agad sya. Maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya mapa senior high man o junior high dahil sadyang napaka gwapo nya at ibang iba sya kaso napaka suplado nya.

Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante tungkol sa kanya.

"Ang gwapo talaga nung lalaki dun sa section C no? Si Kaizer Zikana. Gwapo na mayaman pa"

Halos sya ang usap usapan sa buong campus namin. Isang buwan palang syang napasok ay sikat na sikat na agad sya.

"Wooomm wooomm woooom"

"Tunog yun ng kotse ni Kaizer. Andito na sya" sigaw ng isang babaeng mamatay sa kilig ng makita ang kotse ni Kaizer.

"Aaayyyyyyyiiiiieee si Kaizer andito na" sigawan at paliritan ng mga babae na nag aabang sa ka pag dating nya.

Syempre ako dedma lang kase di naman ako kagaya nila. Dirediretso lang ako paglalakad, papasok na sana ako sa room ng biglang

"Ate papicture nga po" utos sakin ng babae na kilig na kilig na kilig habang nag pappicture kay Kaizer.

Pumasok na ako sa classroom namen at syempre as usual paliritan kay Kaizer at irap sakin ang bumungad sakin.

"Class Goodmorning. Mag si upo na kayo dahil mayroon tayo ngayong  activity" bati samin ni sir na nakangiti.

Kahit na nasa lowest section ako ay ako naman ang pinaka matalino dito. Late enrollee kase ako kaya nandito ako e kaya excited akong gumawa ng activity.

"Class ito ay by partner ha. Walang aangal sa partners nyo dahil bubunutin ko kung sino ang magkakapartner"

"Opo sir" sagot naming lahat

"Sana makapartner ko si Kaizer" habang nakatingin kay Kaizer na natutilog sa pinaka dulong row ng upuan

"Nako hindi yan ako ang makakapartner nya no" bulungan ng mga kaklase ko na nangangarap makapartner si Kaizer

Kaya ko namang gawin mag isa yun e. Mas pabor pa nga sakin kase walang makikialam sa gawa ko.

"Mr. Zikana!" Galit na sigaw ng teacher namin kay Kaizer

Tulog na tulog pa din si Kaizer kaya nilapitan na sya ng teacher namin

"Mr. Kaizer ElykClar Zikana(sabay hampas ng stick sa ulo nito). Tulog ka nanaman. Nakataas pa yang paa mo" gakit na sabi ng teacher namin

"I'll talk to you later. See me at the guidance office" habol pa nito

Tiningnan lang sya ni Kaizer ng masama tapos nag suot ng earphones at natulog ulit.

Naoatingin ako kay Kaizer at napa kunot ang noo ko

"Napaka bastos talaga ng ugali nyan ni Kaizer" bulong ko sa sarili ko.

"Okay class asan na ba ako? A oo ng pala bubunutin ko na ang mag kakapartners makinig kayo"

Bumunot na si sir ng bumunot at hindi pa din ako natatawag.

"Ms. Villanueva your partner is Mr. Zikana"

"What? Sir pede ako nalang kapartner ni Kaizer?" Apela ng mga kaklase ko na nag kakagusto kay Kaizer.

Sa dinami rami ng pede kong maging kapartner sya pa talaga. Nako pabigat talaga yang tamad na yan. Niligtas lang nya ako akala ko ang bait bait napaka pasaway pala at napaka tamad.

"Okay go with your partners and mag brainstorming kayo"

"Hoy Kaizer gumising ka dyan. Ako ang partner mo sabi ni sir."

L'Amore Eterno Di un DemoneWhere stories live. Discover now