Sophia
I woke up without having Herc by my side.Tss,pasabi sabi pa sya na hindi ako mabo-bored ngayon,tapos...asus!
"hoy bruha!gising na!" sigaw ni josh sa labas ng kwarto..Wala nang ayos-ayos pa,labas agad ako ng kwarto...Wala din namang dahilan para maging blooming ngayong araw.
Pagkahawak ko ng doorknob,nakita ko yung singsing na binigay sa akin ni Herc,Tawagin ko kaya sya?
Ay wag na nga,hayaan ko syang magpakita tas magtatampo ako sa kanya,hah!bahala sya
"naalala mo ba yung mga bodyguard na nag-aaply sa atin?Bruha!may nahanap na ako!pogi!" bungad ni Josh at sinamahan ako papunta sa living room
Nagkamot ako ng ulo habang papikit pikit pa,sus mas gwapo naman ang Guardian ko dyan.Habang nagkakamot ako ng ulo ay sunod naman akong napahikab...for sure ang pangit ko ngayon.
"Herc?Herc,ito pala si ma'am Sophia..sya yung babantayan mo,ingatan mo ah!artista yan!"Masiglang sabi ni josh...
wait,Herc!?Agad kong idinilat ng maayos ang mga mata ko...And boom!andon sya sa sofa nakaupo na akala mo isang normal na tao at nakangiti sa akin...Yung itsura ko!
"sop--,asan na yun?" nagtatakang sabi ni Josh
agad akong tumakbo sa kwarto ko para mag-ayos,ah!!pano kung mapangitan sya sa akin!?pano kung mawala ang pagtingin nya sa akin!?gosh!!!
Naligo ako,Nagbihis ng maganda,naglagay ng make up,naglotion,nag ayos ng buhok,nagpabango sa harap ng salamin...Nang tumalikod naman ako,andun si Herc,nakaupo sa kama ko.
"paanong?" tiningnan ko yung singsing,ah,naglotion nga pala ako..pati nga pala palad ko eh nilalagyan ko,kaya siguro nahaplos ko yung singsing.
"you're lucky nasa labas ako nang tawagin mo ako" nakangiting sabi nya
"Nung nagsimula lang naman ako maglotion tsaka ka napunta dito diba??" tanong ko
"yes" sagot nya...Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang tumayo sa pagkakaupo.Tapos ay niyakap ko sya.
"Huwag mo akong iwan kahit pumangit ako ah?" malambing na sabi ko habang sinusubsob ang mukha ko sa dibdib nya
Niyakap nya rin ako,Hinaplos nya ang buhok ko in a gentle way...and just by doing that,I feel safe and relieved.
"I won't... Besides, I've seen you grow old so many times.But here I am,I keep coming back to you.Everytime na tumatanda ka...Nag sstay ako,some even say na apo mo ako,pero I proudly say that I'm your husband...So why worry?Hihintayin ba kita ng napakatagal para lang iwan ka?" Alam kong habang nagsasalita sya...nakangiti sya... I'm lucky to have this man in my life.
Dahan dahan syang kumalas sa pagkakayakap ko,hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito."Alam mo,dati idol ko lang si Hercules,napapanood ko lang sya sa cartoons dati..Tapos ngayon kaharap ko na apo nya"sabi ko sa kanya
tumawa sya ng kaunti "Well, I'm glad to know that"
Maya-maya pa,nagsalubong ang kanyang mga kilay..."m-may mali ba?" tanong ko
"Get rid of that make up... You're pretty without that,trust me" sabi nya sa akin...
Ngumiti ako,sa lahat ng naging nobyo ko...sya lang ang nagsabi sa akin nyan.
"okay!" maligalig na sabi ko
"Aalis na ako,baka hanapin ako ng manager mo" pag papaalam nya na pinigil ko
"wait,ikaw ba ang dahilan kung bakit bakla ang manager ko?" tanong ko
"sino pa ba?Just making sure no one else would fall for you" he said and smiled playfully.
Napangiti na lang ako...Indeed,hindi nga boring ang araw na ito.Dali dali na akong nagtungo sa cr para tanggalin ang make up sa mukha ko...
~~~~~~~~~~
Sa sasakyan,katabi ko si Herc,sa harap naman ang manager at driver ko...ok na sana na katabi ko sya,kaya lang hindi kami masyado makapag usap...papunta kami ngayon sa shooting ng isang advertisement ng bookstore...
Habang nakadungaw ako sa labas,may malaking led billboard naman na may nakasulat na "I love you" ang napansin ko...Tinignan ko si Herc.
"ikaw ba may gawa nyan?" abot langit na ngiti ko habang bumubulong
medyo lumapit sya sa akin para makita ang led billboard...At ito ako,ngiting ngiti pa rin "no"
Biglang naiba ang timpla ko,nawala ang ngiti ko "baka sa ibang tao yan?"
Tinalikuran ko sya,Wala akong pake sa mga paraang ng pagsorry nya gaya ng pagsusulat sa bintana ko ng word na sorry.Alam kong parang ang babaw ko rin para pagselosan ang ganong bagay...ewan.
"ay!"tili ko nang may bigla na lang may maibato sa bintana na star fish at may sulat din na sorry... Unbelievable,paano nagkaroon ng star fish dito?Nilingon ko si Herc
oh yes,may guardian nga pala ako..."bakit sophia?" nag aalalang sabi ni Josh
"w-wala" sabi ko...paglingon ko sa bintana,wala na yung starfish... Haayyy Herc
~~~~~~~~~~
Nang makarating na kami sa set,pinagbuksan ako ni Herc ng pinto ng sasakyan.
"ehem,herc?" sabi ni josh na pina-aalalahanan si Herc na pagbuksan din sya ng pinto.Tatawa na sana ako kaso naalala ko galit ako sa kanya
"Hello,sophia" bungad ng director sa akin...
tumango ako at ngumiti bilang pagtugon."wala pa kase si Dave...Hintay lang ah?" masiglang sabi ni direct at iniwan na kami
Nilingon ko ng kaunti si Herc...Magkasalubong ang kilay nito at tila ba dismayado sa narinig...Patay,wag sana magliyab tong set dahil sa galit nya
"herc bantayan mo muna si Sophia,iihi lang ako" biglang sabi ni Josh
"oi" tawag sa akin ni Herc...Cute,pero galit ako ngayon
"hey,nagalit ka dahil dun sa billboard?" tanong nya sa akin at huminga ng malalim
Nagulat na lang ako nang hilahin nya ako palabas ng pinto at pagbukas,boom!napunta na ako sa teres.Ipinalak-pak niya ang dalawa nyang kamay,kaya ang kaninang maaliwanas na umaga,naging madilim na gabi
Nilingon nya ako,"Who's Dave?".Hindi ko sya sinagot,bagkus ay tinarayan ko sya "None of your business".
Ilang sandali pa tumahimik sya at tila ba may ginagawa.Nakarinig ako ng mga twinkling sound sa tabi ko.
"hoy,anong ginagawa mo?"pagtataka ko
Nakita ko na may ginagawa sya na kung anong maliwanag na puting bato sa palad nya...ano yan?
"hoy?" ulit ko
Bigla na lang nya pinitik pataas ang maliwanag na bato sa taas...Pagkatingin ko naman sa kalangitan,naroon ang nag-iisang maliwanag na bitwin...
"There,I made you a star..." sabi nya habang nakangiti sa akin
"P-pink?" nagtatakang sabi ko
"yes,para kakaiba...also,that star will be named Sophia" he proudly said while flicking his fingers
"mamaya lang,nasa balita na yan" Nakangiting sabi nya sa akin.I was left agape...did he really just Placed a star in the sky and named it Sophia?
"Ayan,Mas maganda pa sa billboard yan ah?are you still mad?"tanong nya sa akin
Niyakap ko sya...niyakap ko sya ng mahigpit."Thank you you Herc"
Narinig ko ang pagngiti nya,"You're always welcome Sophia"
Nang kumalas sya sa pagkakayakap sa akin,nakababa na kami sa may pintuan ng set at,umaga na
"Imposible!gabi na kanina ah!?pano nangyare yun?Pauwi na ako eh!" sigaw ng isa sa mga staff doon.
Tinawanan na lang namin ang sigaw na yon...Kahit ako,nagulat ako nung gumabi.
Hinawakan nya ang kamay ko papasok ng set...I wish,it will stay like this...forever
YOU ARE READING
A 100 Years Renaissance Of Love
Ficción histórica"Ilang beses ko bang kailangan ulitin na hindi kita iiwan?If it's for your safety... I'm willing to sacrifice everything..If it's for your happiness, I'm willing to be sad or to be an idiot...sad kase pwede akong magparaya...And lastly...If it's for...