|~KringKring~|
Alarm: 5:00 AMHindi ko namalayan na tumunog na pala ang alarm clock ko. "Hindi na naman ako naka tulog ng maayos, Sigh~.", sabi ko sa sarili ko.
"Anyan kase Ace, nanonood ka na naman ng mga horror movies, kahit alam mong madali kang matakot.", bulong ko sa sarili ko. "Di bale na nga, maliligo nalang ako..."
—————Magandang umaga! Kumusta nga pala, ako si Aislynn Inoue Fujimoto. 16 years old. Nickname ko ay "Ace". Ace, dahil kapag bibigkasin mo ang Aislynn parang Ace lang, so ayun naging ganoon. Pero alam ko kung anong iniisip nyo', ang wierd talaga ng pangalan ko noh?
Tama rin kayo, ako ay half-japanesse at half-Filipino pero mayroon rin akong dugong European (Greek). Oh! diba ang taray na nga ng pangalan ko pati na rin ang dugo ko! Nga lang nalulungkot ako dahil maliit na parte lang ang dugong European ko...
Masasabi kong maganda talaga akong dalaga, matalino, mabait at tsaka God-fearing pa.
Hilig ko manood ng anime, movies at mga drama. Gusto kong magbasa ng manga, webtoon, at tsaka mga librong fictional. Hilig ko rin makinig ng mga classical at modern music.
Masasabi ko na kapag hindi mo pa ako gaano ka alam, malamig talaga ang turing ko sa'yo, pero kapag alam mo na ang tunay kong anyo, at ugali, mabibighani ka dahil mag iiba talaga ang turing ko sa'yo, mabait naman talaga akong bata, eh. Pero kapag nilalaruan mo ako at nasasaktan mo na ako o ang ibang tao, lalaban talaga ako at hindi talaga magpapatalo. Maliit lang ang nakakaalam nito pero ako ay isang Black belt sa Martial Arts.
—————
|Pagkatapos maligo|
Oras: 5:30 AM"Ang ganda talaga ng pakiramdam kapag matapos ka ng maligo~~~". Sabi ko sa sarili ko.
~~Growl~~
"Hahahahah..., magluluto na ako, aking pinakamamahal na tiyan. Hmmm... Ano kaya ang iluluto ko?, paano kaya kung english breakfast nalang?" Iniisip ko.
Di bale na, ipagpapatuloy ko ang aking istorya!
—————Oo nga pala, ako ay isang Grade 10 na estyudante sa Livermore Academy.
Hindi siya well-known sa publiko pero sikat siya sa mga mayayaman at mga may-kayang pamilya. Kaya nga ito ang pinili nila mama at papa na school eh, private na at tsaka kapag makatapos ka dito, maraming opportunities ang makukuha mo at makatatrabaho ka kaagad. Kaya nga lang ang mahal ng tuition fee, kaya dapat magsikap ng mabuti upang makakuha ng malaking marka.Kung kanina pa kayo nagtataka, ako lang ang nakatira sa Pilipinas, marami kaming mga bahay at lupa, ngunit mas pumili akong tumira sa isang condo unit malapit sa eskuwelahan namin. Sina mama, papa at dalawa kong kuya ay kasulukuyang tumitira sa Canada at nag-aasikaso sa negosyo namin doon.
—————
Oras: 6:30 AM"Kahit sila ay nakatira sa ibang bansa, alam kong mahal pa rin nila ako at tuluyan pa rin nila akong susuportahan~ >.< " Masayang iniisip ko habang naglalakad patungong school.
Pagdating ko sa school gate nakita ko yung guro namin sa PE, si Sir Carlos, nag iinspekto. Binati ko siya, "Magandang umaga po, Sir!" "Oh, magandang umaga rin Ms. Fujimoto, ang aga-aga mo rin ngayon." Sabi niya sa akin. "Hindi ko po gustong madetensyon sir...", sabi ko sa kanya kasabay ang nerbyos na tawa. "Mauna na po ako, sir" paalam ko sa kanya at tumango naman siya.
—————
Dumiretso ako sa silid-aralan namin at kagaya ng dati ako parin ang naunang dumating. "Makapag-aral na nga lang.." sabi ko sa sarili ko.Nang binuksan ko na ang aking libro, biglang may bumukas sa pinto ng malakas at nagulat ako, "Sino naman kaya yun?!", ang nasa isip ko. Tiningnan ko ang pintuan at naalala ko yung pinanood kung horror movie kagabi, natakot ako at tumaas ang aking balahibo, pero pagkaraan ng ilang segundo nakita ko ang isang itim na pigyur na humihinga ng malakas na parang galing lang tumakbo. Si Cassandra Rose Einz lang pala yun, ang aking kaklase at ang aking pinsan.
"Ace!!! ang aga mo talaga, pakopya nga ng takdang-aralin. Tehe ;)" sabi niya sa akin. "Bahala ka diyan Cass, binigyan tayo ng dalawang araw ni Miss para tapusin yon at hindi mo pa nagawa?" ipinaliwanag ko sa kanya. "Eyyyyy, hmph edi wag nga, makakaganti talaga ako sa'yo Ace" sabi niya. "Tingnan lang natin, paano kaya kung isusumbong ko ito ni Tita Melissa? Na hindi ka na nga gumagawa ng mga takdang-aralin at kahit saan saan ka na lang napupunta kapag natatapos ang eskuwela?" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang aking tawa. "Ayy Ace, huwag naman maawa ka sa akin, mahal na mahal kita oh, huwag mo lang sabihin nila Mom, huhuhu." sagot niya sa akin. Habang ako tuluyan na talagang tumawa.
Pagkatapos ng aming alitan ni Cass, unti-unting dumating ang iba naming kaklase.
—————
Oras: 7:00 AMKagaya ng mga ibang araw, walang nagbago, ang mga babae kasama si Cass ay nagkukuwentuhan na naman tungkol sa mga lalaki, at ang mga lalaki naman ay nagkukuwentuhan ng i-sports, laro at iba pa. Paminsan-minsan ay umuusap sila sa akin at inaaya nila ako na sumama sa kanilang mga lakad, ngunit tinatanggihan ko naman, dahil nakakapagod kaya maglakad at mamasyal, pero kapag ang pinaguusapan ay mga manga o anime pasok talaga ako. Pero mayroon namang iba na nakikipagusap talaga lang sa akin dahil kailangan nila ng tulong sa mga takdang-aralin nila kagaya ni Cass.
Hindi naman ako nalulungkot, pero hindi ko talagang maintindihan kung bakit ang ibang mga estyudante sa ibang seksyon
ay parang natatatakot sa akin, at minsan ay parang minamaliit nila ako.Habang naghihintay ako sa aming guro na pumasok ay may kumuha sa aking atensyon habang tiningnan ko ang pintuan. Mayroong babae na nakaupo sa unahan, malapit sa pintuan na walang kausap, parang malungkot ata siya at may tinatago.
Sa aking natatandaan, ang babeng yon ay si Lucy Marie Blanća, nung una niyang dumating sa aming klase marami siyang naging mga kaibigan at marami rin siyang nakausap, ngunit ngayon parang lumalayo na ang kanyang mga naging kaibigan at hindi na umuusap sa kanya, parang iniiwasan siya. Nag-alala ako sa kanya at nabaguhan, inisip ko "Bakit kaya wala siyang kausap?, hmmm... baka may nangyari o mahiyain lang talaga siya."
Binitawan ko ang aking mata sa pagtingin sa kanya nang dumating na ang aming guro.