Oras: 5:40 PM
"Tara pumunta na tayo sa klassroom" sabi ko kay Lucy. "Nga pala Aislynn, bakit alam mong nandoon ako sa hagdanan kasama ang mga lalaking iyon?" Tanong ni Lucy sa akin. "Ahh, dahil yon kay Hide, sinabi niya sa akin na nakita ka niya na may kasamang lalaki, at hinanap kita dahil tayong dalawa sana ang maglilinis ng silid-aralan ngayon, kaya hinanap kita at nakita kita at nangyari yon." sagot ko kay Lucy. Nakarating na kami sa silid-aralan at sinabi ko sa kanya "Umuwi nalang tayo, di bale sinabihan naman tayo ni Sir Carlos na umuwi na lang at ipapaliwanag ko nalang kay Hide ang nangyari ngayon kung bakit hindi tayo nakalinis ng maayos." sabi ko kay Lucy.
Kinuha ko yung bag ko sa lamesa ko at tumingin kay Lucy. Nagulat ako ng bigla nalang siyang umiyak ng malakas. Nataranta ako at nag-alala kay Lucy. "Lucy, anong nangayari? Bakit umiiyak ka?" Sabi ko sa kanya. "Huhuhu, pasensya na talaga Aislynn, nakalimutan kong tayo pala ang mag-linis ngayon, at inabala pa kita, at t-tsaka nasaktan kapa dahil sa akin. Huhuhuhu." Sabi niya sa akin habang umiiyak. Hayy, akala ko kung anong nangyari, yun lang pala. Sinabihan ko siya na "Huwag ka ng umiyak Lucy, nagulat ako nun ha?", di bale para tumigil ka nang umiyak, ililibre kita ng paborito mong ice cream? Okey lang bah?" Sabi ko sa kanya. Tiningnan ako ni Lucy na pula pa ang kanyang ilong at tsaka mata, at sinabi niya sa akin "Anghel ka talaga Aislynn, hulog ng langit!". Napatawa naman ako sa sinabi nya at sinabihan ko siya "O sige punta na tayo, at bumuli ng ice cream!!"
—————
Oras: 6:30 AM"Hindi ko talaga malilimutan ang nangyari kahapon." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang eskuwelahan.
"Oh magandang umaga, Ms. Fujimoto ang aga aga mo parin ngayon." Bati ni Sir Carlos sa akin. "Magandang umaga rin po Sir, Oo nga po Sir, pero alam nyo naman po ang dahilan diba?" Sabi ko kay sir at tumango naman siya. "Sige po sir mauna na po ako" sabi ko sa kanya.
Pagpunta ko sa loob ng eskuwelahan dumiretso ako sa silid-aralan, tama ang nasa isipan ko, ako parin ang naunang dumating. "Makatulog na nga lang" sabi ko sa sarili ko.Papalapit na akong matulog nang biglang bumukas na naman ang pinto ng malakas.
"Hayy si Cass na naman yan, alam ko na." Sabi ko sa sarili ko kaya hindi ako tumingin sa pintuan, pero bigla nalang may tumawag sa aking pangalan na "Inoue". Dahil sa biglang pagkasabi noon, tumaas ang balahibo ko at tumingin ako kung sino yun at pagdilat ko "Ahhhhh!!! Multo, multo, halimaw, halimaw!! Tulungan niyo po ako!!" sigaw ko. Bigla nalang hinawakan ng multo ang aking buhok at kinuskos ito."Hayy, Aislynn Inoue natatakot ka sa mga multo pero hindi ka natatakot sa mga lalaking nang-aapi sa iyo? Ang tapang mo rin minsan noh?" Dinilat ko ang aking mga mata at nakita kong si Hideyoshi lang pala iyon. Nabigla ako sa wala lang. "Ayyyy hindi ba puwedeng matakot sa mga multo Hide?" Sinabi ko ito pero iniiwasan ko ang kanyang mukha dahil nahihiya ako. Hmph! >.< bahala ka nga Hideyoshi.
"Hmmm.. pero Hide bakit alam mo na may nang-aapi sa amin kagabi?" Tanong ko kay Hideyoshi. "Sinabihan ako ni Lucy, nagpasalamat siya sa akin kagabi, kasi dahil daw sa akin, nasabihan kita kung saan siya dinala ng mga lalaking iyon." Sabi ni Hideyoshi sa akin. "Ahh yun pala." Sabi ko sa kanya. "Basta wag nyo na yun ulitin muli, dahil kapag masusugatan kayo o mapaano, responsable ko pa rin iyon dahil presidente nyo ako, naintindihan?" Sabi ni Hide sa akin.
Tumango ako sa sinabi ni Hideyoshi, pero napaisip ako "Hindi na kami mga bata at hindi rin namin kasalanan kung bakit nangyari iyon." Malungkot kong sabi sa sarili ko. Nagtaka naman si Hideyoshi kung bakit ako nagmumuni-muni.
Pero bumalik na sa upuan si Hideyoshi ng nag dadatingan na ang aming ibang kaklase.
—————
Oras: 6:45 AMHindi pa dumating si Lucy sa silid-aralan kaya nag-alala na naman ako, baka bumalik na naman yung mga lalaking iyon. Kaya pumunta ako sa main entrance ng departyemento ng junior high school at naghintay para kay Lucy.
Habang naghihintay kay Lucy nakita ko namang tumatakbo si Cass papunta sa loob ng gusali. Binati ko siya "Magandang umaga, Cass!" "Oh, sigh~ magandang umaga rin Ace, bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya sa akin. "Ah, may hinihintay ako, mauna ka na." Sabi ko sa kanya. "Okey, sige mauna na ako, see you, au revoir la cousine~" sabi niya sa akin.
Ang hilig talaga niya ng French -_-, pero nasaan nakaya si Lucy. Malapit na magsimula ang klase, hihintayin ko bah o babalik nalang ako? Nang napasiyahan ko na bumalik nalang, narinig ko na may tumatakbo papalapit sa akin. Nang lumingon ako, nakita ko na si Lucy pala iyon. Tumatakbo siya nang nakangiti papalapit sa akin. Ngumiti naman ako pabalik.
"Oh, Aislynn sino ba ang hinihintay mo dito?" Tanong niya sa akin. "Edi sino pa, ikaw, tara pumunta na tayo sa silid-aralan." Nakangiti ako habang sinasagot siya at tumango naman si Lucy.
-Fin-