Chapter 2

1 0 0
                                    

Maxine's POV

Simula nang makita ko ang larawan ng lalaking iyon, hindi na ito nawala sa aking isipan.

Tss. Mali na maging mate ko siya. Isa siyang bampira at tao ako. Isang hunter at pinuno pa.

Nakatingin ako sa bintana ng aking opisina. Salamin ang nagsisilbing pader nito. Hindi ko kailangang ipagalala kung sakaling mabasag ito dahil mas makapal pa ito sa isang bullet proof glass.

Kitang kita mula rito sa kinatatayuan ko ang aking nasasakupan at ang siyudad na hindi naman gaanong malayo sa amin. Tanging ang kakahuyan lamang ang naghahati rito.

Sa bahaging ito naninirahan ang mga tao. Mga taong walang kaalam alam na ang mga bampira ay totoo at nag eexist dito sa mundo.

Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan habang pinakatitigan ko ang tanawin.

Hindin hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon.

Mag-lilimang taon na rin ang nakararaan ng maganap iyon.

Dalawang linggo bago ang aking ika-labinlimang kaarawan, ay naghahanda at piniprepare na ang lahat para sa isang selebrasyon.

Big deal para sa ilan dahil ang unica hija ng pinuno ng mga hunter ay mag lalabinlima na edad kung kailan maaari na akong mag ensayo sa pagiging hunter at pinuno gaya nila ama noong sila ay labinlimang taon pa lamang.

Hindi rin magakamayaw ang kasiyahan ng lahat dahil ang aking ina ay nagdadalang tao sa aking kapatid.

Kabuwanan niya ngayon maaaring sa loob ng ilang araw ay mailuwal na niya ang aking kapatid na pinakasasabikan ko.

Habang abala ang lahat, dumating ang isang pangkat ng mga hunters na duguan.

Agad naman namin itong at dinala sa clinic.

Isa sa pangkat na ito ay ang kapatid ni ama.

Nang dumating si ama. Nagusap sila ni Uncle Manuel. Hindi ko pa ito masyadong maintindihan marahil dahil bata pa ako at masyadong mahina ang kanilang mga boses.

Kapansin pansin ang expression ni ama. Tila ba'y galit ito. Hindi ko malaman kung bakit pero natitiyak kong dahil iyon sa sinabi ni Uncle Manuel.

"Maxine, anak pumanik ka na sa iyong kwarto at matulog. Kailangan mo nang mag pahinga." sabi ni mama sakin at hinalikan ako sa ulo.

Mabilis na lumipas ang araw na yun ni hindi ko nga namalayan lahat.

Dalawang araw bago ang aking kaarawan nanganak si mama. Isa itong batang lalaki. Napaka cute nito. Napakasaya ko't may kapatid na ako.

Labis ang kasiyahang naramdaman namin, hindi lang ng aming pamilya pati na rin ng buong organisasyon.

Pero ang kasiyahang yon pala ay hindi rin magtatagal dahil kinabukasan din ng araw na iyon, naganap ang isang bagay na hinding hindi ko makalilimutan at ang siyang naging dahilan kung bakit kami naging ulila at kung bakit sa edad na labing lima ay naging pinuno ako ng organisasyon.

I was snapped back to reality ng dahil sa isang katok mula sa pinto ng opisina ko.

"Come in." sabi ko nang makaupo na ko sa aking swivel chair dito sa opisina.

Si Iñigo ang pumasok. Isa sa mga private investigator na hinire ko para ipahanap si Uncle Manuel.

Mula kasi ng mamatay si Papa at Mama, nawala rin siya. Inakala na nga ng lahat ng nasa organisasyon ay patay na siya, pero para sa'kin ay hindi dahil tatlong taon matapos ang pangyayating iyon ay may nakita akong note sa ibabaw ng mesa ko dito sa aking mesa at ang note na yun ay nanggaling sa kanya.

Nalaman kong sa kanya ito nanggaling dahil sa sulat kamay at pangalanag nakalagay. Walang sinuman ang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan.

Kaya ko sya pinapahanap dahil tanging siya lang ang nakakaalam sa kung sinong bampira ang pumatay sa mga magulang ko.

"Max, may dalawang bagay akong ibabalita sayo." bungad agad sa akin ni Iñigo ng siya ay makapasok.

Bukod kay Ed, Maria, Uncle Manuel, Uno, at sa kapatid ko, isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko.

Anak si Iñigo nila Ed at Maria. Matanda siya sakin ng tatlong taon.

"Spill."

"Nalaman ko ang mga lugar na pinupuntahan niya at kung saan siya nakatira."

Nang dahil doon ay tila nabuhayan ako pero alam kong may karugtong pa iyon.

"I can hear a but."

"Nang puntahan ko siya sa kanyang tinutuluyan, gaya ng dati, bago ko pa man siya abutan ay wala na siya. Parang alam na niya na may nagmamanman sa kaniya." dugtong naman agad ni Iñigo.

I sighed because of what I heard.

Hindi na nakakapag taka iyong dahil isa si Uncle Manuel sa mahuhusay na mga hunter ng organisasyon. Kaya di na nakapagtatakang malalaman niya ito.

"It's okay. Hayaan nalang muna natin siya. Siguro magpapakita rin siya kung kailan niya gusto. Sa ngayon magpahinga ka na muna at maglaan ng oras para sa pamilya mo." sabi ko sa kanya.

Isang buwan rin kasi siya nawala dahil sa pinag uutos ko.

Tumango na lamang siya at wala ng sinabi pang iba. Tinungo na niya ang pintuan ng may maalala ako.

"By the way Chase was looking for you. He missed his 'kuya' Iñigo daw."

Bago pa siya lumabas ay nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. Indikasyon na natuwa siya sa sinabi ko.

Malapit kasi si Iñigo kay Chase. Kung titignan nga ay parang sila pa ang magkapatid ni Chase kesa sa akin. Si Ed at Maria ang nag aalaga kay Chase dahil wala akong oras para alagaan ito. Pero I always make sure that I always spare time for him.

Pagkalabas niya agad na dumapo ang paningin ko sa isang picture frame.
Picture namin iyon magpamilya. Kinuha iyon umaga nung araw na namatay ang mga magulang namin.
Kasama sa larawang iyon sila Ed, Maria, Uncle Manuel, at Iñigo.

Sa likod ng frame nakadikit ang isang asul na sticky note na may nakasulat na

'Dont trust anyone around you. Aside from those people that your imstinct is telling you that are trustworthy.
                                                   ~Booba'

Nalaman kong si Uncle ito dahil siya lang ang tinatawag ko ng booba noon.

Uncle, please come back. I don't know what to do anymore. Everything was in chaos. It may not appear to everyone but only us, the higher ups know. I don't know what to do anymore.

Tanging si Chase, ang nakababatang kapatid ko, nalang ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob.

He's turning five few days from now. I bet he's really excited now. and I'm turning 20 also.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ill Fated HuntressWhere stories live. Discover now