Chapter 1

7 0 0
                                    

Maxine's POV

*tok* *tok* *tok* *tok*

Maririnig sa hallway ng mansion ang tunog ng takong ng suot kong sapatos.

Ramdam ko ang presensiya ng bawat taong naririto sa pamamahay ko.

May tatlo sa kusina, dalawa sa labas bukod sa mga bantay, at may dalawa sa receiving area.

Naglakad ako patungo sa hagdan.

Pagkarating ko sa ibaba, agad akong sinalubong ni Ed at Maria. Sila ang mga pinagkakatiwalaan ko rito.

Nasa sa akin ang katapatan nila, hindi sa grupo. Sinusunod nila ang anumang ipag utos ko.

"Bakit kayo naririto?"

"Nagpupulong ang council Young Miss."

Napataas ang kilay ko roon.

Bakit sila nagpupulong nang wala ako?

"Tungkol saan?"

"Pasensiya na po ngunit hindi namin alam."

Napatango ako.

Agad akong pumunta sa building na tinitirhan ng mga hunters. Para itong hotel kung titignan, pero ang 5th floor nito ay ang lugar kung saan kami nag pupulong pulong, naririto rin ang pag aari kong system. Ang 6th floor naman ay ang opisina ko.

Pagdating ko sa 5th floor agad akong pumasok sa dalawang naglalakihang pinto.
Nakita ko agad ang council members ng organisasyon.

"Having a meeting without my consent? Planning something without me?" pambungad ko sa kanila ng makapasok ako.

Agad akong naupo sa aking puwesto

"What's this all about?"
"Napag-alaman ng samahan na nagbalik na dito sa ating lugar ang susunod na hari ng mga bampira. Hinahanap nito ang mate niya."

"Bakit nawawala ba ito?" walang gana at sarkastiko kong sagot.

Napakagandang timing nga naman.

"Ang tunay na tanong ay kung nahanp at nakilala na ba niya ang mate niya."

Napakunot noo ako dahil doon. Ibig sabihin wala pa itong mate?

"Anong plano niyo kung ganon?"

"Iniisip namin na sa oras na mahanap niya ang kanyang beloved gamitin ito laban sa kanya."

I can't help but laugh without humor.

"Hangal ka ba?" Tanong ko kay Ryan Lomino, ang pinakabata sa council, pwera sa akin.

Matanda ito ng apat na taon sakin ngunit hindi kami magkasundo nito. Siya ang nagmana sa pwesto ng kanyang ama sa council sa edad na nineteen.

"Ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi pa nito nahahanap ang kabiyak nito."

"Kaya nga 'Sa Oras na Mahanap niya ito' ang sinabi ko"

"Wala na bang ibang mas magandang paraan? Yung hindi tayo naghihintay? Paano kung hindi na niya ito makita? Siya ay immortal samantalang tayo ay mga mortal lamang. Hindi tayo maglalagi sa mundong ito. Sino pa ba sa inyo ang may maganda, at madali na suhestisyon."

Lahat sila ay nag iisip. Nang magsalita si Lilliana. Isa sya sa pinakamatandang myembro ng council.

"Bakit di tayo lumapit sa mga witch? Alam naman natin na maaari nila tayong tulungan."

"Maaari nga ngunit tuso ang mga black witch. Hindi ito tumutupad sa usapan. Ang mga white witch naman ay hindi na gaanong nakikisali sa mga gulo." sagot ni Uno.
Ang Kanang kamay ko sa council, at sya rin ang pinakamatanda sa lahat.

Ill Fated HuntressWhere stories live. Discover now