(Oras)

9 0 0
                                    

Naranasan mo na ba?
Ang maubusan ng oras para sa isang tao
At yung taong yun ay hindi na muling
Nagparamdam pa
Kasi ako oo
Yung sa sobrang dami mong ginagawa
At hinahati mo yung oras mo para lang makausap siya at yung iba
Hindi mo namamalayan na nawawalan ka na ng oras para kausapin siya
Kaya minsan tinatanong niya yung sarili niya
Boring ba ako?
O sadyang ayaw lang niya akong kausap
At sa paghahati mo ng oras hindi mo alam na yung taong yun wala ng makapitan wala ng masabihan at wala ng masandalan
Kasi ikaw, ikaw lang yung inaasahan niya
Pero dahil sa oras hindi mo na alam kung anong nararamdaman niya
Nagseselos siya alam mo kung bakit?
Kasi yung iba nagagawa mong tanungin kung ok lang sila at nagagawa mong ichat sila
Pero yung taong yun umaasa nalang na kamustahin at ichat mo siya pero wala,umasa lang siya sa wala
Pero kahit ganon diba nandiyan parin siya para sayo?
Pero hindi mo napapansin yun dahil sa paghahati mo ng oras
At kahit hindi mo pa natanong kung ok lang siya lagi ka niyang tinatanong kung may problema ka
Pero hindi mo sinasabi sa kanya
At ang akala wala kang tiwala sa kanya
At hindi mo alam na pag nagtatanong siya may halong pagaalala
At kita niya sa mga mata mo kung gaano ka kalungkot
At minsan naisip niya bakit hindi mo kayang sabihin yung problema mo sa kanya iniisip niya at tinatanong sa sarili niya hindi ba ako mapagkakatiwalaan?
Pero tanong ko minsan ba nakita mo siyang malungkot pero natanong mo ba kung may problema siya?
Pero ok lang sa kanya
At Yung taong yun hanggang ngayon nandiyan parin para sayo
Tanong ko lang andiyan ka rin ba para sa kanya para kung hindi,hindi ka na niya kukulitin at tatanungin sa mga oras na makita ka niyang malungkot
Oras....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry's TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon