Chapter 29

3K 72 3
                                    

Drea's POV

Nagwalk out ako pagkatapos nun. Ang sakit, ah! Sakit malaman na walang gusto sayo yung gusto mo! Hmp.

Edi inamin rin Drea na gusto mo talaga si Zeus!

Hays, bahala na nga! Nagpunta nalang ako sa ultimate tamabayan namin at nagmuni muni nang nakahiga.

Buset talaga yung kanina. Kairita.

Tsk, inaantok na tuloy ako, at dahil nga inaantok na ako bumangon nalang ako at nag indian seat.

"Ehem!" Napatalon naman ako sa inuupuan ko ng may biglang tumikhim ng malakas sa likod ko, kaya tiningnan ko agad iyon at nagulat naman ako, pero syempre, hindi ko ipinakita, tsk, kapal ng mukha niyang magpakita pa dito.

"Uhm, ano.. Napadpad lang ako dito," sabi niya nang hindi man lang magawang tumingin sa akin ng maayos.

"Walang nagtatanong. Defensive." Saad ko, pero syempre, pabulong nalang yung last word.

"Tsk, oh, kumain ka," sabi niya at ibinigay sa akin ang dala niya plastik na siguro ay may lamang pagkain. Ay bobo, malamang may laman talaga yang pagkain alangan naman plastik yung ipakain niya sa akin, no? Hm, pwede rin baka masama loob neto sa akin at ipakain nga talaga sa akin ang plastik..

Atsaka oo nga pala, nag walkout ako at lunchbreak na kaya hindi ako nakakain ng lunch.

"Tsk, nakokonsensya ka lang, eh," sabi ko at tinalikuran siya.

"Oo, nakokonsensya ako, kaya tanggapin mo na. Nakokonsensya ako kasi puta, gusto na ata kita, e," sabi niya pero parang may binulong siya sa huli.

Langya, nakokonsensya lang pala eh, akala ko concern. Napairap ako kaya hinarap ko ulit siya.

"Wag na! Okay lang naman, eh," sabi ko, tsh, akala ko concern talaga siya dahil mahal niya ako, eh parang one-sided love kumbaga ako, diba.

Ew, kadiri. Ano ba tong pinagsasabi ko? Kabanas, ah?

"Tsk, kunin mo na, baka mapano ka kung di ka kumain," sabi niya, tsk, paconcern pa kunyari si kuya.

"Wag na sabi, okay lang ako, sanay na sanay na ako ng hindi kumakain."

"Eh? Ako, hindi okay."

"Huh?"

"Hindi ako okay pag hindi ka kumain. Hindi ako okay dahil pati ako hindi pa kumakain!" Sabi niya, napairap nalang ako. Edi kung siya nalang kaya yung kumain? Buset!

"Ang kulit! Hali na nga! Sabay na tayo! Baka ako pa sisihin mo pag namatay ka sa gutom," nakangisi kong saad at hinablot kamay niya at tsaka siya iniupo.

"Aray ko naman! Ang sama mo! Tsaka patay agad?! Hali na nga!" Sabi niya tsaka binuksan yung plastik.

"Hay. Eh kung kumain ka nalang kasi diba?! Sinisisi mo pa ako! Hindi ka ba makakain ng wala ako?! O hindi ka makakain ng walang kasama?! Aba kung ganon ,eh, hin-" natigil ako ng bigla niya akong sinubuan ng isang kutasarang kanin.

"Ang dami pang satsat kumain ka nalang," sabi niya pero di ko pinansin yun dahil nagulat ako nang pagkatapos niyang isubo sa akin yung kanin, sumandok ulit siya at isinubo niya sa sarili niya. And it means that isang kutsara lang ang gamit namin ngayon at yes rin, sinusubuan niya lang ako!

Oh my gosh! Baka ang pula pula ko na ngayon, syet! Wew, breath in! Breath out!

"Oh? Ba't ang pula pula mo?! Allergic ka ba? Hindi mo gusto yung pagkain?! Nasusuka ka na ba?! Tara bilis samahan na kita! Sorry di ko alam na baw-" hindi ko na siya pinatapos at sinubuan siya ng ulam gamit ang tinidor.

A Gangster's Love | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon