Chapter 31

2.8K 62 1
                                        

Drea's POV

Nandito kami ngayon ni Zeus magka-hawak kamay na papuntang Cafeteria, nasa cafeteria raw kasi sila sabi ni Phany.

"Oh, hi guys! What did we miss?" Masayang bati ko.

Napatingin naman sila sa amin at tumulala sa?

Sa kamay naming magkahawak kaya bibitaw sana ako pero hinigpitan ni Zeus.

"Uhmm, hehe," awkward kong sabi.

"Anong meron sa inyo?" Sabay sabay na sabi nila.

"Uhm, kasi guys, ano.. eh-"

"Were officially together," seryosong sabi ni Zeus at itinaas ang magkahawak naming kamay.

SILENCE..

"Yun oh! Congrats pare! Parehas na tayo!" Biglang sabi ni Stephen ng makabawi siya, natauhan naman ang iba at ang ibang estudyanteng nakarinig tsaka nagsimula ng mag bulongan.

"Yeah, wait, what? What do you mean?" Tanong ni Zeus napatingin naman ako kay Sandra naka tungo lang, alams na, napa smile naman ako.

"Were also officially together, forever!" Jolly niyang sabi at itinaas rin ang kamay nila ni Sandra na magkahawak kamay pala, siguro sa ilalim ng lamesa sila magkahawak kamay.

"Ewww!" Sabi nilang mga lalaki at pinagbabato siya ng mani.

"Mga g*go!" Natatawa niyang sabi tsaka pinaupo ng maayos si Sandra.

"So, apat na kayong nasa relasyon, apat rin kaming wala, pano bayan?" Natatawang sabi ni Phany at agad naman siyang inakbayan ni Jester na nasa tabi lang niya.

"Ayiiiieeeeeee," tukso namin sa kanila.

May ibinulong naman si Jester sakanya na dahilan ng pag pula ng pisnge niya.

"Hoy! Ano yan ha? Ang lalandi niyo!" Tapon ng mani na saad ni Stephen sa kanila, tumawa lang si Jester habang tumungo naman si Phany.

"So, nasa samting stage na sila Jester at Phany.." Pabitin na saad ni Sandra.

"Mr. Ashton Trace Waroell at Ms. Zethandra Rickzell Fuenson, any improvement?" Dugtong niya kaya napatingin kami sa dalawa na magkatabi at naka pokerface lang, nagkatinginan naman silang dalawa.

"Were dating," sabay nilang sabi ng walang emosyon na ikinanganga naming lahat.

"Ohkaayyy," saad naming sabay sabay at napaiwas tingin .

"Tsk, let's go its already time."

At dahil dun, napatayo kami at nag ayos tsaka sabay sabay pumunta sa room na tutal eh magka-klase naman kami.

---

Zendra's POV

Pagkatapos ng klase namin nagyaya ang magbabarkada na magclub daw para i-celebrate ang pagkaka-in a relationship ng dalawa sa sikat na tao sa university at dalawang babaeng amasona na ikinainis nila Drea at Sandra pero nilambing sila kaya agad tumalab, and all of us also agreed.

"Come here " napatingin ako kay Ash ng tawagin niya ako, agad naman akong pumunta tsaka naman niya ako inakbayan.

Aba, tung lalaking to nakakarami na sa akin ah! Kung hindi niyo lang alam eh panay hawak sa kamay ko tung lalaking to kanina sa ilalim ng lamesa sa cafeteria at kanina naman sa classroom sa tuwing napapatingin ako sakanya ngingiti ng pagkalaki laki at kikindat, tss akala naman niya kikiligin ako.

Well, kinilig talaga ako.

"Aba aba! Yung dalawa pasimple lang oh!" Hindi ko na nakayanan at sa tingin ko namula ako sa panunukso nila.

A Gangster's Love | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon