Pinagpalit Sa Iba

332 0 0
                                    

Tatlong taon na ang lumipas

Ngunit ang sakit at pait ay andito parin sa puso kong wasak na wasak 

Mga ala-ala ng kahapon ay tila'y isang sugat na hindi magamot at habang buhay na naukit sa puso kong naghihikahos

Iniwan sa ere na parang lobo

Binitawan agad at di nag paalam

Pakiusap ko naman  sayo na

Kahit anong mangyari ay gawawin natin and lahat upang tayo sa huli

At ngayon ay naging isa nalang siyang ala-ala

Mga ala-ala parang kulungan nais kong takasan, ngunit di mahanap ang susi

Susi na aking pinag-iingatan

Na ngayon ay nakalimutan ko na kung asan

O sadyang alam ko naman pero ayaw ko gamit dahil ayaw kong pakawalan ka 

Ako'y nakakulong sa ala-alang ito

Sa mga pangakong ala-ala na lang ba

At ako sayo'y isang hangin na lamang ba na hindi mo nakikita?

Ano bang meron siya?

Tila'y nakalimot na

Nabighani ka ba sa kaniyang kagandahan at karisma? 

Pasensya ka na kung hindi ako katulad nya

Maganda, maputi, matalino at talentado

Halos perpekto na nga siya

At ako parang nabuhay lang dito sa mundo

Para mahalin ka

Pero hindi mo naman nakita ang aking halaga

At pinili mo siya.




-

Hello readers!! kamusta? Years din yun hindi ako naging active dito, so here's my update. Hope you will like it :). God Bless <3 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry (Bisaya, Tagalog and English version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon