15th Quarter:G for Grounded -_-

159 6 2
                                    

"So anong gagawin mo ngayon?"tanong niya.

"Bakit mo ko tinatanong? Kung pwede nga lang sabunutan si Momoi,kanina ko pa ginawa.Kaso baka magalit si Tetsu sakin."sabi ko.Bigla na lang ako naluha.

"Bakit kasi umepal pa siya?!"ngawa ko.

"O-oi! Pinag-titinginan tayo dito oi!"sabi niya habang pinapatahan ako.

"Eh kasi ang landi niya eeeh!"lalo kong nilakasan ang pag iyak ko at napa-upo sa sahig.

Naramdaman kong umupo rin si Kagami pero para siyang naka-luhod.Tumingin ako.

"K-Kagami,bakit ka naka-ganyan?"tanong ko.

"Sumakay ka na."sabi niya.

Napa-blink ako."Eh? Bakit naman?"

"Dadalhin na kita sa inyo."sabi niya.

"Eh? Hindi ko pa nakukuha mga gamit ko."sabi ko at akmang tatakbo palayo sa kanya pero hinila niya kaliwang braso ko.

"Saan ka pupunta,eh wala kang dalang gamit."sabi niya.

Oo nga noh? Wala pala akong dalang gamit xD

"Sarreh naman,okay? Sarreh xD"sabi ko.

"Sarreh sarreh,sumakay ka na nga!"sabi niya at lumuhod.

"Eh...okay lang ako!"sabi ko.

"Isa."pagbanta niya.

"Mabigat ako!"

"Dalawa."sabi niya."Pagbilang ko ng tatlo,hahalikan kita."

Bigla na lang ako sumakay sa likod niya.

"Susunod ka naman pala eh."sabi niya at tumayo.

"Waaah! Ang taas! Ang sarap pala sa feeling ng matangkad!"sabi ko at pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya.

"Hmm,so ano,nabighani ka sa height ko noh?"ngumising siya.

"Hmp!"sabi ko."So...tanggap mo bang maliit ako?"

"Tandaan mo,Nina,mas cute ang maliit.Tapos ang usapan."sabi niya at naglakad na kami.

Wow ha.So ibig sabihin,hindi niya ako inaasar sa pagka-maliit ko? Nga pala,hindi ako maliit noh! Fun size lang,brew.FUN SIZE.

"So ano nga sagot mo? Tanggap mo nga ba ako?"tanong ko.

"Diba dapat si Kuroko tinatanong mo niyan?"sabi niya.

"Eh....kaya nga kita pinagpapractican xD de joke.Saka na muna,sayo muna."sabi ko.

"Bakit nga?"sabi niya,mukhang naiinip na.

"Gusto ko lang malaman kung may matitira pa sakin kapag lumayo na siya.Ayoko'ng maramdaman ang pag-iisa.Pakiramdam ko,I was left undone.Kung kailan mahuhulog nako,saka ako iiwan.That's the worst feeling na ever mararamdaman ko."sabi ko.

"Hindi ko hahayaan na maramdaman mo yun."sabi niya.

Napadaan kami kina Tetsu na paalis na rin."Tetsu,mauna na kami sa iyo."sabi ko.

"Bye,karibal."ngumising si Momoi.Naglakad na si Kagami.

"Kagami,sandali.Bumalik muna tayo,babanatan ko lang si Momoi."sabi ko.Nag backward naman siya.

"Oh? May nakalimutan ka?"sabi ni Momoi,naka ngising,"Sa tingin ko meron,yung poise mo."

"Alam mo Momoi,para kang kandila,"sabi ko,naka ngiti.Pero pang-asar.

"Ha?! Bakit naman?!"sabi ni Momoi.

"Gusto kasi kitang hipan para mamatay ka na."sabi ko at ngumiti ng nakaka-asar."Tara na,Kagami."

Umalis na kami,iniwan na inis na inis si Momoi.Haha! Ang kulit ng pick-up line ko.

"Nina!"biglang sumigaw ulit si Momoi.Aba aba...mukhang babawi."Kagami,balik tayo."

Bumalik naman kami at ngumising sakin si Momoi."Ano yon,bruha?"sabi ko.

"Do-ti-la-so-lan-di-mo~"sabi niya.Heh,akala niya hindi ko kayang sagutin yan ha?

"Do-ti-la-so-pa-ki-lam-mo?"ngumising ako.

"Do-ti-la-so-agaw-ko-bf-mo~"ngumising siya at kumapit kay Tetsu.Sa mababasa niyong sagot ko,pasensya na sa word.

"Do-ti-la-so-tang-ina-mo~"ngumiti akong nakaka-asar at umalis na kami.

"Ang galing mo dun ha! Pati ako natatawa!"sabi ni Kagami,na napahalakhak na sa tawa.

"Haha! Syempre,bakit ako magpapatalo dun?"sabi ko at tumawa rin.Inangat niya ang fist niya at nag fistbump kami.

"Kaya kita nagustuhan eh."sabi niya,pero hindi ko ganong narinig.

"Ha?"sabi ko.

"Wala.Sabi ko,ang galing mo."sabi niya.Habang naglalakad kami,nag vibrate phone ko.

From:McDo<3

Ang galing mo kanina.Napatawa ako.Salamat,dahil sayo,umalis na si Momoi :-)

Napangiti ako."Sino yung nag-text?"tanong ni Kagami.

"Wala.Si Tetsu."sabi ko.

"Anong sabi?"tanong niya.Pinakita ko sa kanya yung phone."Tss,"

To:McDo<3

Haha! Buti naman! XD

Ni-replayan ko siya at binalik ko na yung phone ko.

TIMESKIP

"Salamat sa paghatid mo sa imouto ko.Sisiguraduhin kong mawawala yung pasa.Salamat ulit,bro."sabi ni kuya kay Kagami.Ako eto,naka-upo sa sofa at nakatali.Pinigilan akong paakyatin sa kwarto ko.Kasi si Kagami eh!

"Pano ba yan,Nina.Mauna nako sayo."ngumiti si Kagami pero parang nang-aasar.

"Humanda ka sakin bukas,Kagami!"sigaw ko at nagwawala.

Sinara na ni kuya yung pinto.Nawala ang dating gwapong ngiti niya at napalitan ng striktong ngiti.Dundundun...

Humarap siya sakin,naka-pameywang,syempre yung pang-lalaki style.

"Nina,anong nangyari at bakit umiral ang katangahan mo?"tanong ni kuya na lumuhod sa harap ko at kinuha yung first aid sa gilid niya.Tinanggal niya ang band aid ng sugat ko at hinanda yung alcohol.

"Kuya,sandali! Wag alcohol! Please,Kuya! Wag!"pagmamakaawa ko.

"Hindi,kailangan 100% patay ang germs."sabi niya at binuhusan ng alcohol yung cotton at dinampi sa sugat ko.

"Itttaaaaaaaai! Kuya naman eh! Ang hapdiiii!"napa-sigaw ako.

"Tiisin mo."sabi niya at pinatakan na niya ng betadine at walang band-aid.

"Asan yung band-aid?!"reklamo ko.

"Paano magsasara yung sugat kung hindi mo hahayaang makahinga yan?"sabi niya.

"Woooow,so humihinga pala ang mga sugat?"sabi ko.Binatukan ako ni kuya.

"Asan ang pasa mo,patingin.Malilintikan ka sakin pag malala toh."sabi niya at tinanggal niya yung tali na naka-palibot sakin at kinuha yung kanang braso ko at inangat yung sleeves.

Sumama tingin sakin ni Kuya.Uh oh..yandere tong si Kuya eh,aalis na me~ Dahan dahan akong tumayo at aakyat na sana ako pero hinila ako pabalik sa sofa.

"Bakit ka meron neto? Anong nangyari?"tanong ni kuya at hinawakan ako sa balikat pero napaka-diin.

"Kuya nasasaktan ako."pilit kong tinatanggal mga kamay niya sa balikat ko pero lalo niya lang diniinan.

"Sagutin mo muna tanong ko,Nina Tamago."sabi niya.Pakiramdam ko may dark aura na siya.

Napalunok ako."Kuya...kasi....niligtas ko lang naman si senpai eh,kasi mahuhuulog na siya sa bakal na ladder."sabi ko.

"Tch.Mabigat yun eh! Sana umilag man lang kayo!"sabi niya at tinanggal yung bandage.

"It's too late kung iilag pa kami.Isa pa,pag umilag kami,paa ko ang mapupuruhan."sabi ko.

"Tinadtad naman toh ng salonpas,mukhang na-relieve naman ng onti."sabi niya."Grounded ka for one day."

"HA?!"

The Phantom Meets His Fangirl (KnB fandom:Kuroko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon