PROLOGUE

1.5K 24 17
                                    

DISCLAIMER:I DO NOT OWN KUROKO NO BASKET.ONLY THE FANFIC AND THE OC'S MINE.CREDITS TO FUJIMAKI TADATOSHI AND OTHER RIGHTFUL OWNERS.

PROLOGUE


Kasalukuyang nagpa-practice kami para sa roleplaying namin para sa Literature sa may school grounds.Script writer lang ako,pero parang pakiramdam ko,ako ang leader =_= Pano,si leader,nanonood lang,ako naman ang dakilang script writer,ang nagsusuggest ng action.

"Basta kabisaduhin niyo ang lines niyo within 3 days,next week na tayo magpeperform.Sige,makakauwi na kayo."sabi ni leader sabay alis.Walang pakikitunguhan ito kung puro kami lang ng bestfriend ko ang kumikilos.Yung iba,magaganda na nga roles nila,hindi pa nila kayang gawing tama at minsan,hindi sineseryoso at nasasayang lang ang oras.Sa totoo lang,stress na ako.Isa lang solution diyan,manonood na lang ako ng anime pag-uwi.Friday naman eh.

Itago niyo na lang ako sa pangalan na Nina Tamago,isa ako'ng OTAKU at patay na patay kay Kuroko~! <3 Pagdating sa kanya,nabubuhayan ako ng dugo!Bago ako umuwi,gusto ko muna dumaan ng library at magpalamig ^3^ KnB addict ako,crush ko si Kuroko.Naglakad ako papasok ng library at sinauli yung hiniram kong libro kahapon,katatapos ko lang basahin kaninang uwian habang naghihintay sa mga matatakaw kong kagrupo =_= 

Pumwesto ako sa lugar kung saan ako lang ang tao,tahimik na nagbabasa.

*pssst*

Napalingon ako sa gilid ko,wala namang tao.'Baka nambibiro lang.'sabi ko sabay labas ng earphones ko at nagpatugtog....Future Line <3

*creak*

Napalingon ako sa pinto sa gilid ko nang biglang bumukas.'Eh? Diba...naka-lock ito? b-bakit bumukas?! Hala,maka-alis na nga,takot ako sa multo!'nagmamadali ako'ng binalik ang libro na binabasa ko sa shelf at nagderedrecho sa labas ng library.

Napalingon ako sa canteen at naisipan kong bumili ng icepop."Ate,pabiling tatlo."sabi ko sabay abot ng 18 pesos sa kanya,6 kasi ang isa.Wahaha~! Nagiging Murasakibara ako neto ah~! Napadaan naman sakin ang basketball varsity team ng school namin at...amoy anghit xD Ang aasim! Turn-off! turn-off! Amoy putok,promise! Lumabas nako ng school at sumakay na ng jeep para makauwi nako at manood ng anime.

Habang naglalakad ako,may nakabangga ako'ng lalaki at nalaglag ang mga hawak niyang libro kaya napatigil din ako para tulungan siya.

"Pasesnya ka na,nagmamadali kasi ako."sabi niya sabay pagpag sa pantalon niya.Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya kasi naka-hood siya.'Familiar uniform niya~! Hindi kaya cosplayer ito?'excited kong tanong sa sarili.Napatigil siya sa drawing ko na Kuroko sa likod ng notebook ko na bitbit ko.

"Drawing mo yan?"tanong niya."Pwedeng patingin?"

Inabot ko naman sa kanya at napansin ko'ng napangiti siya.Siguro nabasa niya ang kakulitan ko.Naka-Seirin uniform  siya eh,siguro aattend ng cosplay event ito or pupuntahan pa niya ang iba pa niyang kasama.

"Ang galing mo mag-drawing.Sige,magkita na lang tayo,Nina."sabi niya sabay abot sakin ng drawing ko.Napatingin ako sa kanya na may gulat na expression.'He knows my name? O_O'

"Ah~! Sandali,gusto ko'ng malaman kung ano'ng pangalan mo? A-attend ka ba ng cosplay event?"tanong ko kasi bigla na lang siyang naglaho.'Ano ba yun? Sayang,d ko natanong pangalan niya.'

Naglakad na lang ako hanggang sa makauwi na ako.

"Ano'ng nangyari sa school,ay jusko,icepop na naman,hindi ka na makakakain ng hapunan niyan."may kumatok sa pinto at si pumasok si mommy.Nagulat ako kasi nagdadrawing ako at the same time,nagnenetbook at naka-aircon at nagchacharge ng cellphone.

"Ma,diet ako.Hindi nako kakain sa gabi.Taba taba ko na nga eh,atsaka,kahit kayo na ang maunang kumain."nginitian ko si mama habang tinatago ang drawing kong si Kuroko na may heart na may mwaah!

"Hindi ka ba magugutom niyan?"tanong niya sabay tabi sakin at hinalikan ako sa noo.

"Ma,tubig ok na ako,busog nako."sabi ko at nginitian niya ako at sinara na ang pinto ng kwarto ko."Huwag kalimutan ang beauty rest mo~!"si mommy naman xD Patawa.Ayaw kasi ni mommy na napupuyat ako.

Shinutdown ko na yung netbook at tinanggal na ang octopus connections ko dito at voila! Wala nang mga ahas sa paligid,magcecellphone na lang ako,magbabasa ng fanfictions at check na rin sa fb.

Nakahiga ako sa kama ko,nag-iiscroll ako sa news feed ko nang may nakita ako'ng post na."IF YOU WAKE UP IN THE MIDDLE OF 2 OR 3 MORNING,THERE'S A POSSIBILITY THAT THERE'S SOMEONE STARING AT YOU."

Medyo na-curious ako dun.Napansin ko'ng 9 na pala,ina-antok nako.Humikab nako at nag-goodnight na sa wallpaper kong si Kuroko <3

"Good night,Tetsu,magkita sana tayo mamaya~! <3"sabi ko sabay halik sa screen ko.Baliw lang ang peg xD Sige na,ako na ang malandi xD

*MEOW! ARF! BOOOOGSH!*

"Ay Gucci!"napaupo ako nang may narinig ako'ng kalampag sa bubong namin."Ano ba yang mag-asawang pusa na yan?!"napakamot ako ng ulo at napatingin sa orasan,2:45 AM,o,wala pa namang alas-singko gigisingin niyo ako! Ang sakit sa ulo,ang sarap kaya ng tulog ko.Nakaramdam ako'ng pag-ihi kaya bumaba ako.Pagkalabas ko,uminom ako ng tubig,kakaihi ko lang tapos dadagdagan ko ulit? xD Baliw rin ako eh xD

Madilim sa baba,tanging ilaw lang sa kusina ang ilaw ko nang may nakita ako'ng anino sa sala.

"Sino ka?! Magnanakaw ka noh?! Hoy!Bawal yan! Bobojakan kita! Tatawag ako'ng pulis!"agad kong kinuha ang chopping board at rolling pin sa kusina.Hindi naman masyadong matangkad yung nasa sala,pero pakiramdam ko,dalawa sila.At nalaman ko'ng dalawa sila nang may tumakip sa bibig ko at unti-unti ako'ng nawalan ng malay.

SOMEONE'S POV...

Heto yung babaeng baliw na baliw kay Kuroko?! Wow,tignan natin kung maniniwala ka pa pag nagising ka na.Binitbit na namin siya palabas ng bahay niya...dadalhin namin siya sa mundo namin.Hmph,okay lang siya,kaso ang gaan niya,mas magaan pa siya kay Kuroko.Inutusan lang kami,masyado na daw kasi makulit ang babaeng ito kaya pinagbigyan ni kamisama.Kung nanonood ka ng Noragami,para kaming mga regalias.

"Dahan dahan ka naman sa pagbuhat sa kanya."sabi ng kasama ko.

"Alam ko! Saan mo naman siya patitirahin niyan?"tanong ko.

"Ayos na ang lahat.Wala na tayong ikababahala,ang problema lang is...siya."tinuro niya si Nina."Baka mahirapan siyang mag-adjust mag-isa.Sabagay,andyan naman yung mga kaibigan niya sa mundong iyon."

"Kailangan niya rin ng bantay."sabi ko.Sa totoo lang,mga bantay kami ng babaeng ito,simula nung bata siya.Actually,nag-aalala ako para sa kanya kasi napalapit na rin ang loob ko sa kanya.Dadalhin namin siya sa Kuroko no basuke world,dahil gusto naming masaya siya,pagbibigyan namin siya.Ang problema nga lang,makakalimutan niya ang identity niya sa mundo ng mga tao.Parang kapag pumasok ka sa ibang dimension,iba na ang pagkatao mo.Alam kong naguguluhan na kayo,maski ako hindi ko maipaliwanag.Ganito kasi ang nangyayari sa una,magugulat sila,tatanungin nila kung asan sila,at ano'ng ginagawa nila dito.Normally,hindi na sila magtatanong kung nasan mga magulang nila kasi may substitute sila.Pero,kapag nalaman nilang may past sila dito sa mundo ng mga tao,babalik sila dito na may alala na nanggaling dito.Bibigyan namin siya ng guides,sina Kagami at Kuroko,at ang iba pang mga tao na makikilala ang mga guides niya.D bale,alam kong naguluhan kayo sa explanation ko,pero sa mababasa niyo,onti onti niyo'ng maiintindihan ang lahat.

Nakarating na kami sa bahay niya at nilagay na siya sa kwarto niya.

"Mag-iingat ka dito,Nina.Simula ngayon,magbabago na ang buhay mo."sabi ko sabay halik sa noo niya.

"Halika na."at tuluyan na kaming umalis.

The Phantom Meets His Fangirl (KnB fandom:Kuroko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon