1st Quarter:Dealing with the Phantom and the Ace

625 22 3
                                    

Andaming tao sa Seirin.Naglalakad ako...nakikisiksik na rin.Buti na lang at bag lang ang dinala ko ngayon,naku po! Salisi gang na ito!

Maraming nagrerecruit ngayon sa mga clubs.Hmm,art club kaya? Badminton? Pwede naman siguro dalawa diba?

Napa-atras ako ng onti at may nabunggo ako.Napalingon ako at napa-angat ng leeg ng onti kasi mas matangkad siya ng mga 3 inches sakin."Naku po,sorry!"nag-bow ako sa harapan niya.Shiz! Ang gwapo naman ng nilalang na ito *0* Tumingin siya sakin at tinuro niya ang sarili niya."Ako ba kausap mo,miss?"

"Oo,ikaw lang naman nabunggo ko eh.May masakit ba sayo?"tanong ko ng may pag-alala.

"Okay lang ako.Freshman ka rin ba?"tanong niya.Ang gwapo niya! Na love at first sight ako! Sana classmates kami.

"Oo.Ikaw rin ba? 1-D ako."sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Sabay na tayo.Ako na magbibitbit ng gamit mo."alok niya nang kukunin na ang bag ko.'Ang sweet naman niya! Pero nakakahiya >///<'sabi ko sa sarili.

"A-ah! Kaya ko na ito! N-nakakahiya,kakakilala pa lang natin baka isipin ng iba FC ako,ahehe."sabi ko sabay ngiti sa kanya.

'Hindi siya masyadong expressive,undpredicatble,gentleman.Grabeh,ang gwapo niya.May girlfriend na kaya siya?'naka-tingin lang ako sa kanya,pinag-aaralan ang physical features niya.May habit kasi ako na ino-obserbahan ang mga tao kapag tinitignan sila ng matagal.Napatingin siya sakin kaya nagtama ang mga mata namin kaya tinanggal ko kagad ito.

"May dumi ba sa mukha ko?"tanong niya sabay punas sa pisngi niya.

"A-ah,w-wala.Habit ko lang talaga ang tumingin sa mga taong kakakilala ko pa lang ng ganung katagal."sabi ko sabay himas sa likod ng leeg ko papunta sa gilid.Marami ako'ng mannerisms eh xD

Tumigil kami sa isang classroom(malamang,nasa school kayo xD) at na-realize ko na classmates pala kami.Mukhang magiging maganda ang unang araw ko rito sa Seirin High~! <3

Uupo sana ako sa pinaka-likod kaso inunahan nako ni...hmm,ano nga ulit pangalan niya? Mamaya naman magpapakilala naman kami--eh mas maganda kung tatanungin ko na siya.Umupo na lang ako sa harapan niya,basta katabi ko ang bintana,okay na ako ^^

Tumalikod ako at tinignan siya sa mga mata,ganito kasi ako makipag-usap,tumitingin ng derecho sa mata.Tinignan niya rin ako,nagbabasa kasi siya ng libro.

"Ano nga pala pangalan mo? Napansin ko kasi,kanina pa tayo nag-uusap,ni-hindi ko alam ang pangalan mo."sabi ko sabay tawa ng onti at kamot sa ulo ko.Nakita kong umangat ng centimeter yung mga labi niya,ngumingiti rin naman pala siya kahit papaano.

"Ako si Kuroko Tetsuya,nice to meet you."sabi niya na walang emosyon.'Smile ka,konti...'sabi ko sa utak ko.Nginitian ko lang siya.

"Ako nga pala si Nina Tamago! Kaibigan na kita sa ngayon ah! Fist bump tayo!"sabi ko sabay tapat sa kanya ng kamao ko na sinuklian rin niya ng fist bump din.Nanghalungkat ako sa bag ko at nakita ang cellphone ko.Kinuha ko ito at binuksan.Nagulat ako at namula ng onti.'Bakit ako may picture ni Kuroko? Nagkakilala na ba kami dati?'tanong ko sa sarili.Yung laman ng photos ko ay siya...hmm,may something.Parang nagkakilala na kami dati...pero,ba't parang hindi kami close? Ah! Ewan! Tinago ko na lang yung phone ko,naguguluhan ako,promise.Tanungin ko kaya siya? Lumingon ulit ako at bago pa man ako makapag-salita,dumating na ang ibang estudyante at ang adviser namin.May tumabi sa kanan ko na matangkad na lalaki,pula ang buhok at wow,killer eyebrows.'Hmm,mukha siyang tigre.'sabi ko.Pinagmasdan ko siya,talagang malaki siyang tao.

"Hello..."sabi ko na kumaway sa kanya.Napatalon siya at napahawak sa dibdib niya.

"K-kailan ka pa nandyan?! Ginulat mo ko."sabi niya sabay hilamos ng kamay niya sa mukha.

The Phantom Meets His Fangirl (KnB fandom:Kuroko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon