Badtrip ngayon ewan ko kung bakit basta wala 'ko sa mood. Ngayon papunta ako ng canteen mag-isa lang ako ngayon inutusan ako nina Zab na bilhan sila ng pagkain gano'n ako kabait kaya binibilhan ko sila o diba sa'n ka pa sa 'kin ka na.
Pumila na 'ko para makabili buti 'di masyadong mahaba pila kaya nakabili agad ako.
"Dalawang Shake nga po pati burger." sabi ko sa tindera. Sinabi ko din kaya ate na iplastic kasi 'di ko kayang hawakan parehas.
Binigay kong ang bayad. "Salamat po."
Habang naglalakad ako papuntang classroom nay nangbunggo sa 'kin 'di ko siya kilala kaya natapon yung shake sa 'kin masyado kasing malakas ang pagkabunggo niya sa 'kin. Halatang nanadya.Di ko nalang siya pinansin dahil ayoko ng gulo kahit nabwibwiset ako, tangina badtrip na talaga ako.
Ang mas nakakagulat lang siya pa yung may lakas na magalit ampota.
"ANO BA?!"sigaw nung nakatapon sa 'kin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad nang bigla niyang higitin ang buhok ko.
"KINAKAUSAP PA KITA!"
putanginamo.
Nanggigil na talaga ako kaya sinagot ko na siya."HOY FYI IKAW TONG NAKABUNGGO SA 'KIN TAPOS IKAW PA TONG BALAK MANGHAMON HAMABALUSIN KITA DIYAN E." Sigaw ko sa kanya putangina e. Bwiset sige nga pa'no matatanggal tong dumi sa damit ko wala pa naman akong extra.
"So what?"sabi niya sabay irap at alis.
Syempre wala na 'kong magawa kaya pumunta ako ng CR para kahit papaano malinis ko ang sarili ko.
Heto ako ngayon papunta sa classroom na madumi ang damit ko pinagtitigan ako ng mga tao.
Omg gano'n na ba ko kasikat?putangina.
Pagkapasok ko ng room pabagsak aking umupo sa aking upuan.
Badtrip.
Pinuntahan agad ako ng mga tropa ko at nagulat sila sa itsura ng damit ko."Hoy Athena anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan?Nakipagaway ka? Ba't di mo kami sinama ha?" Tuloy tuloy na tanong ni Zab.
"Ano ba yan?iisa lang naman ko dami nyo namang tanong." sagot ko kay Zab.
"So what happen ba talaga?"maarteng sabi ni Faye.
Kinwento ko sa kanila ang nangyari at gigil na gigil si Zab kala mo siya yung natapunan.
"Tara sabunutan na'tin." Pagbibiro ni Lin.
"Hayaan n'yo na karma is a bitch!" Yun nalang ang nasabi ko. Tinanong ko rin sila kung may extra shirt sila pero wala din dahil wala namang p.e ngayon.
Badtrip talaga.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote:)
BINABASA MO ANG
LANDIAN
Short Story"Larong kinagigiliwan ng lahat ngunit libo libo ang nasasaktan." -landian. Started:102418 Ended: 122218 ⒸDar3yn2018