30

929 13 3
                                    

Nagkwekwentuhan kaming magkakaibigan nang may biglang kumulbit sa 'kin. Si Shane kaklase kong medyo nerd meron siyang hawak na plastic.

"Pinabibigay po." She said at inabot sa 'kin yung plastic. Kinuha ko ang plastic at tinignan ang laman mering white t-shirt.

"Nino?" Tanong ko para makapagpasalamat sa taong yon

"Secret bawal sabihin." Sabi niya at bumalik sa ginagawa niya.

Sino kaya yon?baka admirer ko char.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta ko sa restroom para makapagpalit. Pagkapunta ko do'n agad agad akong nagbihis. Medyo malaki yung t-shirt sa 'kin parang panlalaki pero ayos na 'to atleast presentable akong tignan.

Pagkalabas ko ng restroom nakita ko si Janine at nginitian ako Omg girl crush namin ni Yan. Kung kasama ko ngayon yun kikiligin panigurado.

Ganda niya talaga hindi lang outside pati inside. Mukha siyang koreana dahil sa maputi niyang balat dagdag pa don kapag naporma siya. Ang ganda rin ng personality niya kasi 'di siya snob 'di siya feeling campus queen ganon Ang talented niya din kaya I stan her!!

Sa katunayan kami nga ang Founder ng Janine nation e kaya medyo nagkakausap kami.

Tumakbo ako papunta ng classroom para para ikwento kay Yan ang nangyari inggit na inggit naman siya.

"Sayang wala ako." sabi niya kasi super Idol niya talaga si Janine.

"Bleh!"pang-aasar ko sa kanya at hinampas ako bigla.

"Nakakaasar ka!!!" inis niyang sabi tinawanan ko nalang siya dahil muka siyang inagawan ng lolipop amp.

___________
Vote=)

LANDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon