Chapter 1

32 6 2
                                    

Ichy's POV

So Hi I'm Mitch Miana Cruz but you can call me ichy, 16 years old. Isa akong pa-cool na studyante sa aming skwelahan at magaling rin akong kumanta mala Anne Curtis at magaling rin ako sumayaw mala Vhong Navarro yiieee. May kaya kami, skwater kami pero hindi ugaling skwater hehehe. May kapatid akong lalaki na mas nakakatanda sakin ng 3 taon pero di ko feel na may kapatid ako kasi halos di kami magpansinan. Broken Family kami si erpats kong pogi at si ermats kong maganda naghiwalay na pero parehong kasalukuyang walang kasintahan.

"Ayan puro ka cellphone pag lumabo yang mata mo wag kang dadaing daing sakin" galit na sabi ng maganda kong ermats na si Mary Lalaine Cruz.

Kahit lagi akong sine sermonan nyan ni ermats mahal ko yan yieee.

"Opo ma di po ako dadaing" natatawa kong sagot kay mama.

"Kumilos kilos ka na at pumasok ka na sa skwelahan at bawal kang malate" sabi ng ermats kong maganda.

"Opo ito na po ermats" sagot ko.

Nag-ayos na ako ng sarili, nag-ayos pero di naligo nakakatamad kasi at tsaka sayang yung tubig. Tomboyin ako hindi ko alam kung bakit dati kasi super girly ako nung grade school ako. Suklay lang ng kamay ayos na pero hindi ko matitiis na walang pabango ayoko kasi ng mabaho kaya lagi akong nagpapabango hehehe.

Nag-lakad na ako papuntang university ko. Oo naglakad lang ako mga pre ganyan ako ka-cool. Oo university ganyan ako kayaman haha joke kaya sa university ako mag-aaral dahil sa pinaka-mamahal kong Tita Kiara richkid kasi si tita sa ibang bansa sya nagtatrabaho at wala syang anak kaya sya naka focus sakin.

Malapit na ako sa gate ng Quiana Maxwell University. Habang palapit ng palapit sa gate nilalasap ko ang sumasalubong na sariwang usok ng mga sasakyaan haha joke hangin talaga yon pero sa kasamaang palad natalisod ako mga bess!! pero hindi ako matatalisod kung walang titisod!!. Matalim na tingin ang ibinigay ko sa lalaking pinagtatawanan ako.

"Hoy hinayupak kang gago ka!!! Pagbabayaran mo tong ginawa mo sakin!!!" sigaw ko dun sa lalaking ugok.

"Pagbayaran your face" natatawang sabi sakin nung ugok na lalaki.

Sinugod ko ang ugok na lalaking tumatawa. At nang malapit na ako sa kanya bigla ko syang sinuntok.

"HAHAHAHA dapat lang sayo yan ugok na baliw" natatawa kong sabi dun sa lalaking ugok.

"the fck bat ka nanununtok??!! Ang sakit ng pisngi ko ng dahil sayong babae ka!!!" Inis na sabi sakin ni lalaking ugok.

"hoy lalaki!! Sino satin ang nanguna aber??!!"  sabi ko kay ugok.

"ewan ko sayo! You'll pay for this" sagot nya sakin.

Hanngang sa papalapit siya ng palapit sakin hanggang sa hanggang sa hanggang sa WAAAAHHHHHH hinalikan niya ako mga bess!!!! Huhuhu bat ganon??!! Wala na yong iniingat ingatan ko waahhhhhh lagot ako kay ermats:<< Hindi ako nakagalaw na kinatatayuan hindi ko naramdaman na nakaalis na pala ang ugok. Mabilis akong nag ayos at pumasok na.

"Hi kuyang guard!!" bati ko sa guard sa may gate ngayon ko palang yan nakita pero kunwari close na kami hehe syempre para malakas ang kapit pag nag cutting.

"Oh bat na late ka na?? Baka magalit sayo ang prof mo" sabi sakin ni kuyang guard.

Mabilis kong hinanap ang room ko pero umabot ito ng siyam siyam dahil sa daming building at classroom. Patay ako nito mga bess huhu. Pinagtitinginan ako ng mga studyante di ko alam kung bakit ganon ba ko ka-ganda??!!

" siya yung babaeng kumalaban kay Ador Yohann Lim"

"Ghadd ang kapal ng mukha nya"

"Siya yung kumalaban sa bebeluvs ko"

"Ang pangit nya pero bakit siya hinalikan ni Ador??!!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong bulongan. Pero dahil maganda ako hinanap ko muna yung room ko dahil patay na talaga ako sa prof ko huhu. Nakita ko yung room 5 at dun ako nabuhayan. Pagpasok ko sa classroom nakita ko ang future ko este ang prof kong pogi.

"Magandang tanghali po" ngiting tagumpay na bati ko sa prof kong pogi. Pero mga bess bat di niya ako pinansin??!!

"Good Afternoon po Sir" ulit na pag bati ko sa prof kong pogi.


"Hey you!! Sa susunod wag ka nang pumasok sa klase ko kung late ka din naman!!! First day pa lang late ka na agad!!" Galit na sermon ng pogi kong prof.

"Take your sit!!" Sigaw niya ulit sakin.

Pinagtawanan ako nung mga classmates kong mga mukang ulol huhu.

Umupo ako sa may pinaka dulo kasi ayon nalang ang natitirang upuan.





~







A Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon