Ichy's POV
"Nakita kita kanina veh!! Hinalikan ka ni veveh ko ador myghadd!! Agaw pansin ka don. Bakit mo ba sinuntok si veveh ko ador??" biglang daldal ng katabi ko.
Maka veh naman tong baklang to baka isa siya sa mga charotism.
"Eh kasi mukha siyang kulogo" walang buhay kong sagot sa bakla kong katabi na di ko naman alam ang namelalu.
"Kulogo?? ewww kaderder ka veh. By the way I'm Sheenan you can call me Ed Sheenan charot haha you can call me Sheen and I'm a gay" sabi nya sabay abot ng kamay sakin.
Sabi ko na nga ba charotism ang isang to.
"Share mo lang veh?? hahaha joke Ako nga pala si Mitch Miana Cruz, ichy for short" natatawa kong pagpapakilala sa baklang to. Sabay abot rin ng kamay sa kanya.
Kasalukuyang nagtuturo ang pogi kong prof pero dahil isa akong cool na studyante hindi kami nakikinig ni sheen hahaha.
"Bago ka lang ba sa University nato beshy?? Mukha ka kasing baguhan" daldal ni sheen sa akin.
"May mukha bang lumang baguhan??" pabalang kong sagot sa kanya syempre cool kasi ako.
ganyan ang cool pre.
"ayy philosopher ka pala veh??" pabalang na tanong ni sheen.
Gago rin ang isang to ah.
"Hoy baklang ed sheenan kung wala kang balak makinig sa pogi nating prof lumabas ka na sa silid na ito." pagtataray ko sa baklang to. Kunwari nakikinig pero magka cutting na yan mamaya yiee.
"Ay taray naman ng veveh ko. Shatap na nga lang ako" sagot naman ni bakla.
"Okay that's all for today. Goodbye" paalam ni poging prof.
Hayst wala man lang akong naintindihan sa kanya ang daldal kasi nung bakla kong katabi.
Kriiingggg.
Tunog ng utot ko!! jonks TUNOG NG BELL!!! CUTTINGAN NA ESTE KAINAN NA!!!!
Ooopsss eto na ang pinaka paborito kong part sa skwelahan!!! Chibogannnn naaaa!!!
"Hoy ateng sumabay ka na sakin. Ipapakilala kita sa mga prenny ko." Aya ni sheen.
"Sge sunod ako sayo." sagot ko kay sheen.
Umalis na si sheen. Gagawin ko na ang aking ritual joke hahaha gagala muna ako sa Quiana Maxwell University.
Para malaman ko ang pasikot sikot at makapag cutting na. (*evil laugh)
Lumabas na ako ng room at nag lakad lakad pero di ko alam kung bakit pinagtitinginan nanaman ako ng mga ulol na to. Cool kasi ako.
"she's the transferee, right?"
"kapal ng mukha gumala"
"chicks rin pala to pre"
Rinig kong bulungan nila. Hindi ko na pinansin ang mga ulol na yon at nagpatuloy ako sa paglalakad.
May nakapukaw sa pansin ko habang naglalakad. Nakita ko yung hinayupak na humalik sakin kanina.
"Hoy!!! Hinayupak na mukhang latak na masarap upakan!!!" Sigaw ko dun sa Ador.
Palapit siya ng palapit sakin with his killer eyes huhu katapusan ko na ata!
Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Baby Girl are you looking for me??" sabi ng hinayupak at akmang palapit ng palapit ang mukha sakin.
"BABY GIRL MO MUKHA MO! AKALA MO NAKALIMUTAN KO YUNG GINAWA MO SAKIN KANINA??!!! PAGBABAYARAN MO YUN ADIK!!" galit na sigaw ko sa kaniya.
Halos maligo na siya sa laway ko pasalamat tong adik na to at nabasbasan siya ng laway ko. Ha bihira lang po yan.
Sabay sapak sa pogi niyang mukha!!
Oo pogi siya mga pre!!! Singkit ang koya mo!! pero parang nag kaube siya dahil sa suntok kong mahina.
Oo mahina talaga mga bess!!
"You'll pay for this" nanlilisik na sabi nung kumag na pogi.
Nginitian ko lang siya at nag peace sign sabay takbo.
"Hey you idiot!! BUMALIK KA DITO!!" sigaw ng kumag.
Idiotin ko feslak mo!
WHOO!! Nakakahingal pala tumakbo hindi ko alam kung san na ako napadpad.
Naupo ako sa isang upuan dito sa ano sa park ata to. Ang sarap ng sariwang hangin.
Naisip ko yung lalaking kumag hayst may itsura pa naman siya pero halatang gago.
"Hoy bakla kanina ka pa namin hinahanap!!" sigaw nang kung sino.
Lumingon ako sa likod. I saw Sheen Hindi siya nagiisa dahil may kasama siyang isang clown ay este babae. Todo make up naman tong babae na to halatang mataray.
Meron pa siyang kasama she looks like an angel."Ohh ikaw pala yan Sheen" sabi ko sabay ngiti ng peke.
"Kanina ka pa namin hinahanap by the way this is Andrea Vimen---" turo nya dun sa matangkad at mala anghel ang mukha.
"---- and this is Carley Shin Monte Vite" turo niya naman sa clown ay este babaeng maganda sana kung hindi todo sa kolorete.
"I'm Ichy" pagpapakilala ko sa kanila sabay ngiti.
Mukhang meron nanaman akong ka plastikan hayst.
"Ichy! Nakita ka namin kanina! Ghadd agaw pansin ka nanaman! Mukhang masakit yung suntok mo kay ador. Kawawa naman siya" biglang daldal ni Carley Shin daw.
Tss dapat lang sakanya yon.
"Hehehe kumag kasi siya e" kunwari natatawa kong sabi.
"Hindi mo ba alam na siya ang hari dito sa Quiana at halos lahat ng studyante dito kinakatakutan siya at halos lahat ng babae siya ang nais pati ang mga kaibigan niya." sabat naman ni Andrea Vimen.
mamamo hari.
Padaldal daldal lang ako pero kinakabahan na ako dahil parang ang dami ko ng hindi napasukang klase paktay nanaman ako kay erpat at ermats.
"wala akong pake, siya man ang hari o reyna pa man" natatawa kong sabi.
"Hahahaha patawa ka talaga bakla. Ewan ko lang kung makatawa ka pa kapag binalikan ka ni Ador" Natatawang sabi sakin ni Sheen.
bat ako matatakot??
~