Chapter 3

12 4 1
                                    

Habang nagkukwentuhan kami nila Sheen, Carley at Andrea napag tanto naming kinakailangan na naming bumalik sa aming klase dahil baka malintikan kami sa aming teacher.

"Tara na baka malate nanaman tayo sa next subject" sabi ni Andrea.

Napaka soft ng boses nitong anghel na to.

"Less gow na mga girl" sabi ni Sheen.

"Ano ba yan nakakatamad pa pumasok nakaka antok rin naman sila magturo." sabi naman nitong si Carley na todo angkla sa braso ko habang naglalakad kami.

Close tayo teh??!!

Sa kilay pa lang nitong si Carley mukha ng mataray. Tss mataray ka lang cool ako.

Habang paakyat na kami ng hagdan nakaramdam ako na may kumukulog sa tiyan ko!! Gutom na ako huhu!!

"ahh sheen una na kayo nagugutom na kasi ako e mukhang kailangan ko munang kumain." Sabi ko kila Sheen.

"Go lang pakabusog ka bakla. Ang tanga mo kasi di ka pa samin sumabay kaninang breaktime at pagbalik mo humanda ka na sa teacher natin hahaha." pananakot sakin ni Sheen.

"Sge na ichy ingat ka gantong oras pa nmn laging tambay sa cafeteria sila Yohann." paalala sakin nung anghel ay este ni Andrea.

"Go na ichy, eatwell." maarteng sabi sakin ni carley at tinanggal na ang pagkaka angkla ng braso niya sakin.

"Sge Sibat na ako" ngiting paalam ko sa kanila.

Naglakad na ako papuntang cafeteria medyo matagal ngalng dahil hindi ko alam kung saan pero nahanap ko rin agad yun at nasa pinakang dulo ito. Haggard na agad ang lola mo!!.

Pagpasok ko sa cafeteria
may nakita akong ilan ilang mga studyante pero isang lalaki ang pumukaw sa atensyon ko.

Andun siya sa sa isang table may kasamang 3 lalaki.

Siya yung lalaking kumag!

Pumila na ako at bumili.

"Ate dalawang order nga ng kanin at ulam tas isang slice ng pizza at tsaka isang plastic bottled water!!" Ngiting sabi ko kay ateng tindera.

"Mukhang gutom na gutom ka neh ah??" Daldal nung tindera.

"Ahh oo nga po e hehe di po kasi ako nakakain kaninang breaktime."

"Halata nga at hindi rin kita nakita kaninang pumila." Ngiting sabi nung tindera mukha siyang mabait.

"Ako pala si Ichy the great! Anong pangalan mo ate??" Tanong ko sa tindera.

Hehe kailangan magpakilala para malakas ang kapit.

"Ako si Any Mepora pero tawagin mo nalang akong Any" ngiting pagpapakilala niya sakin.

Binigay na sa akin ni ate yung order ko ngiting tagumpay ko naman itong kinuha at binayaran.

"Sge ate any kain lang ako" paalam ko at nginitian niya naman ako.

Habang naghahanap ng muupuan nakita ko yung table na pangdalawahan lang. Wala kasing pangisahan e.

Habang kumakain tinititigan ko yung kumag na si Ador. Pag tumitig ka sa mga singkit niyang mata parang wala itong emosyon tas yung ilong niya napaka tangos tas yung labi niya mas mapula pa ata sa labi ko. Ang pogi niyang tingnan lalo na don sa buhok niyang magulo myghadd hindi siya ganon ka macho di tulad nung iba parang payatot siya na may laman laman lang ng unti.

Tinitigan ko ulit yung mga mata nyang walang ka emo emosyon kita ko pa yung ubeng sinuntok ko kanina pero nagulat ako nung tingnan niya ako iniwas ko agad yung mata ko pero binalik ko din agad sa mata niya pero nagulat ako na nakatingin parin siya sa mga mata ko habang nakikipag usap siya dun sa 3 lalaking kasama niya.

"problema nito??" Pabulong kong sabi sa aking sarili.

Di nagtagal naubos ko na yung pagkain ko ng di namamalayan. Ito kasing lalaki nito parang may something sa kanya.

Habang pabalik sa klase napag isip isip kong mag cutting muna. Oo nag ka cutting ako mga pre cool kasi ako haha joke. Dati ko pa to ginagawa kapag tinatamad ako sa klase. Tss ang basic lang kasi ng tinuturo samin.

Habang naglalakad sa corridor pasimple akong humahanap ng lagusan.

MAY NAKITA AKONG GATE NA HINDI GANON KATAAS!

Tss sanay na ako dito. Tumingin muna ako sa paligid kung may tao. Wala naman.

Habang umaakyat na mala tarzan sa Gate----

"Hey!" Sabi ng kung sino pero parang pamilyar sakin ang kanyang boses.

Lumingon ako sa baba. Wahhhh nakita ko si ador na nakangiting nakakaloko sakin. Patay na ako dito.

"Hey what are you doing?" Maarteng tanong sakin nung kumag. Pabebe ampupu.

Bumaba muna ako para kausapin ng masinsinan ang kumag nato.

Panira naman tong isang to.

Haysss

~

A Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon