Sabi nila wala ng matinong tao
Lalo na't sa pag-ibig, na karamihan ay manloloko
Manloloko sa lahat ng aspeto
Mga pakulong salita nila
"Mahal kita at wala ng iba"
Hoy tumigil ka!
'di nako nadadala
Sa mga mahika mong salita!
Matanong ko?
Ilang tao ba ang naloko mo?
Ilang tao ba ang sinaktan mo?
Ilang tao ba ang pina-iyak mo?
Ilang tao ba ang pusong winasak mo?
Siguro marami na
Marami na ang mga taong nagpakatanga
Nagpakatanga dahil iyong pinaasa
Pinaasa kami dahil do'n ka masaya
Masaya ka na Makita at malaman mong nakasakit ka ng iba
Malaman mong mahal ka nya
Malaman mong umiiyak sila
Oo, Umiiyak sila dahil sa pinaggagawa mo
Pinaggagawa mong panloloko
Panloloko sa maraming tao
Maraming tao ang nagpakatanga para lang sa'yo
Oo maganda ka nga pero pangit naman ang iyong katangian
May pabaitbaitan kapang nalalaman
Hoy! Bisto kana, 'wag kanang magsuot ng maskara sa karamihan
'di na siguro mabilang ang iyong sinaktan
Oo, isa nako sa karamihan
Nagtataka nga ako kung ba't kita nakilala
Nagtataka nga ako kung ba't minahal kita
Nagtataka nga ako kung ba't sayo ako'y nagpakatanga
Alam mo, minahal kita ng tunay
Kulang nalang buhay ko'y ialay
Ito lang siguro ang magpapatunay
Na tunay ang pagmamahal kong ibinibigay
Ako'y nahulog sa'yo
Pero 'di mo man lang sinalo
Pero ako'y nagpapasalamat na tinuruan mo akong masaktan
Kung kaya't aking naintindihan
Ang nararamdaman ng karamihan
Para ako'y 'di makasakit sa iba tulad ng iyong kagagawan
Ang iyong katarantaduhan
Natanong saking isipan
Ba't mo ba nagawa 'yan?
Ano ba ang iyong nakaraan?
Ikaw ba'y nasaktan, tulad ng aking nararamdaman?
Ikaw ba'y naghihiganti at samin nabuntungan?
Nais kong malaman
Upang ika'y aking maintindihan
Para ika'y aking matulungan
Na maghilom ang sugat ng iyong nakaraan
BINABASA MO ANG
Spoken Poetries
PoetryMy first Spoken compilation. Original creation. Inspired by my experience. Hope you like it and be inspire to my works.