"Paalam"

24 6 0
                                    

Mariin mong binitawan ang isang salita

Na kailan man na 'di ko kaya

Ang salitang ayaw kong marinig

Na galling mismo sayung bibig

Pero wala akung magagawa

Desisyon 'yan ng iyong ama

Respetuhin nalang natin ang desisyon nya


Oo ayaw kung mawala ka

Dahil ikaw ang dahilan kung ba't ako masaya

Ikaw ang dahilan kung ba't ako nagpursigi

Nag-aral ng mabuti

Ikaw ang dahilan kung kaya't kumpleto araw ko

Dahil sayo, nawawala problema ko


Pero ba't ganon

Iiwan mo nako sa pagdating ng panahon

Magkakalayo tayo

Magkakalayo sa magkabilang dulo ng mundo

Ayaw ko mang aminin

Pero ang sakit ng aking damdamin

Alam mo kung bakit?

Dahil puso ko sayo nakadikit

Alam mo natatakot nako

Natatakot nakung mawala ka sa piling ko

Nakadepende na kasi ako sayo

Sa cute na mukha mo


Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?

Nung kaarawan ko pa

Masasabi kong ikaw ang maganda kong regalong natanggap

Dahil ika'y aking nahanap

Naalala ko pa ng dahil sa activity sheet sa math at spaghetti

Dahil do'n nakilala ko ang tulad mong cute na babae

'Di lang cute, ang bait pa

Na hindi maikukumpara sa iba


Nais ko lang malaman mo

Sa panahon na aalis kana sa piling ko

Sana'y 'di moko papalitan

Kahit ni kailanman

Nais kung 'di mo 'ko dapat kalimutan

Alalahanin mo yung masaya nating pinagsamahan

Magpakatatag ka para sakin

Dahil ito naman ang ikakabuti natin


Tandaan mo mahal kita

Wala ng iba

Walang sino man ang makakapalit sayo

Ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko

Tandaan mo sa pagdating ng panahon

Magkakasama tayo 'di man ngayon

Pero sa tamang pagkakataon

Wag kang mag-aalala

Magiging okay ako sa mga araw na wala ka

Kaya't paalam na mahal ko

Kaylan man ay mananatili ka sa puso ko

Spoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon