'Wag ka nang yumuko. Sayang naman ang kagwapuhan mo kung si pareng sahig lang ang makakakita. Gusto mo pektusan ko sa pancreas yung mga kaklase natin na pinagtawanan ka? 'Wag mong ikahiya 'yang gawa mo. Ano naman kung kulay pink ang kalabaw mo at kulay green naman ang araw? Art 'yan. Ano naman kung hindi mo nasagot 'yung math problem sa pisara kanina? Kahit pa ang maging sagot mo sa 1+1 ay 3, wala akong pakialam. Para sa akin, ikaw pa rin ang pinaka-artistic at pinakamatalino sa klase. Para sa akin, ikaw lang ang top 1. Para sa akin, ikaw lang ang nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Her Side (Short Story)
Humor"Tahan na. Nandito lang ako. Ako na lang ang iiyak para sa 'yo, 'wag lang ikaw. Tahan na."