**Ika-7**

12 2 0
                                        

Sorry na. Sorry na kung pinatid ko kanina sa corridor si 'Betty Boop' na nagresulta sa pagkaka-landing ng mukha niya sa bagong floorwax na sahig. Malay ko bang iki-kiss niya si pareng semento? Ano nga ulit pangalan nu'n? Ah, Samantha. Oo, 'yung crush mong grade six sa kabilang section. Kasi naman ang arte-arte niya. Tapos ano, umm… ano, isip muna ako magandang dahilan. Ano… basta, nakakaasar siya. Tsaka ano, umm… kamukha niya kasi si Hitler. Oo, 'yun nga! May usap-usapan nga na apo siya sa swelas ng sapatos ni Hitler. Sorry na kung dahil dun ay nagalit siya sa 'yo at hindi ka na kinakausap kasi ako 'yung kinampihan mo. Nandito naman ako. Kahit magdamagan pa tayong magkwentuhan, ayos lang. Kailan ba ako nagsawang makakwentuhan ka? Kahit nga mag-sign language ka lang e. Gusto mo pa 'wag na tayong matulog. Basta magbaon lang tayo ng atsara kung sakaling maumay ka at isang pitsel na black coffee. 'Yung mas maitim pa kili-kili ni Bogart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Side (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon