Ako na. Ako na ang gagamot sa mga galos at pasa mo. Salamat nga pala sa pagsalo ng suntok ni Bogart 'the repeater' para sa akin. Kung nagkataon siguro, dalawang linggo akong maglulugaw habang sinusukatan ng pustiso. Ipinaglihi pa naman 'yun ng nanay niya kay 'Great Khali.' Malaki ang galit n'un sa akin dahil binuhusan ko siya ng bagong hango na champorado kaninang umaga. 'Yung tinda sa may canteen. Kasi naman pag-alis mo, pinagtawanan ka niya at tinawag na duwag at bading.
![](https://img.wattpad.com/cover/21262651-288-k666785.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Side (Short Story)
Humor"Tahan na. Nandito lang ako. Ako na lang ang iiyak para sa 'yo, 'wag lang ikaw. Tahan na."