Bea POV
Kakapasok kolang sa school ng Dauntless University, ay may humarang na agad saakin, walang iba kundi yung guard, "I.D mo?" tanong nya, napangiwi naman ako wala pakong I.D dahil pinapagawa palamang ito.
"Wala pa po eh, pinapagawa ko palang po ladyguard, baka pwede nyo po akong papasukin hehe." Sabi ko sabay peace sign, sana umubra, pero parang hindi kase kita ko ang pag kayamot sa mukha nya, "NO I.D, NO ENTRY."
Matigas nyang sabi, pano nyan to? "Ateng ladyguard, bago lang naman po ako dito eh, baka--"
"Hindi sabi eh! Lumayas ka nga dito!" Sabi nya at pinagtulakan ako, bigla namang may humawak sa kamay nya, isang lalaki.
"Alam ko guard ka dito, hindi bouncer na manunulak ng mga minor de edad." Parang nataranta namna si ladyguard, "S-sorry po sir Blue."
"Papasukin mo sya." Nag give way naman ang ladyguard na kaninag todo magalit saakin, "Tanggal kana sa trabaho mo." sabi ni blue at tumalikod na, naawa naman ako sa ladyguard pero, sobra naman kase sya, tumalikod nadin ako at naglakad na papasok.
Gusto ko sanang mag pa salamat doon kay Blue, kaso wala na sya. tingin ko istudyante din sya dito, kase naka uniform din sya, pero ewan ko bat natakot sakanya yung guard, mataas ba posisyon nya dito?
Dibale na nga, nag deretso na ako kung asan yung room 601, ang sabi saakin kung ano daw yung first number yun daw yung floor ng room, debale 6th floor ang room ko, hinanap konalang ang building ko, Asian Building, nag tanong ako sa isang babae, at nakakatuwa lang at same buyilding kami kaya sinamahan nya ako, ang kaso ay 3rd floor sya.
Nang makaakyat na ako sa 6th floor ay walang sulat ang mga pinto, kung ano ang 601, 602,603, at 604, kada floor kase may mga apat na room, may mga student pa sa labas, pero dahil first day kunyari tahimik at masungit ako, so pumasok ako sa unang classroom, kase diba 601? baka unahan lang sya.
Pagkapasok ko, wala pang teacher, ang chill lang ng upo ng biglang dumating na yung teacher, pina arrange nya na yung upuan namin, "So class, I'm your teacher in Math, just call me Teacher, Gwen." napatango lang kami lahat, "Anong strand nyo?" "GAS/Tvl." Napatigil ako, parang-- anong sabi nila?! GAAAAS?! Huhuhu, paktay ako nento! Tvl ang strand ko, at maling classroom ang napasukan ko, kahit nakakahiya ay lumabas ako ng classroom walang tingin tingin, napaka epic naman ng first day ko!
Dahil sa kahihiyan, bumaba ako ng 1st floor, jusme nakakahiya talaga, "Pano nyan yung class ko?" sabi ko habang nakatingala sa langit, naka upo ako ngayon sa isang bench, "Diko pinatalsik ang guard doon, para mag muni-muni ka dyan." nagulat ako sa nagsalita, pag kalingon ko si ano-- ano nga name nito? Ah! Blue, "S-sorry." sabi ko at tumayo habang nakayuko, "Salamat nga pala--" dina ako naka tuloy ng sasabihin ko ng bigla nya akong hilahin, "Hahatid na kita sa room nyo." sabi nya at pumunta na kami sa Asian Building, teka bat nya alam building ko? "Anong floor ka?" tanong nya, habang papunta kami sa elevator, "6th floor, kaso diko alam ang kung saan room ko, Tvl ang strand ko."
Dinya ako pinansin pero ng bumukas ang elevator ay agad kaming pumasok, binitawan nya din naman agad ako, "Uso kaseng mag tanong." sabi nya at parang tintitigan ako ng masama, o sadyang ganyan lang syang tumngin? dina lang ako umimiik, mamaya lamunin ako neto, ng bumukas na ang elevator ay hinawakan nya ulit ako, at tinapat sa dulong classroom, "Ayan yung room ng Tvl." at binuksan nya na ang pinto, "Tara na." sabi nya at pumasok din sya, t-teka dito din ba sya? "Dito din ako, kaya wag ka ng mag taka." sabi nya na parang nababasa nya isip ko, dinala nya ako sa bandang likudan which is may dalawang bakante pa, buti nalang wala pang teacher dito, ng nakaupo na kami binitawan nya nadin ang pakakahawak nya sakin.
"Thank you pala sa kanina." nilingon nya ako pero naka pokerface lang sya, "Ge." cold na pagkakasabi nya at natulog sya sa may desk nya.
Gwapo sana, ang sungit nga lang!
Dumating na ang teacher, pero si Blue tulog padin, nag papakilala isa't-isa. "Girl at the back, ikaw na." turo nya saakin, wala namang ibang girl sa likuran dahil halos lalaki lahat, lumapit na ako sa harapan, "Bea Clarkson, 16 years old." matipid na sabi ko at bumalik na sa pwesto ko, ng si Blue na ang tatawagin ay parang nag aalangan pa ang teacher na tawagin sya, kaya nilagpasan na lang sya, bat kaya?
Diko nalang pinansin, at umabot ang mahigit 3 oras na klase sa ibat-ibang subject at walang kasaawan pagpapakilala at si Blue ay tulog padin, recess na at bumaba na ako, diko na kailangan mag pasa kahit kanino, kase nadaan ko naman na kanina yung cafeteria, pag ka pasok ko doon ay parang restaurant type sya ang cool lang, "Miss isa nga nitong, cheese cake, tapos chocolate drink." sabi ko doon sa nagtitinda, iaabot kona sana ang bayad ko ng biglang may humablot ng pagkain ko. "ANO BA?!" hinarap ko ang lalaki at nakangisi lang sya, "Akin nato." sabi nya at akmang aalis na sya pero, nakipag agawan ako sa pagkain ko, "AKIN TO!" sigaw ko at pinilit na inaagaw sakanya ang pagkain ko hanggang sa nabuhos ito, natapon sa mukha nya ang cheese cake at ang chocolate ay saakin, kung minalas ka nga nman.
"KASALANAN MOTO EH!" Sabi ko at binatukan sya.
"Grabe, nagawa nyang batukan si Zoren?"
"Lagot nyan sya."
"Nako, kung ako kay girl aalis nalang ako."
"Zoren's fault din naman."
"Shh! Marinig ka nya."
"Dimo ba ako kilala?!" sabi nya at inalis ang cheesecake sa mukha nya, "Hindi, at ayokong makilala ka! Food stealer!" nakaka tatlong hakbang palang ako paalis ay bigla syang sumigaw, "ZOREN DAUNTLESS! TANDAAN MO." diko nalang pinansin ang sinabi nya at umalis nako sa lugar nayun, pumunta na ako sa room namin, buti nalang may dala akong T-shirt.
Nakaka imbyerna naman ang lalaking yun, pero ano daw surname nya? Dauntless? T-teka, D-dauntless, shit! WAHHHH! Possible kaya? na baka anak sya ng may ari ng school or apo sya at dahil sa inaway ko sya kanina, pero kasalanan nya naman eh! Ano na-naman ba to? reyna ba ako ng kamalasan?
Wala si Blue sa pwesto nya, baka nag re-recess, pinagtitinginan naman ako ng mga classmates ko pero wapakels ako, at nag deretso na ako sa banyo para mag palit, sana di ako namukhaan ng lalaking yun, pero sa susunod na agawan nya ulit ako ng pagkain, lagot sya saakin.
Kahit anak man sya or apo, or baka may ari pa sya?! sheez, wag naman sana.
Zoren POV
Nag hahanap lang naman ako ng mapipikon ngayon, kaso napagtripan ko ang isang babaeng makakasira ng araw ko imbis na makaka pasaya, lintek na babae yun, lakas ng loob na batukan ako.
Nasa may secret door ako, at nandito din ang ibang gang, kaso hindi kami buo, sila Kenji, Blue, Draven at ako lang, "Zo, nakipag away ka daw kanina sa isang babae?" tanong ni Kenji, aba't mukhang nangiinis pa to ah?! "Shut up, baka ikaw ang pag buntungan ko." nag act naman sya ng parang nag zi-zip ng bibig, tss.
"Balita ko, natapunan yan eh, tska sinagot nung babae." Tawa ni Draven, at hanggang sa tumawa na din si Kenji, habang si Blue ay walang pakialam, kumuha ako ng darts, at pinatama sa gilid nila, "Ano ba naman Zo! Joke lang eh." "Walang ganyanan." sabi nilang dalawa at natigil sa pag tawa, "Imbis na tumawa kayo, alamin nyo kung anong section nun at kung anong building! Bilisan nyo, baka baril na ibato ko sainyo." sabi ko sa dalawa nag salute nama sila, na parang sundalo, mga hangal na to.
Mag kaharap lang kami ulit ng babaeng yun, humanda sya saakin.
BINABASA MO ANG
POSSESIVE MONSTER
AksiZoren Dauntless Kinakatakutan Niluluhudan Sinasamba at higit sa lahat tinutuwadan. Sya ang mag dadala sayo sa langit, kama lang ang gamit, pero ang halimaw sa loob nya ay sobrang sama kung magalit.