097 ;

2.3K 55 65
                                    


jierine

before he can even open his mouth, someone on the stage interrupted him.

"good evening everyone! the stage is now free for any requests and the live band are waiting for you all! feel free to sing with them!"

impit na tili ang inilabas ng mga babae at naghiyawan ang mga lalaki. ang ibang mga tao sa loob ng hungry district ay pumalakpak din.

"ano, tristan?" tanong muli ni jaxx.

nag angat ng tingin si tristan. "can i just sing it?"

"oh~" mapang asar na tono ni jenice. "you're gonna sing for her?"

tumango ito at agad na tumikhim muli si lily at roseanne. nagreact ang mga lalaki at bumaling si tristan kay kuya.

hindi ako makapagsalita.

"go." ani kuya sakanya at tumango.

hindi nga ako nagkamali, bumaling siya sa akin bago tumayo at pumunta sa stage. naghiyawan ang iba pang mga tao at pumalakpak sakanya bago ito bumulong sa banda at umupo sa tapat ng mic.

siniko ako ni jenice na ngayon ay lumipat sa tabi ko. "cheer mo naman!"

"siraulo." sagot ko at bumaling muli sa stage.

tumikhim si tristan at pumikit nang magsimula nang tumugtog ang banda.

Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit

mariin akong napapikit nang magsimula itong kumanta. take note, tagalog pa!

Kapag naaalala ka
Wala naman akong
magawa

bumubulong bulong si johann kay kuya na tanging mura lang ang nagiging sagot ng kapatid ko.

hindi siya dumidilat. nakapikit lamang siya habang dinig na dinig ko ang malalim nyang boses kasabay ng pagtibok ng puso ko.

Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap
kita.

tinaas ni roseanne ang braso niya. "shit, kinikilabutan ako!"

tumawa si lily at tumango bago isinigaw ang pangalan ni tristan. "go tristan! para kay jierine!"

ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita at pagbawalan si lily. nakatitig lamang ako sakanya habang mariin ang kanyang pagkapikit.

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama ka muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
Na tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha

iwinawagaygay ng mga lalaki ang kanilang mga kamay dahilan upang magaya yung ibang tao dito.

At naglalagay ng ngiti
sa mga labi

"he's asking for your forgiveness." biglang bulong sa akin ni jenice.

"i'm not mad at him." sagot ko at napalunok sa kanyang performance.

"he thinks you are."

nilingon ko si jenice at bumuntong hininga. "alam mo namang hindi diba?"

she nodded and smiled. "after this, you better talk to him. alright?"

"i will."

'Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa, knock on wood
'Wag naman sana

nalalapit na ang kanta kaya nagulantang ako nang iminulat niya ang kanyang mga mata at diretsong tumitig sa akin.

Umuwi ka na baby...

paulit ulit ang mga salitang iyon at parang sirang plaka sa utak ko ang ilang segundong pagtititigan namin.

natapos siya't lahat lahat ngunit hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. lahat sila't naghihiyawan at nagpapalakpakan habang pababa siya sa stage ngunit ako'y nananahimik lamang.

"he's coming." bulong ni jenice at wumagayway na para bang alam na niya ang susunod na mangyayari.

lumapit si tristan ng walang pagaalinlangan at pinatunog ang leeg habang marahang iniaangat ang kamay. "can i borrow you for a minute?"

before i can even answer, my damn brother pushed me hard after squealing like a girl.

bully.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon