078 ;

2.2K 61 1
                                    


jierine

"anak, nandito na siya, hinihintay kang lumabas." nadinig kong kumatok si yaya sa pintuan ko dahilan upang mapabangon ako mula sa kama.

"yaya can you just get the meds and tell him to leave? i don't wanna see him." pagiinarte ko kahit alam kong hindi din gagawin ni yaya yon dahil ayaw nyang hindi naman hinaharap ang mga bisita namin.

well actually di ko naman talaga siya bisita, napagutusan lang siya ni kuya.

"you don't wanna see me?" i froze as soon as i heard jaxx's voice laughing at the back of my door.

shit! so si jaxx ang nagpunta at hindi siya?!

agad akong napatayo at binuksan ang pinto. nadatnan ko si jaxx na tumatawa habang si yaya ay sumesenyas nang kukuha ng tubig para sa gamot na iinumin ko.

"ay, may hinahanap kang iba noh?" tawa niya na ikinailing ko.

"baliw. sino namang hahanapin ko?"

liar. i told to myself as soon as tristan popped up on my head.

wow, hanggang ngayon galit siya? ang tibay niya kung ganon.

"sino pa ba?" halakhak niyang muli at pumasok sa kwarto ko nang walang pasabi. umupo siya sa kama at sumandal sa headboard.

"buti pumayag kang pumunta dito? himala at iniwan mo ang party mag isa." ani ko bago magpasalamat sa gamot.

"may kasama ako." aniya at hinablot ang unan ko sa gilid.

"huh? sino?" takang tanong ko kahit alam ko na sa sarili kong umaasa ako kung sino yon.

damn, jierine! kumalma ka, pwede?!

ngumisi ito at ngumuso. "kunwari di niya alam." sabay tawa ng malakas at tinuro ang bintana.

"why don't you see it yourself?"

napairap ako at inambang sasaktan siya. tumayo ako kahit alam kong ginagago lang ako ni jaxx at sa di malamang dahilan ay umaasa talaga akong si tristan yung kasama niya.

pagkabukas ko ng bintana, bumungad sa baba ng bahay si tristan na nakasandal sa motor at pinagmamasdan ang bahay nila bobby sa di kalayuan.

i felt relieved and at the same time, hurt. relieved dahil alam kong hindi niya parin ako nagawang pabayaan kahit nagkakaiwasan na kami. hurt, dahil tingin ko'y kaya siya nandito ay dahil utos lamang iyon ni kuya.

"ayaw pumasok, galit ka daw." ani jaxx muli kaya napasinghap ako at sinara na ang bintana.

"bakit di nalang sa salas? tsaka hindi ako galit sakanya." paliwanag ko kahit alam kong wala namang magagawa si jaxx.

"i don't know. why don't you just text him instead?"

"tsk. magkaaway nga kami diba? papasukin mo na. mamaya makita siya ni bobby don o kaya ng kahit sino, pagdiskitahan pa siya." sumbat ko at umupo.

"so galit ka nga sakanya?"

"hindi nga! yun lang akala niya!"

"edi itext mo." pangungulit niya at kumindat.

"magkaaway nga kami eh." habol ko at bumusangot.

"mas lalong iisipin nun na galit ka kung di mo siya papapasukin." sagot niya lamang sa akin dahilan para mapanguso ako.

bully.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon