072 ;

2.1K 63 10
                                    


jierine

naghiwayan yung boys nung sinunod nung kasamang babae ni tristan yung dare nilang halikan yung tungki ng ilong niya.

ew.

pasimple akong napairap at bumaling kay jenice upang siya nalang ang pagtuonan ko nang pansin. tumawa siya sakin at nakipagkwentuhan.

"ang sakit na ng mata ko sakanila, jierine. patigilin mo na yan." sinabi niya iyon habang nakangiti at hindi gumagalaw ang labi upang walang makahalata. tinawanan ko siya at sinabing hayaan nalang.

naramdaman ko ang pag akbay ni lily sa gilid ko kaya napaharap nanaman ako uli sakanilang lahat.

"hoy birthday na ni jierine sa friday ha!"

oh shoot. oo nga pala! sarili kong birthday hindi ko natandaan!

"yes naman!" ani roseanne at sinundot ang tagiliran ko. tahimik na ngayon si tristan pati yung kasama niyang babae na hindi magawang makipagusap saming mga babae at puro siya dun sa mga lalaki.

"san tayo nyan?" tanong ni bejamin

"party, jierine?" masiglang sambit ni johann pero inalingan ko siya.

"hungry district nalang tayo." sagot ko at binalingan si kuya. tumango siya at sumubo muli ng pagkain. "para chill lang."

"no other girls allowed." mataray na sambit ni jenice dahilan para bumaling silang lahat sakanya.

ngumiti ito ng nakakaloko at kumindat dun sa babaeng dala ni tristan. hindi naman sila nagsalita at nagpatuloy lang sa kaharutan nilang bulung-bulungan na parang mga bubuyog.

mahina kong kinurot sa tuhod si jenice at sinenyasan siya. ngumiti siya sa akin at binalingan muli sila. "bakit, masama ba?"

"sino namang dadalhin naming babae jenice?" tanong ni jaxx at tumawa.

"tanong niyo kay tristan." nalaglag ang panga ko nang isagot ni jenice iyon at tumawa. "oops. sorry."

bully.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon