Chapter 1 - Letting Go - The Beginning of the New Life

3.5K 68 3
                                    

 [A/N: This is a sequel to Mesmerized: Mr. Playboy Meets Ms. Naive. Please read the first book to know the characters. http://www.wattpad.com/story/18475741-mesmerized-mr-playboy-meets-ms-naive  Thank You.]

[Picture on the right - Joelle Mateo]

Joelle POV

 More than a day pa lang ang nakalipas ng huli kaming magkita ni JX. Hindi ko na siya inihatid sa airport. Ayaw din naman niya at baka hindi daw siya makaalis. Ayoko rin naman pigilan siya dahil ayokong maging selfish. Hindi ko pa kaya tugunin ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko pa kayang palitan si Eric dito sa puso ko.

Nami-miss ko na siya, nami-miss ko na ang kaibigan ko. . . ang guardian angel ko? Hindi pa siya tumatawag, dumating na kaya siya sa Canada? Wala naman status sa FB, eh. Oo, lagi na kong nag-F-FB dahil lang sa kanya. Silip silip lang naman.

 Wala pa rin sina Bes, nag extend pa sila ng honeymoon. Miss ko na siya. Sabi sa kin ang isang kaibigan ko sa E-Source, nag-quit din daw si Bes sa work. Pero hindi pa sinasabi sa'kin ni Bes. Nung huli kaming mag-usap, busy pa daw sila sa paggawa ng baby? Pa'no kaya gawin ang baby? Mahirap kayang gawin yon? Kaya ba ang tagal nilang bumalik? Tanungin ko na lang pagdating niya?

 Kahit naman bumalik na sila alam ko naman iba na sitwasyon namin. . . don na sila titira ni Mike sa bahay na regalo ni Tito Mikael, father ni Mike. . . don sa subdivision kung saan nakatira sina Sarah at Chris. Ako na lang ditong mag-isa sa condo.

Mag-i-start na rin ako sa bago kong trabaho sa MGC bukas. Si Mr. Ramos mismo ang magti-train sa kin, for sure magiging busy kami dahil nasa stage kami ng turnover. Excited din ako sa bago kong magiging trabaho. Si Eric mismo ang nag rekomenda sa akin, naniniwala siya sa kakayanan ko. . . kaya ko nga ba?

 Di ko pa rin maiwasan malungkot - kung nandito pa sana si GA, for sure he will give me strength. Sasabihin niyang kaya ko.

What awaits me in this new phase of my life without Eric or JX?

 I need to be strong – I know, kakayanin ko itong mag-isa. Lagi naman akong nag-iisa bago ko naging kasintahan si Eric at bago ko nakikilala si JX. A new phase of my life. . . a new beginning.

JX POV

 Ang haba ng biyahe ko, sobra kong naiinip gusto ko na makauwi ng Canada para matawagan si Joelle. Sa kaiisip ko kay Joelle nung nakaraan araw, hindi ko na-i-charge ang cellphone at iPad ko. Naitago ko pa ang charger sa check-in baggage. Hay! Ulyanin na ko – sandali pa lang ako nalayo kay Joelle. Miss na miss ko na siya.

 Tulog Kain Tulog sa Eroplano. . .

 Just one more flight from Vancouver to Calgary and I'll be home in 3 more hours.

 Nagtaxi lang ako from Calgary Airport pauwi sa condo ko. Pagkalapag ko ng mga gamit ko, kinuha ko agad ang landline phone ko.

 For some reason, buti na lang at hindi ko pa na-i-cut itong landline. Hindi ko naman kailangan ito dahil madalas na wala ako dito sa condo at may cellphone naman ako pero magastos lang ako minsan.

 At salamat din sa high-tech memory ko at nakabisa ko agad ang cellphone number ni Joelle. Tatlong number lang ang kabisa ko, yung number ko, kay Mommy at ngayon kay Joelle. Yung iba inaasa ko sa memory ng technology.

 Without checking the time, I dial her number. . .

 Kring kring (4x)

“Yes, Hello!” Oh no, mukhang nagising ko ang mahal ko. Pero ang cute pa rin ng boses niya kahit bagong gising.

“Hi, Mahal ko, sorry nagising ba kita?” nag-so-sorry ko pero excited ako.

 “Hi, GA, good morning! Musta biyahe mo? Ay, morning ba dyan? Anong oras na ba dyan?” masiglang na bati niya, nagising na siguro mga senses niya.

 “Sorry kung nagising kita, 5:00 AM pa lang pala dyan, dito 3:00 PM na – 14 hours na lang ang advance ng time ng Pinas dahil DST (daylight savings time) na.”

 “Okay lang, gusto ko rin naman magising na ng maaga ngayon, first day ko mamaya sa MGC, di ba? So, kamusta biyahe mo?”

 “Medyo nakakainip, ang haba, di ko pa na-icharge yung cell at iPad ko. Kadarating ko lang kaya tinawagan agad kita. Baka kasi nag-aalala ka na akin.” umaasa lang naman. Sana nga. . .

 “I see, kaya pala ni wala ka man lang post kahit sa FB.” sabi niya.

 Kitams. Iniintay niya talaga ko. Ang saya ko naman. Nagkuwentuhan pa kami sandali bago siya nag-paalam. Ayaw ko pa sanang ibaba ang phone pero kailangan na daw niyang mag-prepare dahil maaga siyang pupunta kay Eric bago siya pumasok sa MGC.

 Nalungkot na naman ang puso ko. Sinabi niya na-miss niya ko at natuwa ako don pero si Eric pa rin ang una para sa kanya. Kailan kaya darating ang panahon na ako na ang uunahin niya kaysa kay Eric?

 Kailan kaya darating ang panahon ako na ang nasa puso niya at hindi si Eric? Aasa na lang muna ang puso ko na darating din ang panahon na iyon.

 Tinawagan ko si Mommy to let he know na nakarating na ko. I tell her, I will visit them later tonight papahinga lang ako sandali. Bukas kasi balik work na naman ako at decided na kong magpasa ng resignation letter.

Final exam na rin pala sa online studies ko by next week, ang dami kong kailangan basahin at i-review. Kailangan maipasa ko yon para mabawasan ang subjects na kukunin ko at ng mapabilis ang pagbalik ko sa Pinas.

 [A/N:  Please don't forget to vote every chapter!  Thank you!]

Mesmerized 2: Mr. Playboy Loves Ms. Naive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon