Five: Knowing

47.4K 228 6
                                    


Lisandra's POV

Gabi na at nandito ako sa garden, di pa ako inaantok kaya dito muna ako. Tama ba tong ginagawa ko? Sa ginagawa naming iyon ay binabayaran niya ako. Bayaran na ba ako nun? Tiisin ko na muna, isang buwan lang matatapos na rin. Unting tiis pa.

"Lisa." nagulat ako ng bigla akong tabihan ni Red. Bagong ligo siya at amoy na amoy ko ang perfume niya.

"Bat di ka pa natutulog?" tanong niya ng nakatingin sa akin.

"Di pa ako inaantok  eh ikaw?" balik na tanong ko sa kanya.

"Same." natawa kaming pareho sa sagot namin.

"No duty ka tomorrow?" tanong muli niya.

"Oo eh, pupunta pa kasi ako sa hospital." medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Andon kasi yung kapatid ko. May sakit siya kaya kailangan ko din siyang asikasuhin." agad naman niyang naintindihan yung sinabi ko.

"Monday ang balik mo?" medyo makulit din tong si Red eh.

"Oo, bakit?" sagot ko.

"Mamiss kasi kita," hindi ko alam kong bakit pero kinilig ako sa banat niya.

"Heh. Bolero ka din noh?" sabi ko at agad naman siyang natawa sa sinabi ko.

"May boyfriend ka?" tanong niya.

"Wala." tipid kong sagot.

"Pwedi mag apply?" hinampas ko siya sa braso niya.

"Ikaw talaga! Makulit ka din noh?" kung di lang siya gwapo binatukan ko na siya.

"Sige na, magpahinga kana. Alam kong pagod ka. Pinapatawa lang kita." tumayo ako saka ko siya nginitian.

"Salamat sayo, mauuna na ako. Magpahinga kana rin. Okay?" ngumiti din siya sa akin. Kahit ginito nawala rin pagod ko dahil sa mga banat niya.

"Goodnight Gandara." muli ko siyang hinampas, galing niya bumanat.

Tuluyan na sana akong papasok ng makita ko si Christopher na nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya? Bat niya naman ako tinitignan na parang may nagawa akong mali? Di ko na inintindi yon at tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

>>Kinabukasan<<

Nag ayos na ako dahil pupuntahan kona si Jeremy sa hospital. Nakapag paalam na rin ako kila Mam Jenny, pumayag din sila at binigay sa akin ang sahod ko.

Papunta na rin ako sa kwarto ni Chris para makapag paalam na rin ako. Kumatok muna ako saka ko binuksan. Tumambad sa akin ang walang damit na siya. Tinapik ko muna siya para magising siya.

"Sir,  aalis na po ako." pagkasabi ko bigla niya akong hinila kaya napahiga ako sa ibabaw niya. Jusme!! Yung abs niya! Ramdam ko bes!

"Kailan ka babalik?" tanong agad niya, bat naman niya natanong? Wala naman siyang paki diba?

"Sa monday po." sagot ko, nakahiga pa din ako dahil di ako matayo kasi nakadagan yung dalawang kamay niyaa.

"Okay, take care." sa wakas pinakawalan niya din ako. Akala ko okay na, humabol pa siya ng halik na ikinagulat ko.

Di na ako nagsalita at lumabas na ng tuluyan. Kabog ng kabog ang dibdib ko. Pero sinisiksik ko sa utak ko na wala yon. Trip niya lang yung mga ganong bagay.

Bumaba na ako at nagpaalam na din kila Nanay Nancy.

"Nay, maiiwan ko muna kayo." biglang lumapit si Aira at yinakap ako, malambing na bata ito.

"Ate bumalik ka agad." habang nakayakap pa rin siya.

"Oo naman, nukaba." sabi ko sa kanya.

"Sige, mag iingat ka anak. Si Red pupuntang mall, may iniutos si sir Fernando. Sumabay kana." sinundot ako ni Aira sa tagiliran ko dahil sakto lumabas si Red na naka ready na. Bigla akong napatingin sa kanya dahil pogi nga siya.

"Bagay kayo ate!" bulong niya at kinikilig kilig pa siya. Kalokong bata ito.

"So, sasabay ka Gandara?" muli ko nanaman siyang hinampas. Kagabi pa siya nang aano eh.

"Sige na, pumunta na kayo. Mamaya kayo pa magkatuluyan." kinilig naman si Aira sa sinabi ni Nanay Nancy at namula naman agad tong si Red.

"Tara na nga," aya na ni Red sa akin at nagpaalam na ako sa kanila.

Lumabas kami at dumeritso kami sa garage, yung kotse na gagamitin namin ay yung ginagamit nila tuwing namamalengke sila. Oh diba? Mag papalengke lang naka kotse pa?

Sumakay kaming dalawa, napalingon ako sa bintana ni Chris. Laking gulat ko na pinagmamasdan niya kami habang umaalis. Bat ba lagi siyang ganyan? Nu kaya problema niya?

"San kita ihahatid?" natigil ako sa pag iisip ng magtanong si Red.

"Sa mall kaba? Don na din ako, bibili ako ng prutas ng kapatid ko." i smiled  habang sinasabi ko iyon.

"Where's your parent's?" napatigil ako sa tanong niya.

"Alam ko na yang mga ganyan. Sorry." agad niyang sabi.

Napatingin ako sa manubela ng sasakyan. Tagal ko na rin hindi nag dri-drive. Marunong ako kasi ako yung laging kasama nila Tatay ko dati.

"Automatic yan?" tanong ko kaagad, nagulat din siya sa tanong ko.

"Hmm. yup, bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Ako mag drive ." ngiti kong sabi, wala siya dapat ipag alala dahil marunong ako. Matagal lang na di ako nakapag drive.

"Sigurado ka?" i nooded at him, iginilid niya ang kotse saka kami nag switch ng upuan.

Pagkaupo ko sa driver seat, namiss ko si Tatay. Sinuot ko yung seat belt dahil yun ang unang bilin ni tatay sa akin. Once na nagdrive ka, dapat naka seat belt ka.

"Masunuring bata, seat belt siya agad oh." biro niya habang nag susuot din siya.

"Heh. Lets go?" excited ako at pinaharurot ng mabilis at ikinagulat niya.

"Tang ina Lisa! Ayaw ko pang mamatay!" natatawa ako sa sinabi niya, nerbyoso din siya.

Ilang minuto nakarating na rin kami at yung itsura ay parang maco-collapse.

"Tang ina talaga, ako na sana nagdrive! Pinakaba mo ako!" habang sinasabi niya iyon nakahawak siya sa dibdib niya.

Nagpark ako at sabay kaming bumaba. Nakahawak siya sa leeg niya, natatawa tuloy ako.

"Sige na, sa market ako."paalam ko,

"Mag iingat ka." pagka sabi niya ay naghiwalay na din kami ng landas.

–––

30 Days Pleasure [PUBLISHED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon