One: Finding

83.6K 306 10
                                    


Lisandra POV

Nagising ako sa boses ng kapatid ko. Tinignan ko siya pero, di ko siya kayang tignan ng matagal. May Cancer ang kapatid ko, 5 years old siya. Napaka bata niya para magka cancer. Pero sabi nga nila, walang pinipiling edad ang sakit. Gusto kong ako na lang mag suffer ng dinadamdam niya. Kasi sa edad niya, napaka bata niya pa.

"Anak, san tayo kukuha ng pambayad natin?" tanong ni Tita Rissa sa akin. Napapikit na lang ako dahil don. Saan kami kukuha ng ganong kalaking pera?

Maagang nawala ang parents namin. Tanging ako na lang ang tumayong ina at tatay ni Jeremy. Kaming dalawa lang ang magkapatid. Namatay si Mama nung sinilang niya si Jeremy. Mas piniling bata na lang ang mabuhay, tapos si Mama di niya din nakayanan. Tapos si Papa naman namatay dahil sa sakit sa puso. Mahirap man sa akin, dahil ako ang panganay pero kakayanin para kay Jeremy.

Hindi ako susuko, ako ang panganay kaya hindi ako susuko.

"Aalis muna ako Tita, hahanap ako." paalam ko kay Tita Rissa, siya ang kasama namin ngayon. Kapatid siya ni Mama eh, wala siyang pamilya. Kaya kami ang inaasikaso niya ngayon.

"Ate!" tawag sa akin ni Jeremy, nakita kong naiiyak siya kasi aalis ako. Ganyan siya sa twing aalis ako, umiiyak siya. Lumapit ako sa kanya para yakapin.

"Wag ka mag alala, babalik si Ate. Okay?" napangiti siya sa sinabi ko,

"Babalik ka Ate ah?" ngumiti ako sa  kanya. Napakalambing niya sa akin.

"Oo, tsaka bibili ako ng prutas mo. Kaya babalik agad ako." tumayo ako saka ko siya hinalikan sa noo.

"Mag ingat ka, anak." sabi ni Tita Rissa at lumabas na agad ako para makabalik agad ako.

Pero san nga ba ako pupunta? Wala na akong pweding pag utangan. Pati mga kilala ko nautangan ko na. Yung bestfriend kong si Rose nautangan ko ng 30K. Buti na lang naiintindihan niya sitwasyon ko. Pero kailangan ko din ibalik this month kasi kailangan niya din.

Paglabas ko nagulat ako dahil nakasalubong ko si Rose. Nagulat din siya ng makita niya ako.

"San ka pupunta?" tanong niya agad sa akin.

"Maghahanap ng pweding pasukan na trabaho." ngumiti si Rose sa akin at hinila ako papuntang canteen ng hospital. Hinayaan ko lang siyang hilain ako.

Ilang minuto nandito na kami sa canteen.

"May isang pamilyang naghahanap ng kasambahay. Sa amin siya nagpapahanap, kasi kilala nila kami. Eh, sinabi kita. Okay lang ba na mamasukan ka? Kahit 1 month lang naman daw. Ako sana ang papasok, kaso may trabaho na ako. Maganda din ang sahod mo kahit 1 month ka lang. " ngumiti ako dahil sa sinabi ni Rose. Papasukan ko kaya? Magkano kaya ang sahod? Pero keri na yan, basta meron!

" Sige, mamamasukan ako. Kailangan ko din talaga bes. " sabi ko sa kanya, dahil kailangan talagang may pera akong hawak dahil in case sa pag chemo ng kapatid ko.

" Ito oh, "binigay niya yung calling card sa akin. Agad kong tinignan at Imperial pala ang apelyedo nila? Mayaman 'to, panigurado.

"Puntahan mo na sila, bago sila makakuha ng kasambahay." sabi at paalala niya sa akin.

"Maraming salamat." yinakap ko din agad siya at medyo naiyak ako dahil sa pagtulong niya sa akin.

"Ano ka ba? Bestfriend tayo, diba? Tsaka balita ko may anak sila, gwapo daw bes." napalo ko siya sa braso dahil trabaho pupuntahan ko don. Hindi yung pogi.

"Ikaw talaga, trabaho ang kailangan ko. Hindi lovelife bes." sabi ko sa kanya at napatawa siya 'don.

"O'sya. Need ko na din umalis. Bibisita na lang ako kay Jeremy kapag okay na schedule ko. Ikaw, puntahan mo na yan. Okay?" sabi niya at tuluyan siyang nagpaalam na.

Muli kong tinignan ang calling card. Pupuntahan ko na agad ito. Gaya ng sabi ni Rose, baka may makauna pa sa akin. Kaya agad akong lumabas ng hospital at sumakay ng taxi.

Nang makasakay nako sa taxi, sinabi ko na yung address na pupuntahan ko. Medyo malayo daw, kaya aabutin ako ng malaking pasahe nito. Pero okay lang, basta makapasok ako sa trabahong yon.

Nakarating na ako at laking gulat ko mala- Mansion ang bahay. Nasa harap ako ng malaking gate! Bongga naman!

"Sino hinahanap mo?" mataray na tanong ng gwardiya sa akin.

"Mamamasukan pong kasambahay." sagot ko sa kanya.

"Ganon ba? Saglit at itatawag ko sa loob." pagkasabi niya nag-antay lang muna ako.

"Sige, pasok na." ang sungit naman ni kuyang guard at kami ay naglakad na.

Ilang minuto na kaming naglalakad di pa kami dumadating sa mismong mansion. Nakaramdam na din ako ng uhaw.

Sa wakas nakapasok na kami, dumiretso kami sa isang office. Ang alam ko office to.

Nakita kong may naghihintay sa akin na babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita kong may naghihintay sa akin na babae. Maganda siya at may edad na. Nakita niya ako at ngumiti sa akin.

"Goodmorning po." bati ko sa kanya.

"Ikaw ba ang mamamasukan na kasambahay?" tanong niya sa akin.

"Opo Mam." sagot ko sa kanya, at muli siyang ngumiti sa akin.

"You want to work here , within one month?" ngumiti ako sa kanya,

"Yes po." sagot ko sa kanya.

"Ang sahod mo dito every week, and every week 10 thousand. Are you okay with that?" lumawak ang ngiti sa labi ko. 10K per week? Jusko.

"Alam kong nangangailangan ka daw ng pera sabi ng kaibigan mo." dagdag niya.

"Opo Mam." ayaw kong sabihin yung tungkol sa kapatid ko.

"Im Jenny Imperial, nice to meet you. And welcome to our house. Start ka na tomorrow." pagkasabi niya inilahad niya ang kanyang kamay para makipag kamayan. Kinamayan ko naman siya agad.

"Thank you po, Mam." pahabol kong sabi sa kanya. Iniwan niya akong nakangiti kahit mag isa. Malaking tulong ito sa akin, sa amin ng kapatid ko.

30 Days Pleasure [PUBLISHED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon