"Bumalik ka rito Psyche!" that was Dido, my father.
Ngunit hindi ako natinag sa pagtakbo, nagpatuloy lamang ako sa pagtahak sa kalsadang hindi ko naman kung saan ako dadalhin. Isa lang ang gusto ko, ang makatakas mula sa mundong ito na puno ng kasinungalingan.
Ako si Psyche, 'yan ang ibinigay na pangalan sa 'kin ni Dido at Mimo—ang mga nakagisnan kong magulang—'di ko nga alam kung iyan ba talaga ang pangalan ko. Isa lang ang alam ko, lahat ng bagay na may kinalaman sa pagkatao ko ay pawang kasinungalingan lamang.
Buong buhay ko, hindi ko inakalang namuhay ako sa kasinungalingan at pagpapanggap. Gusto kong lumayo at tumakas; ang hanapin ang totoo kong pagkatao, pero hindi ko alam kung paano at saan ba ako magsisimula.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo patungo sa kung saan. Bakit ba kasi sa daming lugar kung saan kami puwedeng mamuhay, mas pinili pa nila Dido at Mimo na sa isang probinsiya na mukhang napag-iwanan na panahon kami nanirahan. Oo, tahimik nga ang buhay, pero wala ka namang makikitang pag-unlad.
Nang makaramdam ako ng pagod, pansamantala akong naupo sa ilalim ng silong ng punong mangga at palihim na umiyak. 'Di ko alam kung ano ang dapat kong iyakan; ang katotohanan ba o ang kasilungalingan. Hindi ko alam, naguguluhan ako.
Matagal na sandali pa ang lumipas, ngunit nanatili pa rin ako sa ganoong ayos habang nakatingala sa kalangitan. Nang mga sandaling iyon ay gumaang ang pakiramdam ko. Hindi ko alam, basta sa tuwing tinititigan ko ang langit, nagiging payapa ang kalooban ko.
Matagal ko pang tinitigan ang bughaw na kalangitan hanggang sa may tila isang bulalakaw ang mabilis na dumaan. Hindi nga ako nagkamali, pagkat ilang metro mula sa kinaroroonan ko ay may narinig akong bumagsak, kasunood noon ay tila ba may sumabog na isang bagay.
Dala ng kuryosidad ay dali-dali akong lumapit sa lugar kung saan bumagsak 'yong bagay na nagmula sa langit. 'Di na ko nagtaka nang mag-iwan ito nang malaki at malalim na butas. Dali-dali akong tumalon pababa ng butas upang alamin kung ano ba 'yong bumagsak mula sa langit.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi isang bulalakaw ang bumagsak, kung 'di isang spaceship na may katamtamang laki na sakto lamang para sa isang tao. Mas namangha ako nang bigla itong bumukas at iluwa ang isang kakaibang nilalang, mga kasing taas ko siguro siya, may ginintuang kutis at asul na buhok habang nakasuot ito ng kulay puting damit na tila ba yari mula sa isang metal. Nang tangka ko itong hahawakan, nagulat ako nang bigla itong gumalaw kapag daka ay dumilat ang mga mata. Ang galing, tila malalim na karagatan ang kulay ng kanyang mga mata.
"Boo...doo...mo-o-o so-oo." Narinig kong sabi niya habang titig na titig siya sa mukha ko.
Ano raw, Boo..doo..mo-o-o.. so-oo? Sino ang parating? What, teka bakit naiintindihan ko ang sinasabi ng nilalang na ito? Bigla akong na-weird-uhan sa sarili ko, bakit naintindihan ko 'yong sinabi niya gayong...'di ko alam?
"Koo-po mo to soo?" tanong ko sa kaniya. 'Di ko alam kung tama nga ang pagkakasabi ko, pero iyon ang alam kong translation ng sino ang tinutukoy mong parating? Ang weird ng pakiramdam ko.
"Sii to-o doo poo loo," 'di makapaniwalang wika niya. Ako man, 'di makapaniwala na naiintindihan ko siya at marunong ako magsalita ng kung anomang tawag mo sa lengwaheng ginagamit niya.
"Loo mo to?" Ewan 'di ko alam kung paano? Sagot ko sa kaniya. Weird talaga ng pakiramdam ko.
"Roo woo so to yo," sabi niya, maaari ko raw ba siyang tulungan? Ano namang maitutulong ko sa kaniya, ni sarili ko nga, hindi ko matulungan ngayon.
"Mino soyo hojo koto." Paano, ano ang kailangan kong gawin? Ang weird talaga, bakit dire-diretso lang ang bibig ko sa pagbigkas ng mga katagang iyon...para bang sanay na sanay akong magsalita ng lengwaheng ginagamit niya.
BINABASA MO ANG
Prince & Psyche (An Alien Story) - One Shot
Science FictionIsa akong tamad na writer na madalas mag-shift ng mood, idagdag pa na medyo may pagka-weird nang kaunti. At ngayon ay susubukin ko ang lawak ng aking imahinasyon, susubukin ko ang haba ng attention span ko. This story ay very usual na, as usual mala...