Isang buwan na pala ang matuling lumipas simula nang huling araw na nakasama ko si Prince, kumusta na kaya ang alien na 'yon? Nagkita na kaya sila ng Princess niya?
Para akong timang dito sa kuwarto ko habang nakatunghay sa langit. Simula nang umalis si Prince, maraming bagay ang nagbago sa 'kin, partikular na itong puso ko. Sa paglisan niya, tangay-tangay niya rin ang puso ko, pero umaasa pa rin ako na isang araw ay babalik si Prince, hindi para hanapin ang prinsesa niya, kung 'di para sa akin.
"Miyo to soho kiro pamo saho woto miko rohi mano dabo go." Mahinang bulong ko sa hanggin. Ganito pala ang pakiramdam, ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit gano'n ang mga kabataan ngayon—kung bakit gano'n si Jeadah na kaklase ko. Hay malapit na talaga akong mabaliw, sana magpasukan na para 'di na ko nabuburyo rito sa bahay. Sabagay, dalawang araw na lang naman ang hihintayin ko.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, at last may pasok na, kahit papaano, hindi na lulukubin ng lungkot ang puso ko.
Maaga kaming umalis ng bahay ni Dido, medyo malayo kasi ang school ko sa amin. Ayaw naman niya na mag-boarding house ako sa kabayanan, kaya matiyaga niya akong hinahatid-sundo, mabuti na lamang at may sasakyan kami, kung 'di ay mas lalong mahirap ang sitwasyon namin
Pagdating namin sa school, agad na ring nagpaalam si Dido habang ako naman ay dumeretso na sa classroom ko. Kaunti pa lamang ang tao sa loob, kaya naman humanap agad ako ng magandang puwesto. Tulad pa rin nang dati, sa gawing likuran ako lumagay—malayo sa lahat. Hindi ko lang talaga feel makipagplastikan sa kanila. Halata namang ayaw nila sa akin, kaya bakit ipipilit ko pa ang sarili ko, si Jaedah lang naman ang masasabi at maituturing kong kaibigan sa paaralang ito.
Ilang sandali pa ay tumunog na 'yong bell, hudyat nang pagsisimula ng klase. Ito ang huling taon ko sa high school, at sana ito na rin ang huling taon na lalayuan ako ng mga tao sa paligid ko. Sabagay, sino nga ba ang tatanggap sa isang katulad ko. Oo, alam kong kaiba ako sa kanila, pero gaya nila ay tao rin naman ako, nagkataon lamang na may kulay ginto akong balat sa leeg at kulay dark green ang mga mata ko. Kaya nga pinilit ko si Dido na ibili ako ng contact lens na kulay brown para maitago ang totoong kulay ng mga mata ko habang pinakulayan namin ng itim ang kulay silver kong buhok na kada tatlong buwan ay bumabalik sa orihinal nitong kulay.
"Good morning class," bungad na bati sa amin ni Ms. Trisha—ang adviser namin.
"Good morning, Ms. Trisha." Narinig kong sabay-sabay na sagot ng mga kamag-aral ko, kaya nag-angat na ako ng tingin, mamaya ay mapagalitan pa ko ni Ms. Trisha.
Nagitla ako sa aking nakita. 'Yong pakiramdam na nakakita ko ng multo at parang namamalik-mata, kaya naman kinusot ko ang mata ko gamit ang mga kamay ko, nagbabaka sakaling hallucination ko lamang ang lahat. Pero hindi ako nananaginip, totoong si Prince ang lalaking katabi ni Ms. Trisha na nakatayo sa gawing kanan niya.
"Hi, Im Prince. Ako ang bago ninyong classmate," nakangiti niyang wika. So, 'di nga ako namamalik-mata o nananaginip, totoong si Prince ang nakatayo sa harapan namin ngayon. Mas napatunayan kong tama ang hinala ko nang dumako ang tingin niya sa akin.
'Yong pakiramdam na nagwawala ang puso ko at gustong lumabas mula sa ribs ko.
"Prince," mahinang bulong ko, sabay ngiti rin sa kaniya.
Bigla tuloy akong napaisip, ano na naman kaya ang ginagawa ng alien na 'to sa mundo namin, nakita na kaya n'ya yung prinsesa niya? 'Yan ang mga tanong na gusto ko sanang ibato sa kaniya, pero tila naman napipi ako.
Matapos magpakilala sa harapan ay umupo na si Prince sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi talaga ako makapaniwala na naririto siya ngayon.
Matapos ang dalawang sunod na klase, break time na, kaya naman ginamit ko ang pagkakataon na kausapin siya upang mabigyang linaw ang lahat ng tanong sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Prince & Psyche (An Alien Story) - One Shot
Science FictionIsa akong tamad na writer na madalas mag-shift ng mood, idagdag pa na medyo may pagka-weird nang kaunti. At ngayon ay susubukin ko ang lawak ng aking imahinasyon, susubukin ko ang haba ng attention span ko. This story ay very usual na, as usual mala...